Special Chapter

153 9 3
                                    

Ito ang kauna-unahan kung araw dito sa MSWD shelter. Since 17 years old pa lamang ako ay nasa ilalim pa ako ng pangangalaga ng  DSWD. Dito muna ako titira pan samantala sa shelter nila.


Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon kaya lumipat  ako ng lugar. Napatingin naman sa akin si Tayla . Nakakunot ang kaniyang noo habang nakataas kilay na nakatingin sa akin.


" Okay ka lang ?" Umiling ako.

" Hindi kasi ako kumportable sa kinauupuan ko. "

" Masanay ka na . Ganiyan talaga ang mararamdaman mo kapag baguhan ka pa lang. Hayaan mo , masasanay ka din !" Tumango ako sa sinabi ni Tayla. Tiningnan ko yung ibang dalawang kasama ko at kumportable naman sila. Kasalukuyang natutulog pa si Gemma  ang binansagan nilang mabaho girl habang si Haney ay andoon naman sa harap ng salamin na nakatayo at  tumatawa habang tinitingnan ang kaniyang sarili.



Habang abala kami sa pagkukuwentuhan ni Tayla ay biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming napatingin sa may pinto  at inuluwa noon ang isang anghel na nakasuot ng puting uniporme. Tiningnan ko ang anghel from head to toe at automatikong nalaglag ang aking panga.


Simulan natin sa ulo ang paglalarawan sa  isang anghel. He has a dark black hair , brown eyes , long nose , red lips , perfect jaw . He has a perfect well-built body na mas lalo kang maglalaway . Matangkad din siya pero sayang kasi di ko makita yung tiyan niya. Titingnan ko lang sana kung may abs ba kaso may nakaharang na puting uniporme eh. Panira talaga.  Basta overall perpekto.

I started fantasizing him pero bago ko siya mahalikan sa aking panaginip ay naputol iyon dahil may nagsalita at siya pala.

" Ikaw ba si binibining Sabrina De Los Reyes ?" Tanong niya habang nakangiti.  Tinitigan niya ako sa mata.  Owshiie , natutunaw ako beh. His voice is so sweet like a melody to my ear.

Tumango ako. " O-opo , ako po iyon Dr." Nauutal na sagot ko. Ngumiti ito ulit sa akin. Shit , ako pala hinahanap niya , ang swerte ko naman. Kahit mabubulok ako dito sa kulungan basta siya lang magiging mapapangasawa ko ay kuntento na ako. Kahit pa sa impyerno ang patutunguhan ko.


Inilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan. " Pwede ba kitang hiramin muna sa mga kaibigan mo ?" Tanong niya at ngumiti ulit. Shit , isang ngiti pa ulit Dr. , mahuhulog na talaga ako saiyo.

Dali-dali akong tumango at tinanggap ang kaniyang kamay. Tumayo ako habang hawak-hawak pa din ang kaniyang kamay. His hands were so soft like feathers, teka bakit ang lambot ng kaniyang kamay ? Nahiya naman ata yung kamay ko na pangkargador lang.



Tumingin ako kay Tayla at nakita ko siyang walang tigil sa pagpukpok sa kaniyang unan.  Para itong naputol na bulati sa sobrang kilig ng makita niya kaming magkahawak kamay kami ni Anghel este ni Dr. pala.


" Okay ka lang , nanginginig kasi yung kamay mo ?" Nakangiting tanong ni Dr. sa akin habang naglalakad kami papuntang opisina niya.




( Rivs_Styler )



A/N: I do hope you like my special chapter that I created for you, my readers. Bilang pasasalamat sa inyo , mga mababasa ko ,  ginawa ko ito . Sana na satisfy ko kayo. Please give me some love through hitting the star button below and please do comment about your opinion , I badly craving for your feedbacks ! Thanks and God bless. Oops wait , see you sa last chapter nalang talaga may mahalaga akong sasabihin doon.

I'm Coming Mama [ COMPLETED ✔️]Where stories live. Discover now