Chapter 2:A Rough Start

210 7 0
                                    

I would give it all back

For a chance to start over

And rewrite an ending or two


Seven Years Ago

Habang pinagmamasdan ni Win ang buong club ay hindi rin niya maalis sa isip ang mga posibleng iniisip ng mga magulang ng mga batang ito na nagpaparty. Maybe some of them are thinking na nagtatapos ng requirements ang mga anak nila, without them knowing na nagpaparty lang naman pala ang mga ito.

The bar has hundreds of conversations told in loud voices. All of those voices compete with the sound of the pop music being played nonstop. Part-timer si Win sa bar, dahil kailangan niya ng additional na pera para sa pag-aaral. Third Year na siya sa kolehiyo kaya mas dumadami ang mga dapat na paggastusan.

Hindi mayaman ang pamilya niya. Oo nga at dalawa lang silang magkapatid, pero wala naman silang kinalakhang ama. Tanging ang nanay nilang nagtitinda ng kung ano ano ang naging provider ng pamilya nila. Kung hindi pa nga dahil sa scholarship na natanggap niya mula sa pamahalaan ng city nila ay hindi siya makakapag-aral sa kolehiyo.

While wiping the counter, Win noticed the man who sat in front of him, drunk obviously.

"Hi! I've been like, eyeing you from a while ago. And I just figured, I'll come and say hi to you," the man is unmistakably under the power of the alcohol he was probably drinking for hours now.

"Ahm, Sir, parang marami na po yata kayong nai - - -" Win wasn't able to continue when the man stood up from his seat and placed his finger in Win's lips to shut him up.

"Shhh.... Don't say that. I feel like you're rejecting me now. No, baby, no please. Can you give me a chance?" If it weren't for this awkward situation, ang lakas siguro ng tawa ni Win. The man was pleading, and it was a little cute. Win thought.

"Ganito na lang. Ba - - baka pwede mo akong samahan?" tanong ng lalaki sa kanya.

Nagtaka si Win sa tinuran nito. Samahan saan? Ano ako? Prostitute?

Win asked, "Samahan saan po?"

The man raised his hand, para bang may iminumuwestra kay Win. Pagkatapos ay sinabing, "Samahan mo akong mabuhay. Sige na, pleaasshee?" sabi nitong tila tutumba na anumang sandali.

"Sir?" tanong ni Win dahil hindi niya maintindihan ito. Samahan sa buhay?

"Kasi alam mo? Ang lungkot lungkot ko e. Lahat na lang ng gawin ko mali!" sabi nito, tila pagod na pagod na sa kung anumang pinagdadaanan. Win heard that sound of disappointment. He said it like he knew that he's a disappointment. Hindi alam ni Win kung tama bang makaramdam siya ng awa para sa lalaki.

"Sir, may kasama po ba kayo? Baka po dapat magpahinga na kayo?" suggestion ni Win sa lalaki. Alam niyang epekto ng alak ang mga sinasabi nito. And any minute now, it's possible na doon na ito abutan ng pagkalango. Worst, baka may makaaway pa ito.

"Hindi!" sigaw nito, halatang ayaw magpaawat. "Hindi ako uuwi hanggang di ka na-oo sa akin!" sabi pa nito, sabay ini-straight ang baso ng alak na nasa harapan nito. Matapos itong dumighay ay tumayo itong muli sa kinauupuan, ngunit dala marahil ng pag-inom nito ng tuloy tuloy ay tinamaan na ito ng tuluyan.

"Sir? Okay lang po ba kayo? Tawagan ko na po yung pwedeng sumundo sa inyo?" narinig ni Win na sabi ng manager niya. Nahalata siguro nitong nagiging mainit na ang lalaki sa mga sagot nito.

He Used to be MineWhere stories live. Discover now