Chapter 1

137 7 0
                                    

The clock alarm disturbed yan-ah's sleep as she was about to go to school today. But her sleepy eyes don't want her to leave the bed.

"Yan-ah Kim! Gumising kana!" Her Brother shouted outside her bedroom's door.

She heard a knock and she assumes that it was her brother.

"Kuya! Tinatamad akong pumasok" gulo-gulo ang buhok nitong lumabas ng kuwarto at sinundan ang kapatid niyang lalake sa kusina na nag luluto ng agahan nilang dalawa.

Nakapalumbaba si yan-ah habang nakaupo sa island counter.

She and yun- oh are both a college a student they both have the same age and very similar names.

Mag kakambal sila at ang nanay nila ang nag bigay ng pangalan nilang dalawa. Their mother is working in Hawaii so they didn't have their mother by their side.

"Bilisan mong kumain malelate nanaman tayong dalawa dahil sayo" reklamo ng kuya niya.

"Oo na, ako naman palagi yung dahilan kung bakit palagi tayong nalelate kahit na ikaw yung may kasalanan dahil 40 minutes kang maligo" ani ni yan-ah.

"Hindi ka kasi nag hihilod" ani ni yun-oh.

"Excuse me? Nahiya naman yung maputi at makinis kong balat sa balat mong puro tigidig tss" nakangusong sabi ni yan-ah.

"Wag kang sasabay sakin pumasok ah, mag lakad ka!" Singhal ni yun-oh.

"Talaga! May pera naman ako tss" ani ni yan-ah sabay irap sa kapatid niyang lalake.

Ng matapos siyang kumain ay umakyat ulit siya sa kuwarto niya para maligo at mag bihis.

Ng matapos ang tatlong pung minuto at lumabas na siya ng bahay para pumasok sa eskwela.

Montessori University ang pinapasukan niya sa kolehiyo.

Isang tricycle at isang jeep lang ang sasakyan bago makapunta sa Montessori University mula sa bahay nila kaya medyo malapit lang 'yon.

Habang nag lalakad siya sa daan dahil kabababa lang niya ng jeep ay bigla siyang may nabangga kaya nabitawan nito ang hawak niyang mga libro at papel.

"Hala, pasensya na po hindi ko sinasadya" hingi niya ng tawad. Tinulungan niya ang lalaki na pulutin ang mga papel na nagkalat sa daan at saka binigay.

Iniangat niya ang mukha na dahilan para siya ay magulat at mapaatras sa kinatatayuan niya.

Napatigil siya sa guwapong lalaki na kaharap niya. Matangkad ito at medyo maputi at pale ang balat kulang ata ito sa bitamina o sa dugo.

Dahil matangkad ito ay todo tingala siya para mahagip niya ang mukha ng binata.

"Ayos ka lang?" Tanong ng binata. Halos mapanganga si yan-ah ng marining ang baritonong boses ng lalaki.

Hindi mapagkakailang boses mama ang binata dahil ang malaki at malalim ang tono ng boses nito.

"Kuya bagay kayo maging holdaper" walang kamalay malay na sabi ni Yan-ah.  Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sarili niyang sinabi at kinurot ang tagiliran ng sarili.

"Ano?" Naguguluhang sabi ng binata.

"A-ahm ang ibig ko pong sinabi ay hinoldap niyo kasi ang puso ko" nakangiwing sabi ni yan-ah sabay takbo palayo.

Mas mabuti ng tumakbo siya palayo sa lalaking iyon dahil baka kung ano pang kabaliwan ang lumabas sa bibig niya at baka tuluyan na talagang maholdap ang puso niya.

"Shet bakit ko ba sinabi na hinoldap niya ang puso ko!" Parang tanga na nakanguso si yan-ah habang nag lalakad at inaalala ang mga pangyayari kanina.

Nakakahiya!

Nag tungo siya sa history class niya dahil limang minuto na lang ay mag sisimula na ang klase niya.

KATABI niya ang kaibigan niyang si Hershey na nakikinig ng mabuti sa lecture ng professor nila.

"Teh" pabulong niyang tawag sa kaibigan niya.

Nilingon siya ng kaibigan niya. "Ganito kasi may lalaki akong nabangga kanina ang guwapo niya, matangkad siya maputi tapos singkit ang mga mata niya basta pogi siya." Ani ni yan-ah.

"Oh anong meron?" Ani ni Hershey.

"Wala lang gusto ko lang ikuwento" nakangiting sabi ni yan-ah sa kaaibigan niya.

To be continued

CAN'T HELP FALLING INLOVE WITH A VAMPIREWhere stories live. Discover now