Eleven

138 9 1
                                    





#ATC11 Chapter Eleven

"MERRY CHRISTMAS!"

It was Christmas eve. Everyone was greeting each other while raising a toast and talking about random things—random things about culinary. The bar was noisy and filled with loud laughter and Mariah Carey's diva voice as their background.

Snow was grinning while talking to her schoolmates. Maraming nakapalibot sa kanya at isa-isa siyang kinausap. She was enjoying the moment. Kahit ilang oras na silang nakatayo roon at tuloy-tuloy sa pag-uusap, hindi pa rin siya nakararamdam ng pagod.

Nilagok niya ang iniinom na strawberry wine saka tumawag ng waiter para lagyan pa ang kanyang wine glass. She loved how the heat of the wine cascaded down her throat. Isa iyon sa mga tumutulong sa kanya para mabuhay pa rin ang diwa kahit dis oras na ng gabi.

"Snow!" one of her friends called her. "Merry Christmas, babe!"

Sinalubong niya ito ng ngiti at binati rin pabalik. Bineso nito ang kanyang pisngi.

"Where's Sunshine?"

"She's with Dane. I think they're upstairs with our other school mates," Snow replied.

"She's with Dane? God! I'm jealous! Your sister's having a warm Christmas eve," sabi nito sabay tawa.

"Go get yourself a boyfriend, Trish. Men's swinging around," Andy told Trish.

Umirap naman ang dalaga. "I don't need a boyfriend. Men can't handle me."

"Yeah because you're too much to handle."

"Excuse me?"

Natatawa na lang siya habang nagbabangayan ang mga kaibigan. May tama na rin kasi ang ilan sa mga ito pero wala pa namang natutumba kaya nasa may bandang dancefloor pa rin sila at wala sa couches.

Naagaw ang atensyon ni Snow habang umiinom siya ng wine nang makita ang pagpasok ng kambal sa loob ng bar. Mabilis niyang iniwas ang tingin nang makitang nahuli agad ni Apollo ang kanyang mga mata. She shrugged the thought of feeling the butterflies inside her stomach and drank on her wine.

"Artemis! You're here!" si Trisha ang unang bumati sa bagong paparating na sinundan naman ng mga kasama niya sa high table. Lumapit sila Artemis sa puwesto nila Snow at agad na pumalibot sa dalawa ang mga kaibigan.

"Apollo, right? Art's twin brother?"

Her friends started entertaining Apollo. She watched him smile playfully while answering their remarks. Hindi niya alam kung bakit naiirita siya sa paglapit ng mga babae kay Apollo. Wala namang malisya 'yon. Kahit halikan pa ng mga ito ang binata, walang malisya roon.

Nang magsawa, Snow silently slipped away from their group and went upstairs to look for her sister. Iniwan kasi siya ni Sunshine nang tawagin ito ni Dane sa ikalawang palapag. Nandoon ang mga barkada ng binata na nakikita rin naman niya sa culinary school. Hindi naman ganoon kalaki ang kanilang community para hindi niya makilala lahat ng mga invited sa Christmas party.

"Anong ginagawa mo rito?" Napasimangot si Snow sa bungad ng kapatid. "May umaway ba sa 'yo sa baba?"

"Mukha ba akong inaway?"

"Nakasimangot ka."

"Para kasing ayaw mo akong nandito. Saglit lang naman. Hindi ko naman kayo iistorbohin ni Dane sa loving-loving niyo."

Napahalakhak si Snow nang malamig lang siyang tinitigan ni Sunshine.

"Nasa baba ang mga kaibigan mo."

After the ChaseWhere stories live. Discover now