Thirteen

130 9 5
                                    



#ATC13 Chapter Thirteen

ANG MAIINGAY na mga tunog ng sapatos na gumagasgas sa floor ng gym ang sumalubong kay Apollo pagkapasok niya sa loob. He was holding the handle of his duffle bag while whistling. Suot niya ang kanyang basketball jersey at ang kulay itim na Air Jordan shoes na niregalo ng ina noong nakaraang kaarawan niya.

"Good morning, Captain!" bati ng mga lalaking nasa gitna ng gym na nagsisimula nang mag-warm up.

"Good morning!" bati niya rin pabalik. Nagngisihan ang mga teammates niya saka siya pinalibutan.

"Naks! Sarap ba sa feeling matawag na Captain, Cap?" sabi ni Winston nsabay tapik sa balikat niya. "Congrats!"

"Congrats, Cap!" bati na rin ng ibang teammates niya.

Humalakhak si Apollo saka napakamot sa batok. Hindi siya sanay na nakakatanggap ng mga compliments lalo na kung galing sa mga loko-loko niyang kaibigan.

"Salamat," sagot niya habang nahihiyang nakangiti.

"Sus! Pa-humble pa si Cap. Mamaya mas malala ka pa magbigay ng training kaysa kay Captain Navarro," saad ni Dan.

"Huwag kayong mag-alala. Mas mahal ko kayo kaysa sa kanya kaya hindi ko kayo pahihirapan." Apollo smirked.

Justice graduated from college last year kaya iniwan na rin nito ang basketball team ng St. Michael. At dahil nasa senior year na siya at matagal na raw sinabi ni Justice sa coach nila na siya ang gusto nitong kapalit bilang captain ng Sharks, he was officially appointed last week. Nag-trending pa nga ang pangalan niya online dahil naging matunog ang announcement ng coach nila via livestream.

He called the whole team for a short meeting before they started their training. Maganda ang iniwang legacy ni Justice para sa kanila kaya hindi niya maipagkakaila na nakararamdam siya ng pressure bilang bagong captain.

But Apollo believed that in order for him to be an effective leader, his followers must have their own fighting spirit. Kasi kahit gaano siya ka-strikto o ka-seryoso sa pagiging captain niya, kung ang mga teammates niya ay walang puso kung makipaglaban, mababalewala lahat ng paghihirap niya.

And he knew his team well. Ilang taon na rin niyang kasama ang mga ito. He knew how determined his teammates were to win every game. Kaya malaki ang tiwala niya sa mga ito na hindi siya pahihirapan bilang captain.

"Sundin niyo 'yang training plan na napag-usapan natin, ha? I want to see an improvement until next week," Apollo said before they all went out of the gym.

Tinignan ni Apollo ang oras sa kanyang suot na relo. When he saw that it's almost dismissal, he made a turn toward the College of Business Administration and Accountancy building. May dapat pa siyang sunduin doon kung ayaw niyang makarinig na naman ng panunumbat.

He was stretching out his arms while walking when someone grabbed his jersey. Tumigil siya saglit sa paglalakad para tignan kung sino ang humila sa kanyang damit.

"Lilia," he said when he saw her clinging into his cloth.

"Tapos na ang practice niyo?" tanong nito at nakisabay pa sa paglalakad.

"Yeah," he said cooly.

"Great! Where are you heading to? Uuwi ka na ba? Gusto mo bang tumambay muna sa condo ko?"

Apollo looked at her for a second. He then showed a friendly smile before gently pulling her hand away from his jersey shirt.

"I'm sorry, Lilia. May lakad kasi ako ngayon," tanggi niya sa alok nito.

After the ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon