Chapter 11

75 13 12
                                    


⚠️ Warning :

BEWARE , this chapter contains mature content that might triggered you. Feel free to skip this one . Thank you.

# Not for readers below 18 .

__________________________________

Dumating na yung  pinaka-kinatatakutang araw ko. Ang huling araw ng aming camping. Gabi-gabi ay di ako makakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip ng mga posibleng mangyari sa araw na ito.

Binuksan ko yung bag ko at kinuha yung sulat at binasa ito ulit. Natanggap ko itong sulat na ito before kami pumupunta dito sa lugar na ito.Nang matapos ko itong basahin ay nanginginig ang aking kamay. Dali-dali ko itong binalik sa loob.

Ito na yung huling araw para gagawin ko yung plano ko para mailayo si mama sa panganib. Ito na yung kahuli-huling araw na susundin ko ang nakasaad na utos sa sulat. Ito na yung huling pagkakataon na gawin ito. Ang patayin ang aking mga kaibigan.

Gabi na ngayon at andito ako sa loob ng aming tent ni Bea. Ako lang yung nandito sa loob dahil si Bea ay nandoon sa labas kasama sila Rhea , Cidney , Stephanie , Abby na nanonood ng katuwaan.

Maya-maya , sumilip ako sa labas at nakita ko si Bea na nag-iisa na naglalakad patungo dito sa tent namin habang humihikab kaya dali-dali kung binuksan ang aking bag at kinuha ang kutsilyo at tape. Itinago ko ito sa loob ng kumot ko. Binuksan ni Bea yung tent at pumasok at isinarado ito. Nakita niya ako na gising pa.

" Ow , gising ka pa pala , Sab. Akala ko tulog ka na. Ano , gusto mo bang kumain ng chocolate. May chocolate pa ako dito sa loob  ng bag ko." Alok niya habang nakangiti  na tinitingnan ako. Binigyan ko siya ng pekeng ngiti.

" Should I kill her or not?"

Hinigpitan ko ang aking hawak sa kutsilyo na nasa loob ng aking kumot. Nangi-nginig na ang aking mga kamay.

" Na...nasaan ba sila Rhea, hindi ba sila susunod dito sayo ?" Kinakabahan kung tanong. Umiling siya atsaka humiga sa tabi ko.

" I love you , Sabrina. Good night." She said atsaka ipinikit  ang kaniyang mga mata.

" I'm sorry , Bea." Sabi ko atsaka bumangon mula sa pagkakahiga. Napansin ata ni Sabrina na bumangon ako kaya ibinuka niya ang kaniyang mga mata.

" Ano ? Ba-bakit umiiyak ka  ?" Naguguluhang tanong niya. Umiiyak na pala ako.

" I must do this for the sake of my mom."

Nilakasan ko na yung sarili ko at kinuha yung tape sa loob ng kumot. I hurriedly put a tape on her mouth. She was shocked but before siya bumangon ay kinuha ko na ang kutsilyo at isinaksak ito sa kaniyang tiyan. Her eyes widen. She hold her stomach at marami nang dugo na umaagos.

" I'm sorry Bea. Rest in peace , my friend."  I whispered. Dali-dali kung tinakpan ng kumot yung katawan ni Bea.

Dali-dali kung isinuot yung gloves at jacket ko. Kinuha ko na  sa bag ko yung baril ko. Nilagyan ko ito ng silencer at bala atsaka nilagay sa  bulsa ng aking jacket.

Lumabas ako sa aming tent. Inilibot ko yung tingin ko at nakita ko si Brix na nakatayo sa may di -kalayuan at diritsong nakatingin sa akin. Iniwas ko yung tingin ko at pinagpatuloy yung paglalakad ko papunta sa may bonfire kung saan ginaganap ang katuwaan. Lahat ng mga kaklase ko ay lasing na , pati yung mga teacher.

Inilibot ko ang aking paningin . Hinanap ko ang aking mga kaibigan. Andoon lang pala  sila sa may table at nag-iinuman. Linapitan ko sila at umupo sa kanilang lamesa.

Inalok nila ako na uminom ng alak pero tinanggihan ko sila. Nakipag-kwentuhan lang ako sa kanila doon for about 6 minutes.

Tiningnan ko yung mga kaibigan ko at puro na sila lasing. I scanned my eyes on them  and my eyes suddenly landed on Cidney. I gave her a fake smile at ngumiti din siya sa akin.

I'm Coming Mama [ COMPLETED ✔️]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang