Sixteen

175 12 3
                                    





#ATC16 Chapter Sixteen

HALOS MAGIBA NA ang pinto ng kuwarto ni Sunshine dahil sa malakas na pagkatok ni Snow roon. She was sobbing while knocking on her sister's room using her two fists.

"Ano ba?" singhal ni Sunshine nang pagbuksan siya nito. Kumunot ang noo ng kapatid nang makita ang kanyang itsura. "What the fuck happened to you, Snow?"

Snow cried and ran to her sister for a tight hug. There were legit tears rolling down her cheeks as she buried her face on Sunshine's neck.

"Bakit ka umiiyak?" kabadong tanong ni Sunshine habang hinahaplos nito ang kanyang buhok.

"S-si Apollo..." Snow tightened her hug around her sister's waist. "Tang ina ni Apollo!"

Natigilan saglit ang kapatid. "Anong ginawa ni Apollo sa 'yo?"

Hindi alam ni Sunshine kung ano ang gagawin dahil sa biglang pag-iyak ni Snow. She started to panic as she tried to calm her down while stroking her back gently. Suminghot naman si Snow habang humahagulgol. Naninikip pa rin ang kanyang dibdib na parang aatakihin na siya sa puso. Well, if it was not a heart attack she was currently feeling, hindi na niya alam kung ano 'yon.

"Snow! Sagutin mo nga ako!" tarantang sabi ni Sunshine at saka hinawakan nang mariin ang magkabila niyang balikat. "Anong ginawa ng gagong 'yon sa 'yo?"

Snow stared at Sunshine while pouting her lips cutely. Basang-basa ng mga luha ang kanyang namumulang mga pisngi. Her long eyelashes were also damp because of too much crying. Kumikislap ang kanyang mga mata habang nakatitig sa kapatid.

"H-he kissed me." She pointed her lips. "Here."

Dalawang beses na kumurap si Sunshine. Nakahawak pa rin ang dalaga sa kanyang mga balikat.

"What?" Sunshine whispered, confused.

"Hinalikan ako ni A-Apollo... sa labi."

"Is that why you're crying?"

Tumango si Snow.

"Did he asked for your consent?"

Umiling siya.

Nanlisik ang mga mata ni Sunshine at malalaki ang mga hakbang na lumabas ng kuwarto nito. Agad naman niyang sinundan ang kapatid.

"Sa'n ka pupunta?"

"Where the fuck is that jerk?" Sunshine screamed angrily while marching toward the living room. "Nasaan siya, Snow?"

"Umalis na siya," sabi niya habang hinihila ang dulo ng t-shirt ng dalaga. "Umuwi na, Sunshine."

Marahas siya nitong hinarap. "Bakit mo pinauwi?"

"H-hinahanap na raw kasi sa kanila, e," Snow answered quietly.

Ayaw rin naman niyang pauwiin ang binata. Pero mabuti na lang at umalis na ito dahil kung nandoon pa ito sa mga oras na 'yon, baka si Apollo naman ang natataranta dahil sa bigla niyang pag-iyak.

Crying was always Snow's way of releasing stress or other overwhelming emotions. Masarap kasi at magaan sa pakiramdam kapag nailalabas niya ang bigat na nararamdaman niya sa bandang dibdib. Minsan, kapag pagod sa trabaho, iniiyak niya iyon sa loob ng banyo hanggang sa gumaan ang kanyang pakiramdam. Naniniwala rin kasi siya na nalilinis ng mga luha ang kanyang mga mata kapag umiiyak siya. Usually, she was crying thrice a week just because of that particular reason.

"Magbihis ka," tiim ang bagang na wika ni Sunshine.

"Bakit? Saan tayo pupunta?" Snow asked her sister.

After the Chaseحيث تعيش القصص. اكتشف الآن