Chapter 17

20 5 0
                                    

KATATAPOS lang ng exam nila Yan-Ah at as usual kasama nanaman niya ang mga kaibigan niya.

"Finally the hell week is over!" Ani ni Marky. Nag stretching naman si Hershey. "Yah I know right. We deserve chicken and beer." Ani ni Hershey na tinanguan naman ni Marky.

"G ka ba Yan-Ah?" Tanong ni Marky. Bigla namang pumalakpak si Hershey at halata naman ang saya sa mukha nito.

"We deserve to be wasted tonight!" Ani ni Marky. "Yes!" Sigaw naman ni Hershey at Yan-Ah.

Yan-Ah felt much better than this past few days. Medyo nagagawa na niya ulit ngumiti at pa onti onti na niyang nakakalimutan si Abraham.

Habang nag lilibot libot sila Yan-Ah kasama ang mga kaibigan niya sa buong Montessori University ay napadaan sila sa malaking library ng Montessori University kaya naman pumasok sila doon.

"Did you know that there was a war that happened here a years ago?" Ani ni Marky.

"Mwo? Jinja?" Mahinang sabi ni Yan-Ah na tinanguan naman siya ni Marky. "What happened?" Tanong ni Hershey.

Kinunotan naman siya ng noo ni Marky. "Boyfie mo ang anak ng may ari ng university na to tas hindi mo alam?" Ani ni Marky. "Eh wala naman siyang sinasabi sakin" ani ni Hershey.

"So paano pala kayo nag kakilala nung boyfie mo?" Tanong ni Yan-Ah kay Hershey na medyo namumula mula pa ang pisngi.

"Hershey alam mo gusto kitang sampalin! Tignan mo mukhang inubos mo ang blush on sa sobrang pula ng pisngi mo" ani ni Marky.

"Secret muna guys ha? Baka kasi mabati katulad ng mga naging ka talking stage ni Marky" ani ni Hershey. Sinamaan siya ng tingin ni Marky ay si Hershey naman ay nginisian pa si Marky na para bang nangaasar ito.

"Aba ang kapal ng feslak mo bhie ah!" Ani Marky at aakmang hahampasin si Hershey ng libro nang biglang awatin ni Yan-Ah.

"Guys! Enough! Nasa library tayo oh!" Ani ni Yan-Ah.

NAG lalakad mag isa si Yan-Ah pauwi dahil ayaw niyang makipag siksikan sa jeep tutal hapon naman na at palubog na din ang araw.

Habang nag lalakad siya ay may nahagip ang mga mata niya na pamilyar kaya naman hinabol niya 'yon.

"Sir!" Ani ni Yan-Ah at kinalibit niya ito ngunit ng humarap ito ay akala niya si Abraham.

"Sorry po" ani ni Yan-Ah at patuloy na nag lakad.

Matamlay siya hanggang sa makauwi siya ng bahay at nadatnan naman niya doon ang mga magulang niya at lolo't lola niya.

"Anak! Nakauwi kana pala" ani ng kaniyang ama. Binigyan siya nito ng juice at kaagad naman niyang tinanggap 'yon.

"Dad bakit ka nga pala nandito? Hindi kaba hinahanap ng pamilya mo?" Tanong ni Yan-Ah at nakita naman niyang pinandilatan siya ng kaniyang ina.

"Kamusta naman ang exam mo apo?" Tanong ng lolo niya. "Okay naman po." Maikli niyang sagot.

"Mag papahinga po muna ako sa kuwarto ko" ani ni Yan-Ah saka dumiretso sa kuwarto niya.

Nag pahinga muna siya saglit dahil maya maya ay aalis nanaman siya dahil mag c-chicken and beer sila ng mga kaibigan niya.

Habang nakahiga siya ay pinagmamasdan niya ang portrait na kinuha niya sa bahay ni Abraham.

"Bakit ko ba to tinitignan eh wala nga lang sakanya tss" ani ni Yan-Ah.

Nag tungo siya sa Cr upang maligo para mamaya ay aalis na lang siya.

Habang naliligo siya ay ka video call niya ang kaibigan niyang si Hershey. "So bestie anong plano mo kapag naka graduate kana ng college?" Tanong ni Hershey.

Habang nag shashampoo si Yan-Ah ay nagawa niya pa ding makipag usap kay Hershey. "Dadalhin na kami ni mama sa Hawaii atsaka sila lolo at lola babalik ng korea." Ani ni Yan-Ah.

"Talaga? Eh ang kuya at papa mo?" Tanong ni Hershey. "Mag iistay pa din ata si kuya dito dahil siya na ang mag m-manage sa kumpanya ni daddy" ani ni Yan-Ah. "Eh ikaw? Anong plano mo?" Sabi pa niya.

"Edi syempre mag hahanap na ako ng trabaho ko" ani ni Hershey. "Mag hahanap? Eh diba may business ang mama mo bakit hindi na lang ikaw ang mamahala doon?" Tanong ni Yan-Ah.

"Girl? Okay ka lang? Nasa France ang business ni mommy." Ani ni Hershey. "Eh ang dad mo?" Tanong pa ni Yan-Ah.

"Nasa ibang bansa din. Mag kasama nga sila doon ni mommy" ani ni Hershey. Kumunot naman ang noo ni Hershey. "Oh yun naman pala edi sumunod kana lang sakanila doon." Ani ni Yan-Ah.

"Edi magiging ldr kami ng boyfie ko duh!" Ani ni Hershey. Inirapan naman ni Yan-Ah si Hershey dahil sa sagot nito.

"Girl? Ipagpapalit mo ba ang future mo sa lalaking yan ha?" Iritableng sabi ni Yan-Ah habang nag sasabon ng katawan niya.

"Hindi naman... pero malay mo mag bago pa ang isip ko hihi" ani ni Hershey.

Nang matapos maligo si Yan-Ah at Hershey ay nag ayos na sila ng kani-kanilang sarili at nag bihis.

SABAY na dumating si Yan-Ah at Hershey sa destinasyon nila at hinihintay pa nila si Marky.

"Shuta ni Marky 8:30 na wala pa din!" Ani ni Hershey.

Sa sobrang inip nila ay umorder na sila chicken wings at beer.

"Cheers!" Sabay na sabi ni Yan-Ah at Hershey. Habang busy sila mag kuwentuhan ay hindi na nila napansin si Marky.

"Hey ladies!" Ani ni Marky na may pa kindat pa.

"Hindi ko alam kung bakla ba 'tong si Marky o lalaki talaga eh" ani ni Yan-Ah. "Tama bestie!" Ani ni Hershey.

"KAMPAY!" Sabay sabay nialng sabi pero ngayon ay kasama na si Marky.

Sa mga puntong 'yon ay panandaliang nakalimutan ni Yan-Ah si Abraham na matagal ng gumugulo sa isipan at puso niya.


To be continued

CAN'T HELP FALLING INLOVE WITH A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon