Chapter 7

22 4 0
                                    

Papasok pa lang si Yan-Ah sa university na pinapasukan niya ng biglang may dumating na mga pulis.

Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makapasok na siya sa campus ng Montessori University.

"Marky!" Tawag niya sa pangalan ng kaibigan niya.

"Yan-Ah! Bakit hindi kaba pumasok kahapon?" Tanong ni Marky. Napakamot naman si Yan-Ah sa batok niya at nag iisip ng idadahilan niya dahil baka pag sinabi niya ay mategi siya kay Abraham. "Nag away kasi kami ni kuya kaya nawalan ako ng gana atsaka saktong sumakit pa ang ulo ko" pag dadahilan ni Yan-Ah.

"Tss para namang hindi kayo araw-araw nag aaway ng kakambal mo" ani ni Marky.

"Nasaan nga pala si Hershey?" Tanong ni Yan-Ah.

"Hindi mo ba alam?" Balik na tanong sakanya ni Marky na kinunutan naman niya. "Na ano?" Kunot noong tanong niya.

"Nag ka issue si Hershey hindi ko alam kung papasok siya o hindi" Ani ni Marky. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa sinabi niya. "Anong issue pwede ba diretsuhin mo 'yang kuwento mo!" Reklamo ni Yan-Ah.

"Naging Boyfriend niya ang anak ng may ari ng school! At pinagkakamalan siya ngayong nilalandi ang anak ng may ari ng school para makapasa." Kuwento ni Marky.

"Hala? Edi dapat sinasamahan natin siya ngayon!" Ani ni Yan-Ah. "Hindi niya nga sinasagot ang mga tawag ko nag deactivate din siya ng nga accounts niya sa social media" ani ni Marky.

Bigla namang nalungkot si Yan-Ah sa nabalitaan niya. Una ay namatay na ang close niyang waitress sa school at ngayon naman ay nagkaroon ng issue ang kaibigan niya.

"Feeling ko talaga may something sa school na to eh" Ani ni Yan-Ah. Bigla namang sumabat si Marky. "Feeling ko din eh. Alam mo bang may history ang school natin" Ani ni Marky.

Napairap naman siya sa hangin sa sobrang daming nakakalap na chika ni Marky.

"Marites ka ba Marky?" Ani ni Yan-Ah. Inirapan naman siya ni Marky. "Narinig ko lang to sa kaklase ko noh kaibigan niya kasi yung anak ng may-ari ng school" ani ni Marky.

"Oh anong nakalap mo?" Tanong ni Yan-Ah.

"Mamaya ko na ikukwento sayo sa library kasi baka may makarinig satin kung dito ko ikukwento duh" ani ni Marky.

"Osiya mauuna na ako dahil mag start na ang klase ko" Pag papaalam ni Yan-Ah na tinanguan naman ni Marky.

HINIHINTAY na lang ni Yan-Ah ang professor nila ng biglang may umupo sa tabi niya pero hindi niya iyon pinansin.

"Hey Yan-Ah" Ani ng katabi niya.

Napalingon si Yan-Ah sa katabi niya ng marinig ang familiar na boses.

"Mr. Abraham?!" Gulat niyang sabi. Sinenyasan naman siya ni Abraham na tumahimik at tinakpan ang bibig niya. "Shh, huwag kang maingay!" Ani ni Abraham.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Yan-Ah.

"Edi sasamahan ka" ani ni Abraham. Tinaasan naman siya ng kilay ni Yan-Ah. "Bakit? Malaki na ako hindi na kita kailangan" Ani ni Yan-Ah.

"Pero kailangan kita!" Ani ni Abraham. Kinunotan naman siya ng noo ni Yan-Ah. "Ano bang pinagsasabi mo? Pwede mo naman akong hintayin mamaya kung may sasabihin ka" Ani ni Yan-Ah.

"Wag ka ng makulit babantayan kita" Ani ni Abraham.

"Babantayan? Guardian Angel ba kita?" Tanong ni Yan-Ah, napatingin naman sakanya si Abraham may gusto itong ipahiwatig dahil nakikita niya iyon sa kung paano kumislap ang mata ni Abraham. "Something like that kaya manahimik kana lang diyan" Ani ni Abraham.

"Hindi ka naman Angel, Bampira ka! BAM-Pi-RA!" Ani ni Yan-Ah, bigla namang tinakpan ni Abraham ang bibig ni Yan-Ah para manahimik na ito.

"Oo na! Alam ko! Pero huwag mo namang ipagsigawan. Hindi nila pwedeng malaman" ani ni Abraham.

"Arraseo! Tss, pero Mr. Caius diba dapat nasusunog ka pag umaga?" Ani ni Yan-Ah. Bigla namang natawa si Abraham sa sinabi niya na ikinainis niya. "Sa libro lang ganun ang mga Vampires pero hindi talaga kami nasusunog in real life kundi nagiging mahina kami tuwing umaga." Paliwanag ni Abraham.

"Mahina? What do you mean?" Kunot noong tanong ni Yan-Ah.

"You know, Vampires have a very great senses we vampires are immortal." Ngumisi siya habang nakatingin sa mga mata ni Yan-Ah. "I can read your mind, I can turn myself into bat, I can run fast. Well I'm now in my elder stage so I'm more powerful" Ani ni Abraham.

"Woah! Daebak!" "Woah! Amazing!"

Namamanghang tinitignan ni Yan-Ah ng mabuti si Abraham. "Do you really have that kind of powers?" Parang batang tuwang tuwa si Yan-Ah.

"Yes, so you're safe with me" ani ni Abraham. Tumango tango si Yan-Ah bilang pag sang-ayon. "Pero bakit mo 'to ginagawa?" Tanong ni Yan-Ah.

"You remind me of someone so I'm doing this for the past on not to repeat itself" ani ni Abraham.

"Repeat? What do you mean? May mangyayari ba na masama? Like maaapektuhan ba lahat?" Ani ni Yan-Ah.

Malungkot ang mga mata ni Abraham na nakatitig sa mga mata ni Yan-Ah. "I failed to save you and this time I hope not to fail."

"Why are you staring at me Mr. Caius?" Nakangising sabi ni Yan-Ah, bigla naman niyang binaling sa iba ang tingin niya. "I know I'm pretty you don't have to stare at me like that"

Bahagyang natawa si Abraham sa nabasa niya sa isip ni Yan-Ah na walang kaalam-alam.

To be continued.

CAN'T HELP FALLING INLOVE WITH A VAMPIREWhere stories live. Discover now