Chapter 18

70 14 7
                                    

𝙋𝙍𝙀𝙎𝙀𝙉𝙏 𝘿𝘼𝙔


" Lil BX ?" Naiiyak kung tanong sa batang nasa harapan ko. Patuloy pa din siya sa pag-iyak . Naawa na ako sa kaniya kaya niyakap ko siya pero tumatagos lang ako. Wala akong naramdaman na katawan . Parang hangin lang.

" I'm so sorry anak ko. Patawarin mo si mama. I'm so immature that time. Takot ako na maparusahan sa lola mo." Napahikbi kung sambit. 

" Sorry ? You're so cruel mama. Hindi mo naisip yung kapakanan ng sarili mong anak. Sarili mo lang ang iniisip mo. Sa tingin mo , madadala mo sa isang sorry lang  ? You killed me , mama. Hindi ako makapaniwala na ang sarili kung mama pa mismo ang pumatay sa akin. Paano mo ba nakayang patayin yung bata na galing sa sarili mong dugo? "

" I didn't kill you anak! Nang lumabas ka sa sinapupunan ko , hindi mo alam kung gaano ako kasaya na makita ka at hindi mo din alam kung gaano ako kalungkot nang sinabi sa akin ni Cidney na patay ka na. " Sabi ko habang pinunasan ang aking mga luha sa pisngi.

" Isa kang duwag mama . Hindi mo ba naalala noon na gumamit ka ng mga gamot na pampalaglag   habang nasa sinapupunan mo pa lang ako. You tried to kill me using those tablets pero lumaban ako dahil gusto kung maranasan ang mabuhay dito sa mundo and luckily nagtagumpay nga ako  pero naapektuhan naman yung katawan ko. Nang ipinanganak mo ako  , I was so happy dahil may chance na akong mabuhay but you and your five friends killed me. Hindi ako namatay ng ganon-ganon na lang. Pinatay niyo ako. Tinakpan niyo yung bibig ko para hindi makahinga !" Nanginginig na yung boses ng bata. His hands were shaking. 

" I'm sorry anak. Sorry hindi ko sinasadya. Pinagsisihan ko na ang lahat na kasalanan na ginawa ko ." Lumuhod ako sa harapan niya .

" I was so disappointed na nagkaroon ako ng isang ina na demonyo. I was so disapppointed on you, mama. Sa lahat ng babae dito sa mundong ito bakit ikaw pa yung nagiging ina ko ? I deserved to live not to die yet I failed because you and your devil friends took away my life. Pinatay niyo ako ng walang kalaban-laban. You all took away my chances to live . That's why I use you , to kill all your devil friends . Demons shall be killed . They don't deserve the world. They deserve to suffer to hell. " He said in a cold tone and stared at me.

" I'm sorry anak. Patawarin mo si mama. Anong gagawin ko para mapatawad mo ako ?" Tanong ko habang tinitigan ko siya sa mata , pleading and hoping for forgiveness. 

" Bigyan mo ako ng hustisya mama. Para matahimik na itong aking kaluluwa." He said and disappeared.  I was stunned.

Wala sa sarili akong naglalakad patungo sa aming bahay. Alas sais na ng gabi at tanging liwanag lang ng buwan at kaunting street lights ang nagbibigay liwanag sa daan.

" Aw shit." Napamura kung sabi ng muntik na akong madulas . 

Sabrina's mom POV


Napabuntong hininga ako at hindi mapakali dito sa aking kinauupuan dahil alas sais na at malapit ng mag-alas siyete ng gabi ngunit wala pa din si Sabrina dito sa bahay.

" Nasaan na kaya ang batang iyon ?"

Inaamin ko na minsan wala akong pake sa kaniya at palagi akong naglalasing pero hindi ibig sabihin na binabalewala ko siya. Hinigpitan ko lang iyong anak ko para di siya matulad sa akin.

" Ma, " isang tinig na aking narinig mula sa labas. Dali-dali kung binuksan ang pintuan at biglang nabuhayan ang aking loob ng makita ko siya.

" Sabrina , bakit ngayon ka lang umuwi ?" Nag-alalang tanong ko. Tumingin ito sa akin sandali at umiling. Napabuntong -hininga nalang ako sa kaniyang inaasta.

" Sabrina , nagluto ako ng paborito mo na Fried Chicken. Halika na , sabay na tayong maghapunan." Ngumiti ako sa kaniya .  Hindi ito tumingin sa akin at hindi nagsasalita . Bagkos , umakyat ito sa taas at pumasok sa kaniyang kwarto.

