Eight

107 8 3
                                    






#ATC08 Chapter Eight

MAPANG-ASAR NA NGITI ang nakaukit sa mga labi ni Snow habang pinapanood si Artemis na i-swipe ang credit card nito sa counter habang nakapila roon ang tatlong pares ng designer clothes na napili niya.

"Here." Inabot nito sa kanya ang tatlong bags na naglalaman ng biniling damit nang makalabas sila sa boutique. "Last mo na 'yan."

"Bakit? Wala na bang mapiga?" nang-aasar na tanong niya.

Artemis frowned at her. "Snow! My goodness! Tama na, okay? Aanhin mo ba 'yang mga pinamili natin? Imagine? Two designer bags, one pair of leather boots, tapos three dresses? Kailan ka pa nahilig sa mga ganyan?"

"Ngayong sugar mommy kita," sagot niya na ikinabusangot lalo ni Artemis. Malakas siyang tumawa at hindi pinansin ang pagmamaktol nito. "Nagugutom na ako. Kain tayo?"

"I saw a food stand at the—"

"Anong food stand ka riyan?" Tinuro niya ang mamahaling restaurant na nadaanan nila. "Doon tayo, o. I heard their steak is great."

Artemis looked like she was about to cry, but Snow just giggled and started walking toward the restaurant. Walang nagawa ang kanyang kaibigan kundi sumunod sa kanya sa loob.

"User," masama ang loob na sabi ni Artemis sa kanya habang kasalukuyan na nilang hinihintay ang kanilang mga order.

"You volunteered," she reminded her.

"Yeah! But I thought you'll gonna limit your expenses."

Ngumisi siya. "Bayad mo 'yan sa panlalaglag sa akin sa kakambal mo."

Artemis' eyes went wide. "I told you hindi naman 'yon sadya."

"Kahit na. Nakarating pa rin sa kanya 'yong secret ko."

Dumating ang waiter dala ang kanilang orders. They both ordered steak and lemonade. Iyon kasi ang best seller ng restaurant at gusto nilang subukan.

"Why are you still keeping your feelings from him ba kasi? It's not like they're weren't already obvious," sabi ni Artemis.

"Nakalimutan mo na ba? He likes Sunshine. I don't want to make things complicated," sagot niya.

"Kaya nagpapaka-martyr ka?" Dinuro siya ng dalaga gamit ang tinidor. "Don't you know na masama 'yan? You have to at least make him see you!"

Kinunotan niya ito ng noo. "Teka nga. Ako ba ang boto mo na maging sister-in-law mo kaya pinagpipilitan mo akong umamin kay Apollo?"

Artemis burst out laughing. "Bakit umabot ka na riyan? Hindi pa nga kayo, e."

Inirapan niya ang kaibigan at nilantakan na lang ang pagkain. Nagugutom na talaga siya, at infairness sa steak, masarap nga iyon.

Matapos kumain ay bumalik na rin sila ni Artemis sa kanilang condominium building. Bitbit niya ang mga pinamili at si Artemis naman ay may sarili ring shopping bags na buhat.

Nasa tapat sila ng unit ni Artemis nang iabot niya ang ilan sa mga shopping bags na dala niya rito.

"Bakit 'yan?" nagtatakang tanong nito habang nakatingin sa inaabot niya.

"Para sa 'yo."

"Huh?" Artemis' brows met. "That's yours, Snow."

Pabiro siyang umirap. "Sa tingin mo ba bibilhin ko talaga lahat ng mga 'to para lang sa sarili ko?"

Artemis gaped at her. She grinned.

"Kunin mo na. Sinadya ko talagang bumili ng para sa 'yo."

Artemis' face softened. Natawa siya nang bahagya. Kinuha nito ang tatlong shopping bags na inaabot niya bago siya nito niyakap.

After the Chaseजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें