Chapter 4

34 5 0
                                    

"Oh? Bakit ganiyan ang itsura mo?" Tanong ni Hershey.

"Nagtatampo ata sakin si kuya" ani ni yan-ah.

"Pinasok mo nanaman siguro ang papa niyo sa usapan" ani ni Hershey. Tumango tango naman si yan-ah.

Hays... Bakit ba kasi sa dinami daming pamilya isa pa kami sa naging broken family. Kung hindi kami iniwan ni papa edi sana hindi kumakayod nang husto ngayon si mama sa ibang bansa edi sana kasama namin siya edi sana hindi lang kaming dalawa yung nag cecelebrate ng kaarawan namin ni kuya.

"Yan-ah! Hindi ka naman nakikinig sakin!" Ani ni Hershey.

"Pasensya kana may iniisip lang ako. Ano ba yung sinasabi mo?" Ani ni yan-ah.

"Pano mo ba kami nabuhat ni marky?" Tanong ni Hershey.

"Well... may lalaki kasing tumulong sakin uhm hindi ko siya kilala pero guwapo" ani ni Yan-ah.

Bigla naman siyang binatukan ni Hershey. "ARAY! Bakit mo ba ako binatukan?!" Inis na sabi ni yan-ah.

"Aish! Pano pag may nangyari satin nung gabing yun?!" Ani ni Hershey.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo wala namang nangyari" ani ni yan-ah.

"H-ha? Wala? As in wala talaga?" Ani ni Hershey.

Bigla namang napabuntong hininga si Hershey. "Hay! Buti naman kung ganon." Ani ni Hershey.

"Bakit ba? Anong meron at para kang baliw umakto?" Ani ni Yan-ah.

"Hindi mo alam?"  Ani ni Hershey at umiling iling naman si yan-ah "Edi sana hindi ako nag tatanong kung alam ko diba Hershey?" Ani ni Yan-ah.

"Meron kasing kumakalat sa balita na pumapatay pero nung nakita na nila kita yung laman loob." Ani ni Hershey. "At eto pa sinasabi ng mga matatanda na aswang daw ang may gawa" Ani ni Hershey.

"Hindi ako nanonood ng balita" Ani ni Yan-ah. Inirapan naman siya ni Hershey. "KAYA NGA MANOOD KA PARA ALAM MO!" Ani ni Hershey.

LUNCH BREAK na at magisang kakain si Yan-ah dahil may make up lesson daw siya sa ibang subject.

"Yan-ah ngayon na lang ulit kita nakitang kakain dito sa cafeteria" ani ni ate Elsa isa sa taga luto dito sa cafeteria at nag seserve ng pagkain.

"Opo, madalas po kasi kami mag kape ng kaibigan ko sa labas ng school pero wala po siya ngayon kaya dito po muna ako kakain" ani ni Yan-ah.

"Ang kuya mo? Hindi ko siya nakitang pumasok ngayon." Ani ni Ate Elsa.

"Hindi po siya pumasok?" Ani ni Yan-ah. "May tampuhan po kasi kami ng kapatid ko" ani ni Yan-ah.

"Ganun ba? Osiya kumain kana" ani ni ate Elsa.

"Wait lang po ate Elsa pwede po bang pakibantay si kuya para sakin at sabihin niyo kung pumasok siya o hindi?" Ani ni Yan-ah.

Tumango tango naman si ate Elsa. "Sige Yan-ah" ani ni ate Elsa.

"Thank you po!" Nginitian naman siya ni Elsa bago ito umalis.

AFTER ng lunch break nila yan-ah tumambay muna siya sa labas ng main building sa harap ng malaking fountain.

Their classes got cancelled for some emergency daw kaya naman narito siya sa labas upang mag pahangin.

Ang tagal naman ni Hershey!

Hmm... What if puntahan ko kaya si Mr. Barista?

Tumayo si Yan-ah at mabilis na nag tungo sa coffee shop na malapit sa campus nila.

