4

95 7 27
                                    

Gwyneth's P.O.V

"And you guys have to make sure the numbers are correctly computed when it comes to measuring-" Habang busy si Engineer Ramirez na mag-paliwanag sa harapan, aligaga naman akong nag-aabang maya't maya sa phone ko. Hindi pa kase nag-rereply si Ashton sa chat ko kagabi. Naiisip ko tuloy baka may iba siya kachat.

'Ano ba karapatan ko mag-selos kung meron nga? Eh crush ko lang naman siya at hindi naman niya ako kilala. Pero 'di hamak na mas maganda ako don sa mga nakakausap niya. Char!'

"Kamusta na yung chat niyo nung crush mo?" Umusog sa direksyon ko si Hera at bumulong. Napasimangot na lang ako at tumingin siya ng patanong. Chismosa.

"Wala pa siyang reply. Ni hindi pa nga niya sineseen eh!" I said then sighed in disappointment. Sa sobrang peymus nitong si Ashton, pakiramdam ko wala siyang oras sa mga tulad kong gaga na nag-stalk at aksidenteng nalike ang litrato na pinost niya sa Instagram five years ago.

'Boba, Gwny! Napaka boba! Ang bilis mo kaseng magulat!' Ilang ulit ko ng napagalitan sarili ko pero wala na 'yon magagawa.

"Hala, naturn off na sa'yo. Kakastalk mo yan eh!" Hera giggled. Itong babaeng 'to kahit kailan napaka mapang-asar. Tinignan ko siya ng masama at napataas lang siya ng kamay. Binaling ko na lang muli ang atensyon ko sa phone ko na hanggang ngayon ay blanko at itim pa rin ang screen dahil ni-isang notification galing sa kanya ay wala.

"Wag mo naman ako takutin ng ganyan," Sagot ko na lang sa kanya, nakatitig pa rin sa screen.

"What? Just stating the truth. Kesa naman sa masaktan ka in the end, edi tapusin na bago pa mag-simula!" She shrugged before turning back to the instructor.

"Shut up. You're not really helping me!" Dinabog kong tinago yung notes ko ng makita kong nag-papack up na ang instructor. Malapit na mag-dismissal tas one and a half hour vacant para makita ko ulit siya sa building nila. Hihilahin ko lang ulit itong si Hera don tas maiinis nanaman siya sa'kin tas kikiligin ako kase meron si Ashton ulit don.

Naputol ang pag-mumuni-muni ko ng maramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Notification lang naman pala yon.

'Notification?!' Dali-dali kong inopen ng patago ang phone ko dahil hindi pa naman umaalis si Engineer, ibig sabihin hindi pa tapos ang klase niya. At knowing him, hindi siya mahilig sa distractions. 'Pag nahuli ako, panigurado, hindi ko marereplayan si crush, a.k.a. Ashton.

"Uy kabado siya!" Natatawang sabi ni Hera na kanina pa pala ako inoobserbahan. Hindi ko na lang siya pinansin at binuksan patago ang phone ko.

Ashton.M_ replied to your message!

'Fuck! Nag-reply na siya! Kalma Gwyn! Kalma lang!.....Shet! I can't!' Parang hindi ko yata kaya kumalma. Nag-respond na kasi si Ashton. Parang gusto ko sampalin sarili ko at mag-hunos dili. Kumakabog ang puso ko ng malakas at kinakabahan kong inopen ang IG app.

"Siya na ba yan?" Nakatingin lang si Hera sa phone ko, halatang medyo naeexcite din siya sa mangyayari.

'Ito na ba yun Lord? Ito na ba ang sign na mag-kakajowa na ako atlast?'

"Oo," Sagot ko lang habang naka-hover lang ang daliri ko sa username ni Ashton.

"Uy kilig siya!" Pang-aasar ni Hera. Medyo napalakas ata siya ng bigkas dahil nasita kami. Ibinaba na lang namin ang ulo at tingin namin para hindi kami mapahiya. Medyo natatawa pa rin si Hera dahil sa naging reaksyon ko.

"Wag ka ngang maingay!" Pag-babawal ko sa kanya. Sa wakas ay nag-karoon rin ako ng lakas ng loob para buksan yung message ni Ashton sa'kin.

Ashton.M_: Stalker

Araw-Araw (Playlist Series 1) (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon