Twelve

135 14 3
                                    






#ATC12 Chapter Twelve

"SERYOSO KA BA?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Malakas na hampas ang natamo ni Snow mula kay Artemis. Gulat niya itong tinignan.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Artemis asked, talking about what she did.

Snow laughed so loud while holding her stomach. Umilag siya nang makitang umaamba na naman ang kaibigan sa paghampas.

"Ang hilig mong manggulo kapag nasa malayo na 'yong tao," sabi ni Artemis na halatang gusto pa rin siyang saktan.

"Mas madali para hindi niya ako kayang sugurin." Bumungisngis siya.

"Gagi ka!"

Pumasok sa living room si Sunshine na kagagaling lang sa kusina. Tumaas ang kilay ng dalaga nang makita silang dalawa ni Artemis na naghahampasan sa sofa.

"Anong ginagawa niyong dalawa?" seryosong tanong nito.

"Snow confessed to Apollo through an email," sumbong ni Artemis kay Sunshine. "Kaya pala hiningi niya sa akin kagabi 'yong email address ni Apollo. I thought it's about business."

"Business ka riyan! Anong akala mo? Bebentahan ko siya ng cookies ko?"

Artemis groaned. She laughed. Bumaling siya kay Sunshine na nakakunot ang noo. "Liligawan mo?"

Snow nodded.

Artemis gasped and glared at Sunshine. "You knew about this?"

Tamad na tumingin si Sunshine kay Artemis. "I told her to confess again."

"Confess! Not to court him!" Artemis said like she was panicking.

"What's wrong with doing the first move?"

"Wala akong sinabing mali 'yon—"

Ibinalik ni Sunshine ang tingin sa kanya. "What did he say?"

"Wala pang reply," sagot niya.

Tumango si Sunshine at muling bumalik sa kusina. Narinig niya ang pagbulong-bulong ni Artemis sa kanyang tabi. Pagkatingin niya sa dalaga ay napangiwi siya. Mukha itong problemado. Parang sobrang lala naman ng ginawa niya. Hindi naman siguro hahantong sa sitwasyon na aatakihin si Apollo sa puso kung mababasa nito ang email niya.

Napahilata si Snow sa sofa saka ginawang unan ang mga hita ni Artemis. Hindi niya pinansin ang mga sinasabi nito. Nilabas niya ang kanyang cellphone na ginamit niya para ipadala ang email kay Apollo. Binuksan niya ulit iyon para muling basahin.

To: ApolloNeeckoCrdv.gmail.com

Subject: Psy 101 Theories of Love

Please don't mind the subject. Baka akalain mong nag-shift na ako ng course. Nag-search lang talaga ako sa Google kung sa anong subject inaaral ang pagmamahal.

Anyway, I am sending this mail to you to make you aware na liligawan kita.

Tama ang pagkakabasa mo. Liligawan kita. Manliligaw ako sa 'yo.

Baka sinasabi mo nang nababaliw ako, ha? Well, maybe I am. Pero naniniwala ako na hindi pa tapos ang laban. So what kung ayaw mo sa akin? As if naman gugustuhin ka rin ni Sunshine. Pero, 'di ba, kahit hindi ka niya gusto, susubok ka? Ganun din ang gagawin ko. Manliligaw ka, manliligaw rin ako. Quits lang tayo.

Don't ever think na tapos na ako sa 'yo, Mr. Cordova. I was just upset and heartbroken when you rejected me. Pero tapos na ako sa stage na 'yon. Kaya ko nang lumaban ulit.

After the ChaseWhere stories live. Discover now