Ten

146 10 10
                                    





#ATC10 Chapter Ten

APOLLO'S FIST WAS lifted on the air. He was currently standing in front of Snow and Sunshine's unit for a long time already, but he was still contemplating if he should continue to knock or not.

Ilang minuto na siyang nandoon pero hindi niya magawang katukin ang pinto. Para siyang aso na naghihintay pagbuksan ng pinto ng kanyang amo.

He cursed under his breath. Ano ba ang ginagawa niya roon? Dapat ay sumama na lang siya sa kapatid at mga kaibigan sa airport para sunduin ang kanyang mga magulang. Pero nagpaiwan siya para ano? Tumayo sa harap ng pintuan ng kapitbahay?

"Tang ina." Napasabunot siya sa sariling buhok at kinagat ang ibabang labi.

Para siyang tanga. Natatakot ba siya sa kung ano man ang maririnig niya mula sa magkapatid? Oo at alam na niya kung saan puwedeng mapunta ang magiging usapan nila. Pero nanlalamig pa rin ang kalamnan niya habang iniisip ang mga puwedeng sabihin ni Snow sa kanya.

Kay Sunshine? Walang problema. Naisampal na sa kanya na hindi siya nito magugustuhan. Masakit, siyempre. Pero balak niyang lumaban. Gusto niyang ipakita sa dalaga na seryoso nga siya rito. Gusto niyang patunayan ang sarili niya hindi lang kay Sunshine kundi pati sa rin sa mga taong nagsasabi sa kanya na hindi siya marunong magseryoso. Ni hindi nga niya problema kung may iba itong kinikita. Kinikita pa lang naman. Hindi pa naman opisyal na magkasintahan. May pag-asa pa siya.

But the thing that was making Apollo stop was Snow and her damn feelings for him. Kung totoo man ang mga sinasabi ng kakambal niya at ni Justice, he had no idea on how to deal with it. Hindi siya handa para roon. Napaka-imposible talaga ng ideyang 'yon sa kanya kaya hindi niya ito pinagtutuunan ng pansin.

Halos mapaatras siya nang biglang bumukas ang pinto na kanina pa niya tinititigan, at bumungad doon ang bagong gising na mukha ni Snow. Apollo's lips parted when he saw her rubbing her eyes in a cute way. Nakasuot ito ng oversized shirt na pink habang nakapaa.

Apollo clicked his tongue.

Heto ba? Hetong babaeng nasa harapan ba niya ang may gusto sa kanya? Kahit itaya niya pa lahat ng mga naging ka-fling niya, alam niyang hindi siya pagkakainteresan ng dalaga. They were so... out of each other's leagues.

Ang tipo niya, iyong gaya ni Sunshine. Matangkad, palaban ang aura, masungit, at medyo singkit. Ang naiisip naman niyang tipo ni Snow ay iyong mga uri ng lalaking malayo sa kanyang pag-uugali. He believed that a guy who was smart shy, wearing thick glasses, tall, and slim was the man for Snow. Iyon 'yong alam niyang tipo ng dalaga.

Hindi iyong gaya niyang malakas ang dating, maingay, at maraming kaibigan, at mahilig sa bola.

Imposible. Napaka-imposible talaga.

"Anong ginagawa mo rito?" Napanguso si Apollo sa tono ng boses ni Snow. Napaka-aga pa lang para sungitan siya nito. "Alas singko pa lang."

"Alam ko," mahinang sambit ni Apollo. "Puwede ba kitang kausapin saglit?"

"Importante ba 'yan?" gusot ang mukha na sabi nito.

"I think so."

Snow crossed her arms together. "Kung walang kuwenta 'yang sasabihin mo, umalis ka na lang. Masyado pang maaga para painitin mo ang ulo ko."

His lips parted. "Hindi pa ba mainit ang ulo mo sa lagay na 'yan?"

"Hindi pa. Mabait pa lang ako ngayon."

Apollo stared at Snow, amused. He couldn't help but to smile, reason why Snow frowned even more. Ang hirap seryosohin ang galit ng dalaga. Sa itsura kasi nito ay parang batang naagawan lang ng kendi.

After the ChaseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang