Four

132 7 5
                                    






#ATC04 Chapter Four

"EH? Uuwi na ng Pilipinas si Apollo?"

"Bakit parang gulat na gulat ka?"

"Bakit ang bilis?"

"Kasi dinalaw lang naman niya si Art dito at hindi sinabing dito na maninirahan."

Snow pouted her lips like a duck. Lumungkot din ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Sunshine na nakataas ang isang kilay sa kanya.

"Ang bilis naman," malungkot na sabi niya.

"Bakit parang paiyak ka na?" Mas umangat pa ang kilay ng kapatid. "Hindi naman kayo close para iyakan mo siya."

Snow sighed, adding more drama. Iyon nga ang kinalulungkot niya. Hindi pa siya naging close sa binata, aalis na ito agad. Wala pa siyang nakokolektang magandang memories kasama ang binata. Paano na lang kung hindi na ito bumalik? O kung matatagalan ito bago muling bumalik? Baka makalimutan niya ang pagmumukha ni Apollo. Magkalayo pa naman ang mukha nito at ni Artemis kahit kambal ang dalawa.

"Dadalaw ba siya ulit?" she asked hopefully.

"Sabi ni Art, baka raw dito mag-pasko ang mga magulang niya. Malamang kasama rin si Apollo," Sunshine replied, sounding uninterested.

Lumiwanag ang mukha ni Snow sa nabalitaan. Ilang buwan lang niyang hindi makikita si Apollo at babalik din pala ito sa pasko. Siguro naman ay hindi niya makakalimutan ang itsura nito sa ilang buwang hindi niya ito makikita.

Napansin ni Sunshine ang malaki niyang ngisi. Itinigil ng dalaga ang pagsusulat at ibinaba ang hawak na ballpen sa mesa. It created a loud thud, making Snow jolted in her seat.

"Bakit?" She held her hand above her chest while looking at Sunshine.

"May gusto ka ba sa lalaking 'yon?" kunot-noong tanong nito na ikinagulat niya.

Snow felt her face turning into the color of tomatoes. That was her weakness. Mabilis siyang mamula sa tuwing nakararamdam siya ng hiya, takot, pagod, o kilig. Her skin was white as snow, kaya kaunting reaction lang talaga ng katawan niya ay mapapansin na ang pagbabago roon.

"B-bakit mo tinatanong 'yan?" nauutal na tanong niya, takot na sagutin ang tanong ng kapatid. "Bakit? Crush mo ba si Apollo?"

Sunshine gave her a flat face. "Are you fucking serious right now, Snow?"

"Bakit? Crush mo nga?"

"You're stupid."

"Nagtatanong lang ako! Crush mo?" she pressed.

"Ako ang unang nagtanong—"

"Ako ang nagtatanong ngayon kaya dapat ngayon ka na sumagot."

Her sister rolled her eyes. Sumuko na ito at hindi na siya muling tinanong. Snow pouted. Gusto lang naman niyang hulihin si Sunshine kung may gusto rin ba ito kay Apollo, knowing that he was so vocal about his feelings toward her. Wala namang sinasagot si Sunshine sa binata kundi irap lang o 'di kaya'y masamang titig.

Maybe some other people will take those reactions as a form of rejection, but Snow knew her sister too well. Kahit nga ang pagsabi nito ng 'mahal kita' ay dinadaan din sa pag irap.

"Crush mo ba si Apollo, Sunshine?" tanong niyang muli.

Mukha talagang nakulitan na ang kapatid dahil dinampot na nito ang mga papel at ballpen na ginagamit, tumayo, at tuluyan na siyang iniwan mag-isa sa sala ng maliit nilang condo.

Snow chuckled while shaking her head. Napakasungit talaga. Hindi niya lubos maisip kung bakit si Sunshine ang natipuhan ni Apollo kung kahit siya na kapatid nito ay hindi makausap nang maayos ang dalaga dahil sa labis na katarayan.

After the ChaseWhere stories live. Discover now