Himala at walang masyadong estudyante dahil madalas crowded ang cafe na ito pero ngayon ay wala at iisa lang din ang barista at nag aasikaso sa cashier.

Napangiti naman si Yan-ah ng makita ang poging Barista na siyang talagang pakay nito dito.

Ng makalapit siya sa cashier ay nginitian naman niya ang barista bago umorder at nag hanap ng pwesto.

Umupo ang barista sa harapan niya pagkatapos nitong ilapag ang kapeng inorder ni Yan-Ah.

"Ako ang pinunta mo dito noh?" Ani ng Barista.

"H-hindi po yung kape po yung pinunta ko dito kasi ang sarap niyo po- I-I mean ang sarap niyo po gumawa ng kape hehe" ani ni Yan-Ah. Nakita naman niyang napangiti si Mr. Barista kaya ngumiti na din siya.

"Ahm Mr. Caius bakit po ang onti ng tao ngayon dito?" Takang tanong ni Yan-Ah.

"Don't you hear the news? May kumakalat na krimen so everyone is planning to close the store as early as possible.

"Ganun po ba? Sa tingin niyo po ba tao ang may gawa nun?" Tanong ni yan-ah.

"I don't know their are a lot of creatures out there who is trying to be like a human" Ani ni Abraham.

"Pano niyo naman po nasabi?" Ani ni Yan-ah.

"Alam mo uso ngayon ang mag research diba college student kana? So palagi na kayo nag reresearch" ani ni Abraham.

"Ah hehe oo nga pala" ani ni Yan-Ah.

Tumingin si Yan-Ah sa wrist watch niya at nakita niyang mag aalasingko na kaya napag desisyunan niyang umuwi na.

"Mr. Caius mauuna na po ako! Salamat po sa gawa niyong kape!" Ani ni Yan-Ah at nag mamadaling umuwi.

Ng makauwi siya ay wala pa ang sasakyan ni Yun-oh kaya pumasok na siya sa loob ng bahay.

"Tss bakit hindi pa kaya siya umuuwi" ani ni Yan-Ah.

MAG aalsyete na ng makauwi si Yun-Oh at nakita niyang masama ang tingin sakanya ng kapatid niya ng makapasok siya.

"Hindi ka pumasok sabi ni Ate Elsa at alasyete kapa umuwi. Tatawagan ka daw ni mama mamaya" nakangising sabi ni Yan-Ah at dumiretso sa kuwarto niya.

Pagkapasok ni Yan-Ah sa kuwarto niya ay binuksan niya ang tv para manood ng balita pero sa hindi niya inaasahang pangyayari ay makikita niya ang isang matandang babae na wala ng buhay.

"Bandang alasais ng gabi natagpuan ang babaeng wala ng buhay sa labas ng sikat na Unibersidad at sinasabing siya ay isang waitress sa Montessori University.

"Manang Elsa..." Banggit ni Yan-ah. Biglang pumatak ang butil ng luha sa pisngi ni Yan-Ah dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Kinuha ni Yan-ah ang jacket niya at walang paalam na lumabas ng bahay at nag tungo sa Montessori University kung saan nangyari ang krimen.

Maraming tao ang nag kalat doon pero huli na siya dahil nakuha na ang bangkay ni manang Elsa.

Walang lakas na tumakbo si Yan-ah kaya nanghihinang naglalakad siya pauwi ng biglang may masangga siya.

"Yan-Ah?" Ani ng baritonong boses. Tumingala siya at nakita ang maamong mukha ni Abraham.

"Sir Abraham kayo po pala" walang siglang sabi ni Yan-Ah.

"Anong nangyari sayo? Bakit ang tamlay mo?" Tanong ni Abraham pero hindi siya sumagot bagkus ay umiling iling lang siya.

Sa sobrang panghihina niya ay bigla siyang nawalan ng malay at buti na lamang ay nasalo siya ni Abraham bago pa siya bumagsak.

To be continued.

CAN'T HELP FALLING INLOVE WITH A VAMPIREWhere stories live. Discover now