6

84 4 1
                                    

Gwyn's P.O.V

Gwyn_Rory: Uuuuy sorry pala about dun sa joke

Gwyn_Rory: Yung sa dad mo

Gwyn_Rory: He's good looking too pero di ko inentend na mamention sya

Gwyn_Rory It was actually Hera

Gwyn_Rory: hindi ko lang kase talaga alam irereply ko so she took my phone and replied for me

Gwyn_Rory: eh hindi ko naman alam na ganon ichachat niya

Gwyn_Rory: Still sorry haaaaa

Sent

'Ang daldal ko na naman,'

I sighed deeply and leaned to my bed's head board.

'Kung nakukulitan man siya sa'kin, well sorry siya, dahil determined lang talaga akong makilala siya. And besides,he never really said anything about my presence. Alam ko rin naman boundaries ko and I still respect him like my senior,'

Kasalukuyang alas tres na ng hapon at nakatambay sa kwarto ko since wala akong pasok ngayong araw at nacancel dahil sa isang importanteng university board meeting tungkol sa mga issues na kinakaharap daw ngayon ng school. Swertehan na lang dahil hindi ko pa nafinalize yung requirements ko eh ngayon sana ang pasahan. Since canceled ang classes, mamomove na daw yung deadlines next week.

'Jusko, thank you so much! Pahinga rin sa wakas!' Ilang linggo rin kaming nag-dusa ni Hera sa sunod-sunod na activities at deadlines na nirurush nila. Feeling major ang mga minor subjects kung makabigay ng deadlines. Such stressful week. Malapit-lapit na ang midterms that's why I want to make it worth a while in making Ashton familiar with me.

Ashton.M_ replied to your message!

'Halaaa! Nag-reply na siya!' Medyo mabilis din mag reply, in fairness.

Ashton.M_: Yeah sure

'Sungit naman nito. Ang ikli pa ng reply,' Rinig na rinig ko yung sarcasm sa reply niya. Iniimagine ko yung facial expression niya ng naiinis. I giggled at the thought. Ang cute cute niya siguro 'pag ganon. I waited for another minute baka kase may pahabol siyang chat, but there was nothing. Nireplayan ko siya na parang nang-aasar.

Gwyn_Rory: Sungit

Ashton.M_: istorbo

'Wow. Ako? Istorbo? Eh kanina lang, nag-myday pa si Bethany na nasa may Legacy sila. Wow ha!' Akala niya siguro di ko makikita eh finollow ko siya at mga friends niya sa IG at Twitter. Lagi siyang tinatag ni Cecilio sa mga memes, duh.

Gwyn_Rory: wehhhh

Gwyn_Rory: Nakita kita eh

Gwyn_Rory: Anjan kayo sa may Legacy 'no?

Ashton.M_: So?

'Ba't ba ang ikli mag reply neto? Yung totoo? Kulang kulang ba letters ng keyboard neto?' Regaluhan ko 'to ng iphone eh, charot. Ako nga walang pambili ng mechanical pens at rulers, iphone pa kaya? Tsaka, mukha ngang mas yayamanin pa 'to kesa sa'kin.

Gwyn_Rory: Y so Masungit?

Ashton.M_: Y sO bOtHeRsOmE?

'Aba, jeje pala 'to. Yikes!' I shook my head and chuckled while replying. Ito na ata ang pinakamahabang exchange of conversation namin ni Ashton. Mabagal ang progress, but at least there is a progress ng panunuyo ko sa kanya.

Araw-Araw (Playlist Series 1) (On hold)Where stories live. Discover now