Chapter 6: Daddy Duties

182 10 0
                                    

A boy that I knew who can hurt but

Who learns how to toughen up when he's bruised

"Mukhang talagang gustong bumawi ah," bungad ni Khao kay Win pagkapasok nito sa kusina ng Rado. "Alagang alaga naman si Nyle," dugtong pa nito ng hindi kumibo si Win.

Isang buong linggong bumabawi na si Bright. Ang unang usapan nila ni Win na pagbabantay ay tinuloy tuloy nito. Ang akala kasi ni Win ay minsan lamang itong magbabantay kay Nyle, pero heto ito ngayon at isang buong linggo na ngang ito ang kasama ng anak.

Nasa Rado's si Bright at Nyle dahil ayon sa message ni Bright ay nagyaya daw ito sa restaurant. Gusto daw kumain ng paborito nitong pizza at specifically ay sa Rado's nagpadala. Okay naman kay Win ang pagpunta ng mga ito. Mas maigi nga iyon dahil makikita niya ang anak kahit na sandali lamang.

Sumilip na siya kanina sa mag-ama at nag-Hi, pero kailangan niyang bumalik sa kitchen dahil marami na namang tao. Panay lang ang update ni Khao kay Win dahil siguro'y nakikita nito ng madalas ang dalawa sa tuwing magseserve siya.

"E, diba sabi mo nga? Hayaan ko na siya bumawi. O, e di ayan, nabawi na nga," sabi ni Win kay Khao, habang busy na nagsasalang ng pizza sa oven.

"Okay ka naman? I mean, kumusta ka naman with Bright," tila nag-aalalang tanong ni Khao.

Natahimik si Win. Okay ba ako? Yung totoo? Hindi ko sigurado.

"Hmm.. Okay naman," matipid nitong sagot sa kaibigan.

"Bakit parang labas sa ilong?" tanong ni Khao, tila nanantiya.

"Kapag ba sinabi kong hindi ako okay, titigil si Bright sa pakikipagkita sa anak ko? Hindi naman diba? So, I guess, di naman ako nabigyan ng opportunity na tumanggi. So wala akong magagawa kundi maging okay sa set up," mabilis na paliwanag ni Win.

"Bakit parang biglang nag-amoy away?" pagbibiro ni Khao. "Huy! Nagtanong lang ako," dugtong pa nito.

"Sira!" natatawang sagot ni Win, pinilit na lamang ang sariling makipagbiruan sa kaibigan.

"Oy, pero ito na lang isipin mo. Diba at least kahit papano may katuwang ka sa gastos kay Nyle?" sabi ni Khao.

"E yan nga sana ang ayaw kong mangyari e," sagot naman ni Win.

"Hoy, Win! Aba, tigilan mo yang pride mo ha? Tatay yan ni Nyle. Hayaan mo siyang gumastos para sa anak niya," sagot ni Khao, medyo napalakas ang boses.

"Alam ko naman yun, Khao. Kaso parang tatanaw kasi ako ng utang na loob sa kanya?" paliwanag ni Win.

Huminga si Khao nang malalim saka sinabing, "Eto, wag ka magagalit ha?" panimula nito. "Kasi, Win, wag mo na isali yung sarili mo sa equation. Isipin mo lagi para kay Nyle yun."

Natamaan naman si Win sa sinabi ng kaibigan. Oo nga. Bakit ka ba kasi nag-eexpect na para sayo lahat ito?

Nagkibit na lamang ng balikat si Win pagkasabi niyon. Lumabas na muli si Khao ng kusina. Matapos mawala ng kaibigan ay si Sir Tay naman ang pumasok doon.

"Pero sure ka Win na okay ka lang na nandyan si Bright?" tanong din nito. Marahil ay kanina pa nakikinig.

Alam din naman ni Sir Tay ang lahat. Naging close na rin kasi silang dalawa magmula ng magtrabaho si Win sa restaurant nito. Hindi rin kasi matatawaran ang kabaitan nito at mabilis niya itong nakapalagayan ng loob.

"Sir?" tanong ni Win dito.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayong tanggalin mo na yung Sir?" tanong din nito muli.

He Used to be MineWhere stories live. Discover now