Chapter 5

140 31 20
                                    

I swallowed the lump on my throat.  Tiningnan ko si mama at naglalakad na pala ito patungo sa akin dala-dala ang limang tuhog ng bananaque na isinilid sa puting plastic.

"Ano 'yang papel na 'yan  'nak ?" Tanong ni mama habang binuksan ang plastic at kumuha ng dalawang tuhog ng bananaque.

"Ahm , wa-wala po 'to." I said and smiled to her. Itiniklop ko yung papel at itinago ko sa loob ng basket na dala ko kanina which is pinagsisidlan ko ng mga mangga  para sa mga bata.

Kinain muna namin yung dalawang bananaque. Itinira naman namin yung tatlong tuhog para may ma-meryenda kami mamaya sa bahay . Nang makarating na kami sa bahay namin ay isinalampak ko ang aking katawan sa couch namin.

"Magbihis ka muna Sabrina , pinagpawisan ka ." Utos ni mama habang siya'y papaakyat sa itaas at pumunta sa loob ng kaniyang kwarto. Hindi ako nakikinig sa kaniya bagkus ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.

Makalipas ang dalawang minuto ay may tumunog na naman yung hagdan namin indicating na bumaba na si mama . Ibinuka ko ang aking mata at nakita ko si mama na nakabihis na nang damit na pambahay habang nakapameywang ito at nakatingin sa'kin.

"Sabrina , magbihis kana !" Bulyaw ni mama.

"Mamaya na po." Sabi ko atsaka nagtulog -tulogan ulit . Ayoko kayang umakyat at pumunta sa kwarto ko. Baka 'andun na naman yung bata na 'yon at baka this time mapapatay na niya ako.

"Sabrina Del Rosario  magbihis kana. Nakakasama 'yang pawis kapag natuyo sa katawan mo ." Galit na sigaw ni mama kaya dahan -dahan akong tumayo at inilibot ang aking tingin.

"Pero ma , baka nandoon na naman 'yung bata !" Kinakabahang sabi ko.She narrowed her eyes towards me.

" Praning ka na ba ? Sige , ipagpatuloy mo 'yang ka - praningnan mo at magpapalunok ka sa takot  baka  mani-nerbiyos ka. Baka mabaliw ka na niyan !" Galit na bukyaw ni mama pero di ako nakinig . Pinalabas ko lang lahat ng sinabi niya sa isang tainga ko.

" Teka muna ma , lalabas lang muna ako." Sabi ko at dali-daling lumabas. Tiningnan ko muna 'yong sampayan namin ng damit sa labas at laking pasasalamat ko ng may makita akong damit na nakasampay . Nakita ko ang aking  blouse na kulay asul. Kinuha ko ito at dali-daling pumasok  sa cr namin para makapagbihis.

" Sabrina ," I heard mom's voice inside our house calling my name kaya dali-dali akong lumabas sa cr at pumasok sa loob ng bahay namin.

"Bakit ma ?" She look at me bago nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga ng makita na niya ako na nakapalit na ng damit.

"Ano na ba ang nangyayari sa iyo ?" Biglang lumambot ang kaniyang expression sa mukha. I remained silent. Kung sasabihin ko naman kung ano ang nangyayari sa akin ay walang maniniwala. What's the point of explaining if no one is listening ?

Nagpakawala din ako ng isang buntong hininga habang hinihilot-hilot ang aking sentido. Tiningnan lang ako ni mama pero kaagad din naman niyang binawi iyon at pumunta sa kusina upang kunin ang natitira nilang alak kahapon.Mag-iinom na naman siya?

I stretched my back on the couch and sighed while turning the tv on. Just then , Garlic our dog barks loudly . I look outside and the dog immediately stop barking and look at me. He wag his tail and approach me.

"Garlic," tawag ko sa aso namin .  Hinimas-himas ko yung likod niya. He look at me and then bark again habang pumupunta sa likod ng bahay namin. Sinundan ko ang aso namin kung saan ito patungo. "Ikaw talaga Garlic ang kulit mo! Saan ka ba pupunta ?"

"Aww!" Sagot nito. He growled and barked again habang nakatingin sa likod ng puno.Tumingin ako sa mga kahoy pero wala naman akong tao o kakaibang nilalang na nakikita.Napagpasiyahan ko na lamang na bumalik sa loiv ng bahay namin  nang may bigla akong natapakan na crumpled paper dahilan para muntik na akong madulas . Buti nalang ay na control at nabalanse ko ang aking katawan.

Bumalik na naman ang kaba ko nang makita ko ang crumpled paper. I opened it and I found out that it has a note again. It has the same writings doon sa note na natagpuan ko labas ng simbahan.

" 1. 𝗞ill your dog, mama ."

Iyan yung nakasulat sa papel. 'Ayan na naman yung mama -mama na 'to.  Inilibot ko ang aking tingin sa paligid  at nagbabasakaling may nan -trip sa akin pero wala naman akong napansing tao na palaboy-laboy . I look at our dog at huminto na ito sa kakatahol. Pumunta ito sa akin at saka nag puppy eyes.  TSSSK ,this note is crazy. It makes me insane .

Itinapon ko ang sulat at kinuha si Garlic at ipinasok sa loob ng bahay namin. Tsssk, pinaglalaruan lang ata ako eh.Bakit ko naman papatayin ang aking pinakamamahal na aso ?

I hugged my dog and continued watching tv . Sakto namang nag-appear ang aking paboritong palabas na Tom and Jerry. Pero bigla naman akong nainis nang  maalala ko na kailangan ko palang mag-study sa lessons ko dahil may gaganapin kaming recitation bukas.

Dali-dali akong umakyat sa hagdan namin at pumasok sa bedrooms ko upang kunin yung mga libro ko.Nilakasan ko na talaga yung loob ko na pumasok sa loob ng aking kwarto kahit kinakabahan ako.  Nang makuha ko na ang aking libro sa aking lamesa ay dali-dali akong bumaba at pumunta sa sala.

Habang busy ako sa pag-study ay  tumabi naman sa'kin si Garlic. Nakahiga ito sa sofa na inuupuan ko at humihilik pa. "Garlic!" Dali-dali namang tumingin sa'kin ang aso kung natutulog. "Huwag ka dito matulog sa tabi ko okay? Nag-study ako. Ang lakas ng hilik mo!"

"Awww!" Nag-puppy eyes ito habang nakatingin sa'kin. I rolled my eyes. "Oh sige diyan ka nalang. Huwag kang hihilik-hilik diyan. 'Di ako makakapag-focus!"

Kinagabihan ay napagpasyahan kung dito nalang matulog sa sala dahil ayokong matulog doon sa kwarto ko dahil natatakot na ako.

"Ako dito ang matutulog  Sabrina." Sabi ni mama habang naglalakad ng pagiwang-giwang papunta sa sofa . Hayyst , lasing na naman to.

"Pero ma !? "

"Basta ako dito matulog . Bakit ayaw mo ba na matulog sa kwarto mo ?"

"Basta po ma , natatakot ako."  Dahilan ko at nakatanggap na naman ako ng sampal.

"Nababaliw ka na ba Sabrina ? Akyat na sa taas. Wala kang mapapala kung paiiralin mo 'yang takot na nararamdaman mo." Galit na sambit ni mama kaya umakyat nalang ako sa itaas . Binabagalan ko talaga yung hakbang ko sa hagdan. I cried silently.

Kinakabahan akong pumasok sa aking kwarto . Dala-dala ang rosary beads at ang aming munting lampara.

Habang umaakyat ako patungo sa hagdan ay may napansin akong kakaiba. Parang may tao na parang nakatingin sa aking likuran kaya lumingon ako at wala naman akong nakita. Tiningnan ko si mama at nakahandusay na ito sa sofa.

Dali-dali akong pumasok sa aking kwarto at isinara iyon. Maingat kung inilagay sa lamesa ang lampara namin. Dahan-dahan kung ibinagsak angbaking katawan sa kama ko. I tried to sleep but I can't sleep kaya napagdesisyonan kung bumangon para magdasal.

" In the name of the Father and to the Son and to the Holy Spirit. Amen . Dear God in Heaven please spare away all the demons that keep surrounding me –"

I prayed pero bigla akong natigilan sa pagdadasal ng maalala ko na naman yung sulat na natagpuan ko kanina doon sa simbahan.

" A demon like you do not belongs in church but in hell."


Umiling ako. Hindi ako demonyo. I stop praying dahil kapag patuloy pa ako sa pagdadasal ay paulit-ulit na tatak sa aking isipan ang salitang demonyo.

I lied to my bed again and stared at the wall blankly . Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ulit yung luha ko. What's happening to me ?




☾︎༒︎Rivs_Styler༒︎☽︎

𝗣𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲 𝗱𝗼𝗻'𝘁 𝗳𝗼𝗿𝗴𝗲𝘁 𝘁𝗼 𝘃𝗼𝘁𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗰𝗼𝗺𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗶𝗳 𝘆𝗼𝘂 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗰𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿. 𝗣𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲 𝗿𝗲𝗰𝗼𝗺𝗺𝗲𝗻𝗱 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆 𝘁𝗼 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱𝘀 𝗮𝗹𝘀𝗼. 𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗸𝗲𝗲𝗽 𝗿𝗲𝗮𝗱𝗶𝗻𝗴.

I'm Coming Mama [ COMPLETED ✔️]Where stories live. Discover now