" Baka nagtatampo pa din ito sa akin."

Tinakpan ko muna ang pagkain . Sinundan ko siya sa taas at kumatok sa kaniyang pinto.

" Anak , kain na tayo." Lambing na sabi ko. Ngunit wala akong narinig na respond mula sa kaniya.

" Anak , galit pa din ba sa akin ? Patawarin mo na si mama."

" Ma , ikaw nalang kumain . Wala akong gana. Iwan muna ako dito. Gusto kung mapag-isa muna. " She grumbled. Wala akong nagawa kundi ang bumaba at kumain mag-isa.

Kinabukasan ay  maaga akong gumising . Nagtempla ako ng gatas para kay Sabrina at ipinagluto ko din siya ng bacon.

Maya-maya bumaba ito at hindi man lang ako binati at tinapunan ng tingin. Matamlay  ito at mukhang hindi nakatulog ng maayos.

" Anak , ayos ka lang ba ?"  Tumango ito at ngumiti sa akin ng matamlay . Tiningnan ko yung mata niya at walang bakas ng kasiyahan. Hindi ko nalang siya kinukulit at tahimik lang ang buong agahan namin.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na naman siya patungo sa kaniyang kwarto. Pinabayaan ko nalang siya. I think she needs time to heal at makapag-move on sa mga namatay niyang mga kaibigan.

Habang naghuhugas ako ng mga pinggan ay may ideya na pumasok sa aking isipan. Isang ideya na alam kung makapagpasiya kay Sabrina.

Nang matapos na ako sa aking gawain ay dali-dali akong nagbihis at nagpaalam  kay Sabrina. Tumango lang ito habang nakatulala sa kawalan.

Pumunta ako sa palengke at kaagad hinanap ang mga taong nagbebenta ng aso. Yeah , I don't like dogs pero kailangan kung bumili para kay Sabrina.

" Hi maam , how may I help you?" Bati ng may-ari. Ngumiti ako sa kaniya.

" May aso po ba kayo na kulay white ?" Tanong ko habang nakatingin sa  mga asong pagala-gala  sa loob ng kanilang shelter. Wala akong nakitang kulay puti sa mga ito.

" Ahm meron po maam. Hintayan niyo po muna ako dito. Kukunin ko lang sa loob. " Anito saka pumasok sa loob.

" Ito po maam. It nalang kasi ang natira. Mabenta kasi yung mga kulay white na aso. " Sambit ng may-ari. Nanlaki ang aking mata ng makita ko ang aso na dala niya. Kamukhang -kamukha nito si Garlic kaso maliit nga lang.

" Magkano 'yan ?" Tanong ko .

" Three-thousand pesos po maam ." Lumaki ulit ang aking mata.

" Wala bang discount diyan ? Kaunti lang kasi yung pera ko."

" Ahm , Two- thousand five hundred pesos nalang po." Nakahinga ako ng maluwag . Dali-dali kung inabot ang pera at saka kinuha ang aso.

Excited akong naglakad patungo sa bahay namin.Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Napansin kung wala  sa sala si Sabrina at kusina kaya dahan-dahan akong umakyat patungo  sa  kaniyang kwarto. I tried to open her door pero sarado. Kinuha ko ang aking spare key at binuksan ang pinto . Laking gulat ko ng makita ko si Sabrina na umakyat na sa may bintana at nakadipa habang nakapikit ang kaniyang mga mata. She was about to jump pero dali-dali ko siyang hinila gamit ang aking buong lakas at sa awa ng Diyos ay hindi siya nanlaban.

" Sabrina  , anong nangyari sa iyo ?" Kinakabahang tanong ko. Umiyak ito habang tumitingin sa akin.

" Anong problema mo anak ? Andito lang si mama. Sabihin mo lang. Huwag mo na gawin ulit iyon. Hindi suicide ang solusyon sa mga problema anak. Harapin mo ang iyong mga problema anak.Huwag kang matakot sa kinahihinatnan nito." Niyakap ko siya at doon na siya tuluyang napahagulhol.

☾︎༒︎Rivs_Styler༒︎☽︎


If you like this chapter please hit the star button and leave your opinion in the comment section. Thanks and keep reading. I would greatly appreciate your support.

I'm Coming Mama [ COMPLETED ✔️]Where stories live. Discover now