3

87 6 12
                                    

Ashton's P.O.V

"Can't believe nakabingwit ka na naman pare! Imagine, tumambay lang tayo sa student lounge tas may dalawang babe ka na? HAHAHAHA" Malakas na tawa ni Cecilio as soon as we got out of the building, leaving the two freshmen. Feel ko parang na warshock ako don.

I have never been approached like that. And as soon as I heard that they are freshmen, galing pang Engineering which is like the other side of this campus, is really something new.

'That's right Cecilio, girls like me that much,' I wore my smug look, pangyabang ba kay Cecilio na 'jowang jowa' na daw pero nonstop ang mga babae sa mga night outs.

"Pakyu Cecilio. But what can I say? Ganon talaga charms naming mga Magsaysay," I just said, flexing a bit. Dex chuckled and shook his head while Bethany only raised an eyebrow, as if hindi naniniwala.

'Parang tanga 'tong si Bethany, kala mo hindi nag ka crush sa'kin, tsk,'

"Wew! To hell with your charms, Magsaysay!" Sagot ni Cecilio, mukhang inis dahil sa pag-mamayabang ko. Inggit lang 'to, kase I don't have to do a thing to have a girl approach me. Medyo conceited lang but hey, that's what's been happening lately so.

"Inggit ka lang," I just said, sticking out my tongue in a childish way. Pinakyuhan lang ako nito as a response.

"Mukha mo," Inis niyang sabi sabay irap. We're currently making our way to wherever Bethany takes us. Siya lang nakakabisado ng campus at town aside sa'kin. Bethany has connections just about anywhere kaya asahan mong magaganda ang hang outs na binibisita namin 'pag kasama 'tong si Bethany.

"Ha! Palibhasa 'di ka pinansin nung dalawang freshmen! Wawa naman you Cecilio!" Sumabat na si Bethany sa pang-aasar. Usually, it's between him and Bethany, and Cecilio always end up defeated. Mabilis at mataba utak nitong si Bethany, may sagot sa lahat ng banat nitong si Cecilio.

"Pake ko? I can be whoever I want to be with," Maangas niyang sagot. Tinaasan lang siya ni Bethany ng kilay at ngumisi na parang nang-aasar.

'Kala mo chick boy, more like chick repeller,'

"Oh talaga? Kaya pala 'di ka pinansin nung Engineering freshmen kanina kahit panay ngiti mo sa kanila," Bethany snapped back. Napanganga si Cecilio na animo'y di makapaniwala. Nauna na silang nag-lalakad sa'min ni Dex, nakasunod lang kami habang nag-babangayan ang dalawa. Mula sa'kin, nabaling ang atensyon sa dalawa, real quick.

'If this two ended being together, I'll just act surprised. Ganon din siguro 'tong si Dex,'

"Ay sorry, tapos na ako sa mga Engineering. Remember, twice is a no-no unless the situation begs different," Pangyayabang nitong si Cecilio.

He has this dumb rule where he dates at least one girl from every department and so far he had 5: from tourism, from nursing, from Behavioral Science, from Education and from Engineering. All of them dated him for less than a month. Hindi na daw siya ulit mag-dedate ng babaeng galing sa department na may nakadate na daw siya dati.

'As if. Hindi din yan makakatiis. Kating-kati mag-kajowa,' It's like Dex could hear my thoughts kase bigla na lang siyang bumulong sa'kin.

"He's not gonna follow that stupid rule of his, is he?" Natatawang nguso niya sa Cecilio na nakikipag bangayan pa rin kay Bethany.

"Cecilio pa ba?" We just chuckled among ourselves, not really in the mood to join Cecilio's daily dose of his crazy moment.

"Yucks! Sumbong kita sa kay Kuya Judge! Lagot ka sa kuya mo!" Pag-babanta ni Bethany. Itong si Cecilio kase may nag-iisang kuya whom we've met a few times 'pag tuwing bibisitahin niya 'to, and he's aspiring to be a prosecutor. Kahit hindi aminin ni Cecilio, we all know how close he is with his older brother. He practically raised Cecilio dahil masyadong magulo ang pamilya nila na involve sa pulitika.

Araw-Araw (Playlist Series 1) (On hold)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें