Chapter 1

486 46 47
                                    


“ I'M COMING MAMA ( PART 1)”

⚠️WARNING : EXPECT TYPO ERROR AND WRONG GRAMMAR PO.


Dahan-dahan kung binuksan ang mga talukap ng aking mga mata. Liwanag mula sa labas at ang nakakabibinging tahol ng aming aso na si Garlic ang tumambad sa'king paggising.Napilitan akong bumangon mula sa aking pugad at ginawa ang mga ka ek-ekang gawain tulad ng pagsusuklay ng aking buhok and it took me 3 minutes to fix my hair.

Dahan-dahan kung sinusuklay pababa ang aking buhok dahil ang dami kung buhok na nalalagas. Tiningnan ko ang aking mukha sa harap ng salamin. Suminghot muna ako ng hangin pero bigla akong napatigil ng may something na bumabara sa dalawang nostrils ko.  Ipinasok ko yung  hintuturo ko sa butas ng aking ilong at kinuha ang mga kulangot. Tiningnan ko muna ito bago ipinahid sa may dingding namin. Nang matapos na ako sa mga pinaggagawa ko sa may salamin  ay nagmamadali akong bumaba mula sa aking kwarto gamit ang mga hagdan na yari sa kahoy.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang inihanda  ko ang  mga prutas na mangga na pinitas ko lang kahapon .  Hinog na hinog na ito at kung titigan mo pa lang ito ay mukhang matatakam kana dahil sa mapang-akit na kulay ng balat nito. 

Habang nagbibilang ako  ng mga mangga ay  nakita ko si mama na umiinom na naman ng alak kasama ang kaniyang mga kumare sa ilalim ng puno.Nagtatawanan ang mga ito habang naglalaro ng baraha.  Kay aga-aga , alak agad yung inaatupag ni mama.

"Saan ka pupunta , Sabrina ! Mukhang bihis na bihis ka ah ?" Nakataas ang kilay ni mama. Napatingin din sa akin yung mga ka-inuman niya.

"Ibibigay ko lang po itong mga pinitas kung mangga sa mga bata doon sa orphange , ma. " Paalam ko habang hinawi ang aking nga buhok.

"Bumalik ka kaagad. Baka may mabighani sayong lalaki at lalandiin ka." Wala sa tono na sambit ni mama. Namula naman yubg pisngi ko sa sinabi ni mama. Naku, kailan ba si mama matatapos sa pagputak ng mga salitang iyan. Paulit-ulit lang niya itong ipapa-alala sa akin.

"Opo ma, uuwi ako kaagad ." Sagot ko na lamang saka nagmamadaling umalis.

Simula nung nangyari sa akin three years ago ay madalas na akong pumupunta sa orphanage upang dalawin at bigyan ng makakain ang mga bata at pagkatapos naman ay pupunta naman ako kaagad sa simbahan upang magpasalamat sa Panginoon sa mga biyayang natanggap at para humingi rin ng kapatawaran sa mga kasalanan kung nagawa.

"Hi Maam Sabrina," bati ng isang  staff sa akin na nakasuot ng lumang itim na uniporme . May ngiti na naka-ukit  sa kaniyang labi. Ang kaniyang buhok ay nakalugay lamang at parang hindi pa niya ito sinusuklay kasi medyo magulo ang mga ito.

"Hi po,  'Asan ba yung mga bata ?" I smiled while staring at her carefully.

"Andun po sa play ground maam. Pasok po kayo maam." The staff invited saka binuksan ang lumang gate ng kanilang tinitirhan.

Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kanilang shelter. Maraming mga spiderweb na nakasabit sa may ceiling at sobrang dilim ng hallway patungong play ground ng mga bata. May bombilya naman pero sira na ito dahil 'di steady ang ilaw na lumalabas mula rito.

"Mabuti po at napadalaw kayo maam. I'm sure magugustuhan nila yung dala mo." The staff said with a low voice.

"Hehehe , mangga nga lang yung nadala ko eh kasi wala po akong budget. May tuition pa po kasi akong binabayaran kaya ito nalang mangga yung dinala ko. Presko pa po yan! Kakapitas ko lang kahapon doon sa may punong mangga doon sa amin. " Sadyang nilakasan ko yung tinig ko para hindi ako makaramdam ng takot.

I'm Coming Mama [ COMPLETED ✔️]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum