Chapter 9

77 21 7
                                    


Nang ihinto ni Manong yung tricycle ay mas lalong bumibilis yung pagtibok ng puso ko. Parang 3 beats per second.

Brix was about to throw a knife on me nang biglang bumaba si Manong. Dali-daling naglaho si Brix sa dilim.

" Hija !" Tawag ni Manong at doon na ako nahimasmasan at nakagalaw sa  aking kinauupuan.

" Ma...manong," salita na tanging lumabas sa bibig ko. My lips became dry.

" Okay ka lang ba?"

" May , nakita po kasi akong bata kanina. Nang makababa na po kayo ay bigla po itong na...naglaho,"nabubulol na sabi ko.

" Guni-guni mo lang iyan hija." Nakangiting sagot ni Manong.

" Totoo po lahat ng sinabi ko Ma...manong." Naiiyak na sumbong ko.

" Di  po ba kayo bababa? " Tanong ni Manong.

" Sasama nalang po ako sainyo , Manong . Natatakot po kasi ako."

" Di pwede Ineng . Baka mapagkamalan pa akong kidnappers ng mga magulang mo. Halika na , saan ba yung bahay mo. Ihahatid nalang kita. " Sabi ni Manong sabay kamot sa kaniyang ulo.

Nang makarating na ako sa aking bahay ay laking pasasalamat ko kay Manong. Atleast , naka-uwi ako ng safe kasama siya. Naabutan ko si mama na nakahiga sa sofa at lasing na naman.

Dali-dali akong umakyat sa aking kwarto. I hurriedly opened my bag at kinuha ang kakila-kilabot na sulat na natanggap ko kanina sa school at nilagay ko ito sa lamesa.

I stared the note blankly. Paulit-ulit ko itong binasa at inaalala lahat ng nangyari sa akin kanina doon sa school. Until an idea pop in my mind.

" Mukhang kailangan ko atang sundin kung ano man ang nakasulat."

Suddenly I remembered all the
creepy note I had thrown to the garbage bin. Dali-dali akong bumaba at pumunta sa kusina at hinahalungkat ang mga basura and I found out that all the creepy notes was still there at the bin. I hurriedly pick it all at dinala ulit sa aking kwarto .

Isa -isa ko itong binuklat at nilagay sa lamesa. Binasa ko ito lahat ng paulit-ulit and suddenly I remebered the note na naitapon ko nung mga panahong buhay pa si Garlic. Tanda ko pa yung nakasulat doon and it says kill your dog but I didn't kill Garlic at kinabukasan ay namatay ang aking aso. So , it means my problem have been solve.

" So , It means I have to follow what is written in the note or else I will suffer or someone suffered the consequence for disobeying the orders ! " I whispered.

Nanginginig akong bumalik at humiga sa aking kama.  I swallowed hard the lump on my throat.

" Is Brix a demon ? "

" What did I do to him ? Wala naman akong kasalanan na nagawa sa kanya ah."

" What if , may kasunod na naman akong note na matatanggap at worst pa ?  "


" God , Please help me."

-------

Nagising na naman ako ng puyat.  Di ako nakatulog kagabi dahil sa mga pinag-ooverthink ko. Nang bumangon ako ay bigla akong napahawak sa aking ulo dahil biglang nagdilim at umikot yung mundo kung ginagalawan.

Bumalik muna ako sa pagkakahiga hanggang sa di na masyadong sumakit yung  ulo ko.

Dahan-dahan akong bumaba patungong sala . I spotted mom, cooking at the kitchen. Tiningnan ko lang siya bago ako nagtungo sa cr namin sa labas.

Nang makapasok na ako sa loob ng cr ay kaagad akong nanghilamos at nag half-bath. Habang binabasa ko yung katawan ko ay may nakita akong dugo na pumapatak sa sahig.

Dali- dali kung kinuha yung tuwalya at tinakip sa aking katawan. Pinatay ko yung gripo at doon na nawala yung dugo na pumapatak. I slowly look above and I was shock that there was a kid hanging there and I can't help myself but to shout , close my eyes and cover my ears.

After a few minutes , I slowly opened my eyes again and there I found a note again na nakalagay sa takip ng timba namin.

I hurriedly pick it up at binasa ang sulat. After I read it , I hurriedly went inside our house  upang makapagbihis na ng uniporme. Kumain lang ako ng kaunti at saka nagmamadaling nagtungo sa aking eskwelahan. Kinakabahan ako sa sa aking gagawin ngayon.

As usual , kinukulit na naman ako ng aking mga kaibigan . Si Rhea busy sa pag-flirt sa kaniyang crush na si Justine.

Makalipas ang ilang oras ay pumasok na ang aming kauna-unahang professor. As usual nagdi-discuss na naman siya and the classroom was filled with silence because everyone is busy listening to her . Samantalang ako , ay kinakabahan na naman sa aking gagawin. I look outside and I saw Brix standing there with a horrific look. He is waiting for me to do my task. I swallowed my saliva 3 times.

" Sabrina ," tawag ni maam sa akin. I stood up.

" Can you tell us , kung kailan namatay ang ating pambansang bayani ?" Tanong ni maam sa akin . I swallowed my saliva again and look at Brix . Gustuhin ko mang sumagot at sabihin ang totoo kung kailan namatay si Jose Rizal  but I felt  someone prevent my mouth to speak the right answer.

" I just wanna tell you all . Na ang ating kaisa-isang bayani ay namatay three years ago pa lamang. He was killed innocently by a demons . Pinatay ng walang kalaban-laban. At gusto kung sabihin sa inyong lahat na ang demonyo na pumapatay ay nandidito lamang sa loob ng campus. At gusto ko ring sabihin sa inyo na ang demonyo na pumapatay ay kailangan ding mamamatay. " I said . The teacher and my classmates look at me in confuse. Some burst laughing and some was shocked. My teacher went ballistic.

" Sabrina , I was so disappointed by your answer. Top notchers ka pa naman dito sa klase natin. Seryuso kitang tinatanong pero sinasagot mo ako ng mga bagay na walang kapararakan. Now , get out of my class." My teacher said as she pointed the door.

" But maam , let me explain. I'm sorry. " I begged at di naman ako natiis ni prof.

" Next time , don't give me stupid and nonsense answer." My teacher said . I nodded and look again at the window. I see Brix there standing , giving me a contented smile.

" So , I have a few minutes left at bukas nalang natin itutuloy yung discussion natin ." My teacher said habang tumitingin sa kaniyang relo.

( ༒︎ Rivs_Styler༒︎☽︎

🕸️ Ano na naman kaya ang susunod na gawain na matatanggap ni Sabrina?


Please don't forget to vote and comment if you like this chapter. Please recommend this story to your friends too. Thanks and keep reading.


I'm Coming Mama [ COMPLETED ✔️]Where stories live. Discover now