Chapter 23

134 5 3
                                    

Nandito na kami ngayon sa loob ng korte suprema kasi hearing na naman  nila Justine . Ito na ang kahuli-huling hearing na gaganapin . Kung titigan mo ang upuan ng husgado ay papawisan ka talaga  dahil sa kaba. 

I scanned the area and it was breathtaking. Kada sulok ay may tig-dalawang police na nakatayo. Pati din sa likod ng judge ay may police din. I look at the judge and I noticed that he was scanning us  , and suddenly our eyes met. Napalunok tuloy ako. He was cold as ice.

Nakaupo na ako dito sa kabilang silya kasama ang mama ni Justine at si Atty. Young with their personal bodyguards and Justine of course. He was escorted with two police men. Andito din sa tabi ko si mama. She is holding my hands tightly.

Tumingin ako sa kabila at andoon na din ang mga parents ng aking limang kaibigan together with their bodyguards and personal attorney.  Their eyes were burning with fire by the time they saw Justine pero kaagad din naman  nawala ang galit at napalitan ito ng pagkabigla nang makita nila ako kasama si mama na nasa panig nila Justine nakaupo. Their faces look puzzled.

" Sabby , bakit pumanig ka sa kaaway natin ? " Naguguluhang tanong ni Tita Cindey. I lowered my head down. Hindi ko sila kayang tingnan sa mata.

" Hindi kami ang kaaway ninyo , biktima lamang ang anak ko , and she's here with us to prove that my son is not guilty ! " Sumbat din ng mama ni Justine. 

The judge pounded his gavel at napatingin kaming lahat sa kaniya.

" Defense , you may now call your witness !"

Tumayo na si Atty. Young . Sa harap.  " Maraming salamat , your honor !"

" I now call to the stand Ms. Sabrina  De Los Reyes. "

Dahan-dahan akong pumunta sa harap . Kahit na kinakabahan ako ay pilit ko pa ding nilalabanan ang aking takot. Nilagay ko na ang aking kanang kamay sa aklat para manumpa.

" Ako si Sabrina De Los Reyes , ay nangangakong magpahayag at magpatibay sa harap ng hukumang ito na ang mga ebidensyang aking ilalahad ay ang katotohanan , pawang katotohanan lamang at wala ng iba ." 

Habang nanumpa ako ng katapatan  sa harap ng hukuman ay tumingin ako sa mama ni Cidney and she cried. Hindi niya ata matanggap na nasa panig kami nila Justine.  Unti-unti nang nanginginig ang aking boses but I manage to control it.

Makalipas ang ilang minuto ay nagdedebate na sila atty. Young.

" Objection your honor , I do have proofs para mapatunayan na walang kasalanan si Justine ! " Sabat ni atty. Young saka tumingin sa akin bago sa mga bodyguards niya.

Inilagay ng mga body guards ang bag sa harap . Ito yung nakita namin sa ilog kahapon. Napalunok ako ng paulit-ulit habang tinitingnan ito.

Unti-unti na akong tinatanong ng abogado nila and I told them what they wanted to know. Isiniwalat ko lahat mula una hanggang dulo. I told them the whole truth.

Habang nagsasalita ako ay 'di ko mapigilang tumingin sa gawi nila tita Cindey. I look at her eyes at ang kaniyang mga mata ay puno ng hinanakit at galit habang tinitingnan ako.  Hindi ko din mapigilang 'di mapaiyak. Nanginginig  na yung boses ko at bumibigat na din yung pakiramdam ko.

Hindi ko namalayan na pumunta na pala si tita Cindey sa tabi ko at sinabunutan ako. Hinila niya ang aking buhok sa lakas ng kaniyang makakaya . Ang sakit na ng anit ko. Marami ng buhok ang nalalagas mula sa aking ulo pero hinayaan ko na lamang siya na sabunutan ako dahil deserve ko naman ang lahat ng ito. Kung tutu-usin kulang pa nga ito eh.

Nagkagulo na ang hukuman.    Inawat naman si tita Cindey ng mga police . Nagsi-iyakan na ang mga ina ng aking mga kaibigan at isa na dito si tita Cindey. I remained my head down. Napahikbi nalang ako habang ngumiti ng mapait.

I'm Coming Mama [ COMPLETED ✔️]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon