Chapter 8:For Real

191 9 1
                                    

Sometimes life just slips in through a back door

And carves out a person

"Bakit hindi na muna kayo dumito, Win?" tanong ng daddy ni Bright kay Win nang magsimulang magpaalam si Win dahil nga gabi na.

The dinner turned out well. After Chimon left, kahit medyo uncomfortable si Win ay naging maayos naman ang kinalabasan ng mga small talks nila.

"Naku, e nakakahiya ho. Baka nakakaistorbo na kami sa inyo," pagtanggi ni Win. Ang totoo'y hindi siya komportableng mag-stay sa mansyon dahil sa mommy ni Bright.

"Ano ka namang nakakaistorbo, e ito na ngang apo ko ang kaligayahan ko ngayon," sabi naman nito.

Win's heart melted. May saya sa pakiramdam niya na nakakapagpasaya ang anak niya ng ibang tao. It's like a parent's pride. Sumang-ayon na lamang si Win sa suhestiyon ng matanda,

"We can have the guest room prepared," sabi ng mommy ni Bright.

"What? Guest room? Let them sleep in Bright's room. You have a big bed, right, Bright?" tanong nito kay Bright.

Alanganing um-oo si Bright, saka nagsalita, "Baka hindi komportable si Win, dad."

"Okay lang. I can sleep in a guest room. Nyle can sleep with you," sabi ni Win.

"No, Papa. I want to be beside the two of you," sagot ni Nyle na matamang nakikinig sa usapan ng mga ito.

"Well, that settles it. Sige na, let's go back to the main house," utos ng tatay ni Bright.

They all went back to the house with Win nervous of sleeping in the same room with his ex-husband. Ano ka ba? Wala naman mangyayari sa inyo. Nyle is there.

Bakit gusto mo bang may mangyari?

No! Of course not!

Meron na namang nagtatalong mga boses sa isip ni Win while they were traveling back to the main house.

Nang makarating sa bahay ay agad na ginabayan ni Bright sina Win papuntang kwarto. Pero bago pa man sila makatuloy ay nagsalitang muli ang daddy ni Bright.

"Win, can Nyle stay with me just a few minutes more? We'll just be at the game room," paalam nito.

Tumango naman si Win sa request ng matanda.

"You wanna freshen up?" tanong ni Bright kay Win.

"Ang problema nga wala naman kaming dalang damit," bulong ni Win kay Bright.

Totoo naman kasi iyon. Hindi naman sila nag prepare para sa sleepover. Kung alam lang niyang magrerequest ang daddy nito ay nagdala sana siya.

"That's not a problem. Come with me," yaya nito kay Win.

They entered Bright's room. And to say that Win is impressed is an understatement. Napakalinis ng kwarto nito. His sheets are an alternate of royal blue, black, and white - all giving a feel of elegance. Everything in the room is arranged. At tama ang daddy nito, malaki nga ang kama nito, kasya silang tatlo.

Bright walked to the dresser and opened it. Nagulat naman si Win ng ituro nito ang isang buong panel na puno ng damit na size ni Nyle. And on the bottom part of it ay mga bagong damit na sukat sa kanya. Nagtaka tuloy si Win doon, although alam naman niyang magkasukat din sila ni Bright. Inisip na lang niya na ang mga damit na iyon ay mga damit ni Bright na hindi pa nagagamit.

"You can wear this," sabi ni Bright sabay abot kay Win ng isang ternong sleeping wear. "I hope I got the size right," sabi pa nito.

Doon na tumaas ang kilay ni Win. "You bought it for me?" tanong niya sa dating asawa.

He Used to be MineWhere stories live. Discover now