Chapter 4:A Truce?

197 8 1
                                    

He's imperfect but he tries.

He is good but he lies.

"Pero hindi mo pwedeng tanggalin sa kanya ang karapatan na makilala ang anak niya, Win. Siya pa rin ang tatay. At kahit pagbali-baliktarin natin ang mundo, yun pa rin ang magiging katotohanan," paliwanag ni Khao kay Win.

Kasalukuyan silang nasa kwarto ni Nyle sa ospital. Ligtas na ito at kailangan lang magpahinga. Binibigyan na rin ito ng antibiotic, kaya mas mabilis na naging maganda ang pakiramdam.

Ikinuwento na ni Win kay Khao ang naging pagtatalo nila ni Bright. At sinasabi niya nga ditong hindi niya kayang ipakilala si Bright kay Nyle.

"Ayoko pa rin, Khao. Ito yung kinakatakot ko e. Yung makilala siya ni Nyle," Win said, fear lacing his voice.

"Win, I know how you feel. And to tell you honestly, karapatan mo rin naman talaga na magdesisyon para sa anak mo. Pero, for the first time sa pagkakaibigan natin, sasabihin ko sayong isantabi mo muna ang emosyon mo. Kasi hindi naman na ikaw ang usapan dito. Si Nyle," Khao said, apologetic naman ang mukha nito. Marahil ay para kay Win iyon.

"Baka kasi dumating yung araw na hindi mo siya masagot tungkol sa isa pa niyang tatay. Ayoko lang dumating yung araw na magagalit sayo ang anak mo dahil ipinagkait mo yun sa kanya," paliwanag pa rin ni Khao nang hindi nagsalita si Win.

"Natatakot ako, Khao. Paano kapag kinuha niya sa akin si Nyle? What if he decides to take his custody? Hindi ko kaya kapag nawala ang anak ko," naluluhang sabi ni Win.

"Then, talk to him. Ipaliwanag mo. And maybe both of you can come up with a deal. Equal rights to parenting. Uso naman ngayon yan," Khao said, trying to stay positive. "Win, walang hindi nadadaan sa pag-uusap. I'm sure, kaya naman na ni Bright na maging reasonable?" hindi siguradong sinabi ni Khao.

Reasonable? Hindi alam ni Win kung alam ni Bright ang salitang iyon. Sa mga panahong may pinagtalunan silang dalawa noong mag-asawa pa sila, hindi iisang beses na hiningi ni Win kay Bright ang maging reasonable. Ang paganahin kahit papaano ang konsensya, ang pagmamahal sa kanya.

Napatingin silang pareho nang marinig nila ang pagkatok sa pinto. At saka sumungaw ang doktor ni Nyle. Tama nga si Bright, he's a good doctor.

"Hi, Win! Okay naman siya so far?" tanong ni Doc New kay Win, matapos ay pinuntahan ang natutulog na bata para icheck ang vitals nito.

"Yes, Dok. Salamat nga po pala. At saka yung sa room po? Baka pwede na kami lumipat sa mas mura sana? Baka po kasi lumaki masyado ang bill kapag dito pa po sa private," paliwanag ni Win.

Sa private room kasi dinala si Nyle. At hindi naman nag expect si Win na libre lahat ng iyon. Of course, he needs to also ensure na may pambayad siya after the confinement.

"Don't worry, Win. Everything is paid for na. Bright took care of it all. Even for Nyle's follow ups wala ka na poproblemahin," New explained.

Nagkatinginan sina Win at Khao. The latter raised his eyebrows as if he's saying, "dapat lang naman dahil anak niya iyan."

Marahil ay napansin ni New ang pagkabahala sa mukha ni Win kaya nagsalita itong muli, "If you want you can talk to Bright to personally thank him? Nasa labas siya e. Pinapatanong din if pwede siyang pumasok?"

Wala na ngang nagawa si Win kundi umoo sa doktor. Mayamayang kaunti pa ay pumasok na nga si Brigth sa loob ng kwarto. Instantly, Win saw how Bright trembled at the sight of his sleeping son. Lumapit si Bright dito at saka naupo sa katabing upuan. "May I?" tanong nito kay Win nang akmang hahawakan ang kamay ng bata.

He Used to be MineWhere stories live. Discover now