Chapter 11:Where were you?

142 9 0
                                    

He is all of this mixed up and baked in a beautiful pie.

"Mauuna na ako ha?" paalam ni Chimon kay Win. Ihahatid ito ni Pluem papuntang trabaho. Tapos na kasi ang pagtuturo ni Pluem kay Nyle kung paano lumangoy.

Maayos naman ang naging swimming lesson ni Nyle sa Tito Pluem niya. At sa kasalukuyan ay si New naman ang naroon.

"Mauuna na rin kami, Win ha? Ayokong gabihin kasama itong bulinggit," sabi ni New. Matapos ay kinausap naman si Nyle, "O, bub, kiss kay Papa na muna. We have to go," sabi pa nito.

Nyle kissed and hugged Win, while the latter patted the kid's head, "Ingat ha? Wag malikot baka magalit si Lolo Gel," paalala ni Win sa anak. Ngumiti naman ito at saka tumango bilang pagsang-ayon.

Dadalhin kasi ni New si Nyle sa bahay ng mga ito. Ipinaalam naman na iyon ni Bright kay Win kaya naman pumayag siya. It's refreshing kung minsan na maraming gustong mag-alaga sa anak niya. He's been having extra time for himself which he wasn't able to do sa loob ng pitong taon.

Win started walking towards the exit gate ng area. He will now go home, tutulong siguro siyang magprepare ng dinner for the family. He went to the kitchen the other day kaya napansin niya ang malawak na kusina ng mga ito. Na-excite siya.

As he was passing by the gate, isang kamay ang humatak sa bisig ni Win. Dahil gumana ang reflexes niya ay mabilis ang paghawak niya sa kamay na iyon saka pinilipit.

"Aray!" sigaw ng lalaking humawak ng braso ni Win.

Agad lumingon si Win and was shocked to find out that it was Mike who was holding his arm. Agad niya itong binitawan at saka nag-apologize, "Huy, sorry, Mike. Kasi naman, bakit ka nambibigla?" tanong ni Win.

"Wow! Grabe! Parang nabalian yata ako ng kamay sa higpit ng pagpilipit mo," natatawang sabi ni Mike.

"E ikaw kasi!" ang lakas din ng tawang balik ni Win. "Ano pala ginagawa mo dito?" muling tanong ni Win.

"Dito ako nakatira," turo nito sa building. "Napansin kasi kita nung papalabas ka na. So I thought, I might just say hi. Kaso i-kakarate mo yata ako e," pagbibiro nitong muli.

"Sorry na. Next time, tawagin mo na lang kasi ako," suhestiyon ni Win dito.

"Nagmamadali ka ba?" tanong ni Mike.

"Hindi naman. Actually pauwi ako kasi sinundo ni New si Nyle e. Doon siya magdidinner. Request nung mga matatanda doon," paliwanag ni Win kay Mike.

"Mind if you join me? Merienda tayo? May masarap na cafe sa loob," yaya ni Mike kay Win.

Win thought why not since maaga pa naman.. Kaya tumango na rin siya sa imbitasyon ni Win. Hindi man sila ganoon ka-close ni Mike ay may malaking bahagi ito ng nakaraan niya. At hindi pa rin siya nakapag pasalamat ng lubusan sa mga ginawa nito noon.

When they arrived at the cafe ay napansin agad ni Win na mukha ngang masasarap ang mga pagkain doon. Inabutan siya ni Mike ng menu matapos nilang maupo. Pero base pa lang sa mga pastries na naka-display sa estante ng coffee shop ay masasabing mga premium ang mga produkto dito.

"How are you, Win?" tanong ni Mike matapos nitong mag-order.

"Ang bigat naman ng kumustahan tanong mo," hirit ni Win, pabiro.

Ang lakas ng tawa ni Mike. "Eto naman, casual question lang yun. Kumusta ka nga?" pag-insist nito.

"Okay naman. Better kasi medyo may time sa sarili. Sa dami ba namang ng mga may gusto ng oras ni Nyle. Para akong biglang nakawala," natatawa na pagpapaliwanag ni Win.

He Used to be Mineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن