Three

140 8 3
                                    







#ATC03 Chapter Three

SNOW WAS ALMOST stomping her feet while pouting as she watched her sister and friend enter the lobby of the condominium building. She was wearing her pair of powder blue bunny slippers that complimented her blue pajamas, also with bunny prints.

Ganoon lang ang suot ng dalaga nang magpunta sila ni Sunshine sa unit ni Artemis. Kapag kasi gumagawa sila ng academic works sa unit ng kaibigan ay doon na rin sila natutulog na magkapatid. Nasa pangalawang palapag lang naman ng building ang unit nila ni Sunshine kaya hindi na siya nag-abalang magbihis pa...

Na sana ay pinag-isipan niya muna nang mabuti. Kung hindi ba naman siya isa't kalahating tanga at nakalimutang naroon nga pala ang kakambal ni Artemis na si Apollo. Buong akala niya ay may ibang unit itong tinutuluyan. Imagine her shock when she saw him half naked awhile ago. At silang dalawa lang sa loob ng unit.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" nagtatakang salubong ni Sunshine nang lapitan niya ang dalawa para kuhanin ang ilang bitbit ng mga ito. "Napa'no ka?"

"Wala." Sumimangot siya saka tinignan si Artemis. "Bakit hindi mo sinabing nasa unit mo si Apollo?"

"Girl! Where do you think he's staying ba?" malditang sagot ng kaibigan.

"Malay ko ba kung may sarili siyang unit dito, 'di ba? Hindi ko naman alam na nandoon talaga siya."

Naalala na naman niya ang itsura ng binata noong lumabas ito sa silid. Snow saw how well his body was—his broad chest and long, firm arms and forearms. His neck that was a bit shiny because of droplets of water cascading from his wet hair. And don't forget those hard looking abs.

Oh la la!

"May ginawa ba siya sa 'yo?" tanong ni Artemis nang hindi pa rin nawala ang lukot sa kanyang mukha.

"Wala naman. Nagulat lang ako," aniya saka naglakad. "Nag-usap lang kami saglit tapos... ayon."

"Mabait naman si Apollo, e. Makalat lang minsan," nakangiting sabi ni Artemis.

Sumakay na silang tatlo sa elevator at doon pinagpatuloy ang kuwentuhan.

"He's annoying," Sunshine said in a monotone. Napatingin silang dalawa ni Artemis dito. "He's like Snow's guy version."

Napahawak siya sa dibdib. "So sinasabi mong annoying ako?" She gasped when her sister nodded like she didn't care if she would get hurt. "Ang sama mo!"

Umakto siyang naiiyak pero inirapan lang siya ni Sunshine. She laughed before clinging her arm on her sister's.

"Alam ko naman na annoying ako. Pero malakas kasi ako sa 'yo kaya napagta-tyagaan mo ako," she said while grinning.

"May choice ba ako?" Sunshine said, making her giggle.

"I love you, sis!" Snow puckered her lips to annoy her sister more. Inirapan lang na naman siya nito.

Hanggang sa tumigil ang elevator sa floor ng unit ni Artemis ay nakakapit pa rin siya sa braso ng kapatid. They were walking side by side habang nasa unahan ang kaibigan.

"May jowa na pala si Apollo, 'no?" kaswal na tanong niya nang mamataang malapit na sila sa unit ni Artemis. "Akala ko single siya and looking for someone to mingle with."

"What? He's single kaya!" sabi naman ni Artemis nang marinig ang kanyang sinabi. "Ayaw no'n pumasok sa isang relasyon."

"Huh? Sabi niya sa akin mismo kanina na may girlfriend siya, e."

"Really?" Kumunot ang noo ni Artemis. "But he said he's interested with Sunshine."

Napatigil sa paghakbang si Snow at gulat na binalingan ang kaibigan.

After the ChaseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora