Fifteen

159 14 7
                                    


#ATC15 Chapter Fifteen

"SINABI MO SA kanya na wala na kayo ni Dane?"

"Yes."

"Anong reaksyon niya?"

"Wala."

"What do you mean wala?"

"Dapat ba meron?"

"Of course! Ano 'yon? Matapos niyang makarinig ng tsismis, wala siyang sasabihin o i-re-react man lang?"

Sunshine looked at her flatly. "What do you want him to say then?"

"Kung anong balak niya sa 'yo."

"Sa akin?"

Snow rolled her eyes before grabbing the small box of underwear her sister was holding. "Oo," she said and went in front the cabinet. Inilagay niya roon ang bitbit saka hinarap si Sunshine at nameywang. "Liligawan ka na ba niya ulit?"

Sunshine flashed a disgusted face. "You're sick."

"Oy, ano?" Hinabol niya ang kapatid nang bigla itong mag-walkout. Sumunod siya rito habang papunta ito sa kusina. "Manliligaw raw ba ulit?"

"Puwede ba tigilan mo ako, Snow? Wala akong oras sa mga walang kuwentang sinasabi mo."

"Grabe ka sa walang kuwenta. Nagtatanong lang naman ako, e."

Sunshine halted and glared at her. Tumigil siya sa pagsunod dito at bumusangot.

"Bakit hindi na lang siya ang tanungin mo?" inis na sabi nito.

"Tatanungin ko rin naman si Apollo, siyempre. Gusto ko lang malaman mula sa 'yo kung ano ang sinabi niya kanina nung sinabi mong wala na kayo ni Dane," pangungulit niya.

Marahas na humugot ng hininga si Sunshine saka pairap na tumingin sa kanya. Her sister sighed again, getting really pissed because her. Mas bumusangot naman siya dahil kaunti na lang ay alam niyang mahahampas na siya ng kapatid.

"Wala siyang sinabi, Snow," Sunshine said through gritted teeth. "And if you want to ask about his plans for me, ask him. Not me," puno ng diin na anito.

Natahimik siya at hindi na muling dumaldal. Kitang-kita ni Snow kung paano kumuyom ang mga kamao ni Sunshine. That only meant na kaunti na lang talaga ay masasaktan na siya ng kapatid.

She couldn't blame her, though. Maingay naman talaga siya. Kaya nga noong nagkaroon ng Dane sa buhay ni Sunshine, halos araw-arawin na nito ang pag-alis sa kanilang condo. Mas gusto pa nitong kasama ang binata kaysa siya na kapatid nito mismo. Kumpara kasi sa kanya, Dane was a quiet and gentle guy.

Kaya ganoon na lang ang gulat niya noong malaman niya mula mismo kay Sunshine na naghiwalay na ang dalawa. Sabi nito ay desisyon daw ng dalawa 'yon bago sila umuwi ng Pilipinas. She tried to ask her sister why they didn't try long distance relationship, but Sunshine just said that Dane and her couldn't hold long being away from each other.

Gusto pa niya sanang pilitin ang dalawa na subukan kahit isang buwan lang. Siya kasi mismo ang nanghihinayang. Dane had been a good guy to her sister. Ibang-iba ito kumpara sa mga kaibigan nito. He knew how to treat a woman right. He knew his limitations and boundaries. He also knew his own worth. Kaya hindi niya masisisi ang sarili kung umiyak din siya nang palihim noong naghiwalay sila Sunshine at Dane.

Bumalik si Snow sa loob ng kanyang kuwarto para ipagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit. Nasa bago silang condominium unit na binili ng tatay ni Artemis para sa kanilang magkapatid. Gusto pa sana iyong tanggihan ni Sunshine dahil masyado na raw silang maraming utang na loob kay Mr. Cordova, pero pinilit pa rin ng matanda na tanggapin nila iyon dahil nabili na raw.

After the ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon