Chapter 13

66 16 3
                                    


Nagising ako sa mga ingay sa aking paligid. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay marami nang mga pulis at reporters  ang nagkalat sa paligid. Umiiyak din yung mga teachers at yung ibang estudyante. Yung iba naman ay busy sa pagbubulungan at si Justine naman ay ini-interview ng mga pulis.

Halos mawasak na yung puso ko sa labis na kaba. I hurriedly stood up . The police look at me at dinumog naman ako ng mga reporters.

" Maam , your classmates said na isa ka daw sa mga kaibigan ng apat na babae na namatay kagabi. May nalalaman kaba tungkol dito o may kinalaman ka ?" Tanong ng isang reporter. Napalunok ako sa kaniyang tanong. Nanginginig yung kamay ko but I manage to answer.

" Si-sino po ba ang mga namatay ?" I asked innocently.

" Sila Maam Rhea po , Stephanie , Abby at Bea. Yung isa po na si Maam Cidney ay kasalukuyan pa pong missing at hinanap pa po ngayon." Sagot nila.

" Oo , kaibigan ko sila. But wala akong kinalaman diyan ." Pagsisinungling ko. I calmed my voice  but deep inside halos mawasak na yung puso ko sa kaba.

" Of course , I have to lie to them to defend myself. Ayokong makulong dahil lang sa stupid note na iyon na alam kung hindi nila paniniwalaan. "

" Maam , ano po yung reaction niyo ng malaman niyo po na namatay ang inyong mga kaibigan ?" Tanong din ng isang reporter . I was about to answer her question ng sumigaw ang aking isang kaklase .

" Natagpuan na si Cidney. Natagpuan na yung bangkay ni Cidney."  Hiyaw ng aming kaklase at tumakbo naman lahat ng reporter papunta sa kaniya at  siya naman  yung dinumog.

Maya-maya nagsidatingan na yung mga parents nila at nag-iiyakan.

" 'Asan yung anak ko. Ang anak ko."

" Beaaaaaaa."

" Magbabayad ang gumawa nito sa aming mga anak."

Ang mga magulang nila ay nagsi-iyakan. They all cried helplessly sa harap ng mga bangkay. Napaiyak din ako ng makita silang umiiyak.

" Paano ko nagawa sa kanila to."

Makalipas ang ilang oras ng pag-iiyakan ay napagpasyahan din ng mga guro namin na pauwiin yung mga kaklase namin maliban sa amin ni Justine.

" Maam Sabrina and Sir Justine. Sasama po muna kayo sa amin sa presinto." Sabi ng police sa amin.

" Pero wala po kaming kasalanan , Sir."  Depensa ni Justine.

" Kahit na po. Huwag po kayong mag-alala dahil kasama po ninyo yung mga guro ninyo na pupunta doon at yung mga parents ng mga namatay." Paliwanag ng hepe ng  pulisya.

" Pero sir , wala po akong kasalanan. Lasing po ako no'n at natulog lang ako sa tabi ni Rhea  at wala akong ka-alam alam na patay na pala siya." Paliwanag ni Justine.

" Huwag po kayong mag-alala . Wala po kaming balak na ikulong kayo.  You just have to answer few questions upang mapatunayan na inosente talaga kayo. Since hindi pa namin natagpuan yung suspect ay kailangan po muna kayong sumama sa amin doon  sa presinto."

Nanatili lang akong tahimik . Tumango na lamang ako. After a few minutes ay umalis na din kami sa gubat. We were heading now to the police station.

Nang makarating na kami sa police station ay nakita ko yung mama at papa ni Justine. Namamaga na at pulang -pula na yung mata ng mama ni Justine dahil sa kakaiyak.

" Justine , anak ko." Napahagulhol na sabi ng kaniyang ina. Niyakap nila ng mahigpit si Justine.

" Kahit kailan ako' y isang kriminal . Isang kriminal na walang awa sa pagdamay ng mga inosenteng tao. "

Di ko namalayan na umiiyak na pala ako habang yakap-yakap yung sarili ko habang tinitingnan ang pamilya na nagyayakapan sa harap ko. Panay yung tingin ko sa pintuan hoping for my mom's arrival pero wala , hanggang sa nagsimula na ulit yung interview.

" So  Maam Sabrina , saan po ba kayo ng gabing iyon? Kasama mo ba ang iyong mga kaibigan ?" Tanong ng interviewer.

" Should I tell them the truth or should I lie?"

Naging blanko  na yung utak ko , kung ano dapat yung isasagot . Di ko namalayan na kusang gumagalaw yung bibig ko at lumalabas non ay ang mga sinungaling na salita. The police nodded and type what I've just said.

" Sir Justine , your classmates said na kasama ka daw nila Maam Rhea , Stephanie , Abby , Cidney at Bea kagabi na nag-iinuman at nagkakatuwaan daw kayo. Kung hindi ikaw ang pumatay sa kanila , may pinagdududahan kaba ?"

Justine slowly look at me for a while pero kaagad din naman niyang binawi iyon at tumingin sa police. This time , lumakas ulit yung kabog ng dibdib ko.

" Did he knew ? Possible kayang nakita niya ako kagabi ? "

" Wala po sir. Lasing naman po talaga ako at wala naman akong napapansin na kaaway sila Rhea before kami nag-camping.  " Katuwiran ni Justine. The police nodded.

Nang matapos na ang interview ay pinagpahinga muna kami ni Justine doon sa loob ng presinto. Nakita ko na naman na nagyayakapan yung mga pamilya ng mga friends ko pati yung pamilya ni Justine at naiiyak na naman ako. Maya -maya nagulat na lamang ako ng makita ko si mama na pumasok sa loob ng presinto. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa loob and suddenly our eyes met.

Nagmamadaling tumakbo si mama papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit kaya wala akong nagawa kundi suklian ang kaniyang yakap kahit hindi kami nag-uusap simula noong namatay si Garlic.

Maya-maya napansin kung nababasa na yung balikat ko and I assume na umiiyak si mama . I froze without giving her any reaction kahit gusto ko ng umiyak .

" I'm sorry anak." Tatlong salita na lumabas sa bibig ni mama dahilan para lumabas ng tuluyan yung mga luha ko.

" Ma , o-okay lang ." I said with a low voice upang pigilan yung paghagolhol ko ng iyak. She hugged me tight while I cried in silence on her shoulders.

Itong yung yakap na kailangan ko. This is the hug I've been longing for. This is the hug where I felt that I was loved for the first time. This is the hug that makes me felt that I was safe.

" I'm so happy that you were safe , anak."  Malambing na sabi ni mama. Mas lalo akong napahigpit ng yakap sa kaniya.

"  Akala ko ay wala nang  pake si mama  sa akin. Akala ko hindi siya pupunta dito pero nagkakamali pala ako."

☾︎༒︎ Rivs_Styler༒︎☽︎


Thank you for reading. Please don't forget to vote if you like this chapter. You can comment also your opinion , I badly craving for it. Thanks and keep reading.

I'm Coming Mama [ COMPLETED ✔️]Where stories live. Discover now