Chapter 6

119 26 13
                                    


Kinabukasan ay maaga akong nagising . Laking pasalamat ko na walang gumugulo sa akin habang ako ay natutulog at hindi din ako dinadalaw ng masamang panaginip. Ngayon lang ulit ako nakatulog ng maayos. Pinunasan ko muna ang aking mga mata bago umupo ng maayos sa aking kama. Kinuha ko ang aking rosary beads sa aking lamesa at nagsisimula ng nagdasal.

" Thank you for this wonderful morning , Lord. Salamat at nakatulog ako ng maayos. Amen ✞︎."

Pagkatapos kung nagdasal ay bumaba kaagad ako at nakita ko si mama na nagluluto na doon sa kusina.

" Himala si mama , ang aga nagising at ipinagluto pa ako. Wala ba siyang hang-over ?"

"Good morning ma!" Bati ko at lumingon naman si mama sa akin at nginitian ako.

"Kamusta na yung tulog mo ?" Tanong niya habang may hinalo-halo sa frying pan .

"Okay naman po ma. " Nakangiting sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

"Ang aga mo ata nagising ma . Wala ka bang hang-over ?"

"Wala naman. Oh siya maligo ka na doon. May pasok ka pa ngayon ." Paalala ni mama. Ngumuti ulit ito sa'kin habang hinain ang kaniyang sinaing. Kaya, lumabas na lamang ako sa bahay namin para pumunta sa cr upang maligo. Napailing nalang ako sa sweetness na ibinungad sa akin ni mama. Nagawa ko pang ngumiti sa kaniya kahit sinampal niya ako kagabi.

Usually kasi kapag may pasok ako ay naging sweet sa akin si mama pero halimaw naman kapag nalalaman niya na nagkakamali ako o kaya'y nalalaman niya na may jowa ako. Oo, mahigpit sa akin si mama pagdating sa mga lalaki. Ayaw kasi niyang matulad ako sa kaniya noon na hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil maaga siyang binuntis ni Dad pero 'di naman pinanagutan. 'Yan yung kinatatakutan ni mama. Kaya ayun pinagsisihan niya ang lahat na kilos na ginawa niya. Binuhay naman niya ako pero palagi nga lang tumutungga ng alak para makalimutan ang kaniyang nakaraan.

Nang matapos na akong maligo ay nagbihis ako kaagad . I spotted Garlic sleeping doon sa may sulok ng aming bahay. Napangiti ako nang marinig ko ang kaniyang paghilik . I was about to touched him when he suddenly opened his eyes. Dali-dali itong tumayo . I patted his head while he wag his tail. He licked my hands.

"Gutom na ikaw Garlic , gutom na ikaw ?" I said while pinching his nose at umingos -ingos naman siya habang inilabas ang kaniyang dila kaya tumayo ako. Kinuha ko na iyong pakainan niya at nilagyan ito ng dog foods. My mouth formed a smile while watching a hungry Garlic eating his food.

"Sabrina, halika na dito. Kain na." Tawag ni mama. Naririnig ko na ang kalansing ng mga plato at kutsara sa loob ng aming kusina.

Pumasok ako sa kusina namin.Naghugas muna ako ng kamay bago umupo sa hapagkainan. Sumunod din si mama.

"Wow ! Ang sarap naman nito ma." Komento ko at saka aakmang kukuha ng ulam ng biglang pinigilan at hinarangan ni mama iyong kamay ko. I look at her in shock.

" Magdasal muna tayo." Sabi niya.

Oh kita mo tuloy. Nakalimutan ko nang magdasal dahil natatakam na ako sa aming ulam.

Pagkatapos naming magdasal ay sinunggaban ko kaagad iyong ulam . Ang sarap kasi ng Beaf steak at Spicy ribs , paborito ko kasi ito simula noong bata pa ako.

"Gatas mo , baka makalimutan mo iyang inumin." Pa-alala ni mama .

Nang matapos na kaming kumain ay inaayos ko na ang aking hitsura sa harap ng salamin. Geez, ang dami kung nakain . Lumaki tuloy yung tiyan ko. Sumisikip na yung blouse ko. Para na akong si Winnie the Pooh nito.

I'm Coming Mama [ COMPLETED ✔️]Where stories live. Discover now