One

406 19 0
                                    






#ATC01 Chapter One

PINAGMAMASDAN NI APOLLO ang isang dalagang tahimik na naka-upo sa harap ng bar counter habang sumisimsim sa inumin nito. Based by how she was sitting, mukha itong nababanas dahil napilitan lang na pumunta roon. She was wearing a white fitted tank top and high waisted tight jeans with a black leather belt wrapped around her waist. Hanggang ibaba ng balikat ang maitim nitong buhok. Nakatikwas ang isa nitong kilay habang nakatitig sa basong hawak.

Apollo smirked.

Fifteen minutes. He was just staring at the woman for fifteen minutes straight. Hindi man lang niya inalis kahit isang segundo ang mga mata sa dalaga dahil natatakot siyang baka bigla itong mawala sa kanyang paningin.

Tang ina. Gusto na niya itong lapitan pero natatakot siyang baka kanina pa nito nararamdaman ang pagtitig niya rito. Baka kapag lapitan niya ito para tanungin ang pangalan ay bigla na lang siyang ipakulong. Hindi pa naman niya alam kung Pinay ba ito o isa sa mga foreign New Yorkers na nasa loob ng bar na 'yon.

"Who are you looking at?" tanong ng kanyang kakambal na kababalik lang sa upuan.

"Wala," maiksing sagot niya sabay lagok sa iniinom na alak. Gumuhit ang mapait na lasa no'n sa kanyang lalamunan.

"Anong wala? I saw you staring at someone," pangungulit pa rin ng kapatid. "May natitipuhan ka ba rito?"

Apollo chuckled before shaking his head. Muling napadako ang tingin niya sa may counter nang makitang may isang babaeng lumapit doon. Kinausap nito ang babaeng kanina pa niya pinagmamasdan. Apollo saw haw she sighed heavily before standing and leaving the glass of Margarita to follow the girl who approached her.

Mas humaba pa lalo ang leeg ni Apollo nang lumayo na ang dalawa mula sa kanyang puwesto. Hindi na niya natatanaw kung saan pumunta ang dalaga.

Kainis. Saan ba siya dinala ng kasama niya?

"Apollo." Nahimigan niya ang pagkairita sa tono ng kakambal kaya agad niya itong tinignan. "I'm talking. I need your attention."

"Sorry." He leaned over to kiss Artemis' cheek. Nakita niya ang pagkunot ng noo ng mga lalaking nakakita sa ginawa niya. He didn't give a shit about them. "Ano nga ulit 'yong sinasabi mo?"

Artemis rolled her eyes, annoyed. "See? Hindi ka nakikinig!"

"I'm sorry. Malakas 'yong music," natatawang ani niya.

"I'm asking kung sino ba 'yong tinitignan mo. Did you just went here to look for a hook up?" Her twin gave him a judgemental look. "Oh, please, Apollo. Huwag mong dadalhin 'yan sa condo ko, okay?"

"Ano?" Hindi na niya mapigilang mapahalakhak. "Why would I do that? Hindi ako mambababae rito."

"Ano lang?" Duda pa rin si Artemis sa kanya.

"Come on. I went here because I want to check on you." He grinned, but Artemis was still frowning.

"Sinabi ko naman kasi sa 'yong maghintay ka na lang until December bago mo ako puntahan dito sa New York. Ilang buwan pa lang bago ako nakaalis, oh!"

Natawa siya at saka ginulo ang buhok ng kakambal.

It was true that it was still in the third quarter of the year when he went to New York to visit his twin sister, who went there to study for college. Hindi siya sumama rito at piniling mag-college sa Pilipinas dahil kailangan niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagt-train sa kumpanya nila.

His family owned one of the top construction companies around Asia—the Alpha Suarez Design Group. Her aunt was the current CEO of the company and her Momma was leading on the Architectural department. Sinabihan na siya ng mga ito na maaga pa lang ay kailangan na niyang pag-aralan kung paano gumalaw ang kumpanya nila. Because one of these days, he would be seated next to his mom on the company's board of directors.

After the ChaseWhere stories live. Discover now