Two

188 9 2
                                    




#ATC02 Chapter Two

"I'M REALLY SORRY, Apple. I really can't come with you today. May meeting kami for our dish presentation next week."

Bumuntonghininga si Apollo habang matamang pinapanood si Artemis na naka-upo sa harap ng vanity table at naglalagay ng kolorete sa mukha. Umupo siya sa kama ng dalaga at saka humilata roon.

"Anong oras ka puwedeng itakas?" tanong niya, nagbabakasakaling may vacant ito sa araw na 'yon.

Artemis grunted. "I can't ditch my group mates, Apollo!"

"Marami ba kayo?"

"Just five."

"Kasama sila Sunshine?" he asked

Hindi agad sumagot ang kakambal. Nag-angat siya ng ulo para tignan ito. Nahuli niyang nakatingin sa kanya si Artemis sa salamin.

"Noong isang araw ka pa Sunshine nang Sunshine." Umikot ito para maharap siya. "Do you like her?"

"What?" Pinilit niyang tumawa. "I don't like her."

"Then why do you keep on asking about her? Ni hindi nga kayo nakapag-usap nang maayos sa bar."

"It's because she's avoiding me." Umayos ulit siya ng higa at tumingin sa kisame. "I'm interested in her, that's all."

"Interested? Gusto mong dalhin sa kama?"

Nanlalaki ang mga matang binalingan niya ang kakambal. "The fuck?"

"I know you, Apollo." Tumayo na ito at inayos ang gusot sa suot nitong palda. "Interesado ka lang sa kanya kasi gusto mo siyang matikman. Iyon talaga ang ipinunta mo rito sa New York? Nagsawa ka na ba sa mga school mates natin?"

"Fuck, Artemis. You are so judgemental!" He groaned before sitting. Matalim niyang tinignan ang kakambal. "You're accusing me like I'm some sort of a fuck boy!"

"Well, aren't you?" Artemis raised her brow at him.

Apollo sighed, rubbing a hand on his face. "Hindi naman por que maraming babae ang nakadikit sa akin, ang ibig-sabihin ay natikman ko na silang lahat. I don't have that kind of reputation, Art. Sinisira mo ako!"

"I always hear them talking about your make out sessions noong senior high tayo." Humina ang boses ng dalaga. "Do you know that they're even sexualizing you when you're just simply playing basketball? Gustong-gusto ko silang patahimikin pero lagi akong pinangungunahan ng takot na baka pati ikaw, masira sa kanila dahil sa akin. You know that I'm not that loved at St. Michael."

Mabilis siyang tumayo para yakapin ang kakambal. He wasn't deaf or blind. Alam niya kung gaano kahirap sa kakambal ang pinagdadaanan nito noong nasa St. Michael pa lang ito. Ilang beses na siyang muntik nang mapaaway dahil sa mga lalaking binabastos ang kakambal niya. Kitang-kita niya lahat ng mga 'yon. But he failed to see things that were harmful to him.

He didn't know that even he was being sexualized by the girls at school. Totoo ngang hindi lang babae ang nababastos. Posibleng pati ang gaya niya ay maging biktima rin.

"I love you," bulong niya sa tenga ni Artemis bago ito pinatakan ng halik sa noo. He held her shoulders firmly, staring at her eyes. "I love you, Art. Thank you for worrying about me."

"Please stop playing with girls," mahinang sambit ng kakambal. "Just focus on your study, okay?"

He chuckled because he found his twin adorable. Ito lang kasi ang natatanging tao na nakiusap sa kanya para tigilan na ang pambababae niya. It wasn't like it was his hobby. He just loved exploring and having fun. Wala naman siyang ginagawang masama lalo pa't alam naman niya ang kanyang mga limitasyon.

After the ChaseOn viuen les histories. Descobreix ara