Chapter 2

285 40 31
                                    


Mga pasado alas syete na ng gabi ay naghahanda na ako ng pagkain sa hapagkainan . Tahimik na ang  ang aming paligid except dito sa bahay namin.

"Sabrina , ba't ang dilim ng bahay natin ?" Reklamo ni mama habang ginugulo-gulo ang kaniyang kulot na buhok.

"Ma , hindi po madilim . Sinindihan ko na po yung lampara natin . Kaya po madilim dahil wala po tayong kuryente . " Paliwanag ko sa lasing kung ina.

"Sindihan mo 'yang lampara  natin ! Naku, mabubulag ako nito." Reklamo niya ulit saka pagiling-giling.

"Ma , nasindihan ko na po ." Maingat kung binanggit ang mga salita na binibitawan ko.

"Tssk , ang dilim pa din. Sabi ko sindihan mo eh ! Asan ba yung lababo natin dito, nasusuka ako." Sambit ni mama at aakmang aakyat sa hagdanan. Dali-dali ko siyang hinarangan at inalalayan patungo sa lababo namin pero bago pa kami makarating sa lababo ay sumuka na siya at sa sahig pa.  Dahan-dahan kung pinunasan  ang kaniyang baba gamit ang tissue.

Matapos kung pinunasan ang kaniyang bibig ay nakatanggap ako ng isang malakas na sampal. Sinapo ko ang aking mukha at halos mapaluhod na ako sa sobrang sakit. Para akong nabingi sa sobrang lakas ng impact. Sheez , ngayon lang ako nakatikim ng sampal ng isang lasing. Ang sakit , mga 99/100 yung damage.

"Hayop kang bata ka.Nagmana ka talaga sa tarantado mong ama. Saan ka kanina galing? May jowa ka na ba ? " Nanginginig ang mga bibig nito at ikinuyom ng dahan-dahan ang kaniyang kamao. Anong pinagsasabi ni mama ?

" M-ma , wa- wala po akong jowa." Nanginginig na sabi ko habang tiningnan siya sa kaniyang mata. Kahit lasing siya ay nakita ko pa din ang kaniyang mata na pumupula dahil sa galit.

"Hmm , humanda ka lang sa akin. Kapag nakita ko na may ka meet -up kang lalaki , humanda ka talaga sa akin ! " Sabi niya habang tinuturo niya ako gamit ang kaniyang hintuturo bago  sumalampak sa kama niya at natulog. Hinayaan ko muna siya. Nilinis ko muna ang sahig namin na nasukahan niya .

" Ma , kain muna tayo ng hapunan." Sambit ko habang tinapik si mama pero hindi siya umimik kaya pinabayaan ko nalang siya. I'm sure kapag magugutom siya ay babangon din naman siya  at kakain.

Kumain akong mag-isa ng tahimik. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng aking mga luha. Hinayaan ko lang itong lumandas sa aking mga pisngi. Bakit ba ang hina ko pagdating kay mama ? 'Di ko manlang maipagtanggol ang aking sarili.

Tiningnan ko ang aming ilaw na lampara at yung liwanag ay halos mamatay na dahil sa lakas ng ihip ng hangin. Naku, wala pa naman kaming kuryente. Saan na ba yung lighter dito?

Dali-dali akong tumayo at kinakapa ang lighter sa aking bulsa. Mabuti naman at nandito pa sa loob.

Nang matapos na akong kumain ay nilagyan ko ng kumot si mama. I'm sure lalamigin 'to kahit lasing. Pagkatapos ay umakyat na ako sa taas , doon sa kuwarto ko at dahan-dahang isinara ang pinto. Maingat akong humiga sa maliit kung kama.I stared the ceiling at biglang tumatahol yung aso namin na si Garlic.  Bumangon ako at dahan-dahang sumisilip sa maliit na butas malapit sa bintana namin. May makita akong bata na parang tumatakbo nA naglalakad sa labas ng bahay namin. Hindi ko ito masyadong maaninang dahil nakayuko ito.

Dahan-dahan akong naglalakad pabalik sa kama ko at humiga ulit. Tumingin ulit ako sa puti naming ceiling , I started forming different shapes para ma-relax yung utak ko. Ngunit , bigla akong napatigil at napaligon sa aking gilid nang may narinig akong isang bagay na tumataginting.  I carefully looked at my side and suddenly I saw a shadow of a boy coming to me. Bigla akong hindi nakagalaw sa aking hinihigaan.

I'm Coming Mama [ COMPLETED ✔️]Where stories live. Discover now