2

128 6 16
                                    

Gwyneth's P.O.V

"Gwyn! Anuna? Mag-sasubmit pa ba tayo ng output or susundan pa rin na'tin yang si kuya?" Inis na sabi ni Hera. Kasalukuyan kase naming sinusundan sa Arts and Sciences Department yung lalaking nakita namin sa tambayan.

According to one of our block mates, dito daw sa N building sila matatagpuan. At hindi nga ako nag-kamaling pumunta dito dahil matapos ang ilang minutong pag-iikot-ikot namin, nahanap din namin sila na nakatambay sa lobby, sa tapat ng office.

'I feel like it's not the first time I saw him,' Feeling ko lang naman pero para talagang narerecognize ko yung mga mata ng lalaking nakaagaw ng atensyon ko doon sa Legacy. Buti na lang talaga at napilit ako ni Hera na itour sila at iba pa naming mga ka-block mates around the city. Buti na lang din at napilit nila akong pasukin at itry mag-laro ng billiards sa Champs.

Nakatago kami ngayon sa gilid ng hagdanan papuntang itaas. Mula sa pwesto ko, sinusubukan kong nakawan ng tingin yung lalaking yun. Naka-upo lang sila sa upuan na nasa tapat ng office ng department nila. Feel ko my eyes are making heart eyes. Ewan ko ba kung bakit, pero simula nung pangyayaring mga ilang araw na ang nakalipas, hindi ako mapakali.

Parang kating-kati ako na kilalanin siya. Just knowing his name for now is already an achievement. Never ko pa na-try maging ganito ka-hooked sa isang tao. And seeing the guy made me feel like he's way out of my league, pero an Austria never quit until we try. Subok lang hangga't kaya, and that's what I intend to do.

"Pwede ba, 'wag ka na maingay? Mamaya pang 6 lalabas si Sir Julio and mag 5:30 pa lang, kaya ikalma mo yang buchi mo," Sagot ko lamang, my eyes never leaving the sight of the guy who's casually sitting sa tapat ng office kasama ang mga kaibigan niya. Hinampas lang ako ni Hera ng mga hawak niyang papel sa inis. I winced and rubbed the sore spot, still paying no attention to her.

'Gahd, even his shadow's so handsome. Gwyneth, you're doomed. Ni hindi mo nga kilala yang mga yan. Heck! You don't even belong in this department!' Parang magnet kung maka-agaw tingin 'tong lalaking 'to. Siguro naramdaman ng kaibigan niya yung titig ko kaya napatingin ito sa direksyon namin. Sa gulat ko, agad akong napatago. My heart was pounding off my chest, as if it'd fall anytime now.

'That was a close one,'

"Ba't ba kase 'di mo lapitan? Pinapahirapan mo pa sarili mo. Actually, no. Pinapahirapan mo ko sa kagagahan mo eh," Sabi ni Hera na agad naman umirap. Sumilip muli ako ng dahan dahan at nakitang busy ulit sila sa ginagawa nila. Naramdaman kong tumayo si Hera. Sinubukan ko siyang pigilan dahil baka mabuko ako but damn, she's strong.

"Hera?! Ano ba?! Maupo ka nga!" Galit kong bulong sa kanya. She only shook her head. Tinignan ko siya na parang nag-mamakaawa dahil pakshet, nakakahiya kung ganto ang itsura ko kung makikita man ako ng lalaking 'yon. Nagulat ako ng bigla akong hilain ni Hera patayo mula sa kinauupuan ko. Pinag-titinginan na kami ng mga estudyanteng dumaraan pati na rin yung student assistant na nag-mamop.

"Oh my gahd!---" Gulat kong sigaw at nanlaki ang mga mata ko.

'San ba nakuha ng babaeng to yung lakas niya?!' Dere-deretso niya akong hinila papunta sa pamilyar na direksyon. Pilit naman akong nag-pupumiglas.

"Hera!-Ano ba!- Teka nga!---" Bulyaw ko sa kanya. Napatigil siya at tumingin sakin, nakapamewang pa.

"So, titigan na lang 'to all day long? Wala ka talagang balak lapitan?" She said, hands on hips and eyebrow raised at me. Umayos ako at inisip ang isasagot.

'May balak nga ba akong lapitan siya? Ah shet 'di ko ata kaya,'

"Siguro.... Ewan.... Ako na bahala don!" Sagot ko na lang. Ngumisi ng bahagya si Hera, crossing her arms. Then, at the corners of my eyes, I saw the guy started packing up to leave with his group.

Araw-Araw (Playlist Series 1) (On hold)Место, где живут истории. Откройте их для себя