Chapter 9:A Dangerous Play

188 6 0
                                    

For the boy that I knew

Who be reckless just enough

The aftermath of Bright's declaration came right after he introduced Win and Nyle to the public. Kabi-kabila ang mga news channels na nagbalita ng tungkol sa kanila. At dahil malaki din ang event na dinaluhan ni Bright, naging dahilan din ito upang maging highlight silang tatlo ng mga balita. The headlines gave out good catchy phrases:

Heir to the Country's top Airline Company has been long-time married!

Just in: Bright Tan admitted to the public about his seven-year old son!

Who are Win and Nyle Tan? Why were they kept from the public's eyes?

Bachelor No More: Find out about Bright Tan's husband and son!

Mabilis din pati ang mga celebrity channels ng pagbabalita sa kanila. Wala pa halos dalawang oras matapos ang pagpapakilala sa kanila ni Bright ay ilan na ring mga post sa social media ang nakita ni Win.

Kaya triple ang naging takot ni Win sa mga nangyari, parang bigla kasi silang naging celebrity figure na tatlo. Hindi kasi ganoon karami ang mga nababalita tungkol kay Bright. Dahil marahil mailap ito sa media kaya ganoon. Pero palaging nasasama si Bright sa mga listahan ng mga sought-after bachelors, halos taon-taon. Kaya siguro pumutok ng malaki ang balita tungkol sa kanila ay dahil na rin uhaw ang media sa exposure ni Bright.

After that incident mabilis na pinauwi sina Win ng daddy ni Bright para pag-usapan ang gagawin.

"Ano ngayon ang plano mo, Win?" tanong nito kay Win.

"Paano hong ano ang plano?" tanong naman ni Win. Sa totoo lang kasi ay hindi rin niya alam ang gagawin.

Pribado ang buhay nilang mag-ama. Hindi sila parehong sanay sa kahit na anong atensyon. Mas lamang ang takot ni Win dahil mukhang hindi tatantanan ng media ang buhay nila. Buhay na buhay kasi ang balita. Katunayan, may mga pictures sila ni Nyle na lumabas na halatang nakuha sa mga social media accounts niya.

"We can only say na hindi tayo magpapa-interview and avoid the press, pero I'm sure they will insist. So, I think it'll be best that you and Nyle stay here na muna, until everything calms down," paliwanag ng daddy ni Bright.

Tiningnan ni Win si Bright who's silent as his dad speaks. Gustong mainis ni Win dito dahil sa ginawa nito kanina. Hindi kasi sana sila nasa ganoong sitwasyon kung hindi sa pagpapakilala nito sa kanila. Pero sa kabilang banda, naiintindihan din ito ni Win. Iniisip niya ang magiging reaksyon kung itatanggi sila ni Bright, para dobleng sakit na ang naibigay nito sa kanilang mag-ama kung magkaganoon. Kaya matapos ang matagal na pag-iisip ay narealize niya na lamang ang kasiyahan sa puso niya dahil pinanindigan ni Bright ang anak.

"What do you say, Bright?" tanong ng daddy ni Bright sa kanya.

Tahimik lamang ito, tila ba may malalim na iniisip. "Win? Is it okay with you?" nakatingin ito kay Win, again with that apologetic gaze. "Kasi kung hindi," sabi pa nito. "Dad, let's just pay all of them to stop harassing us," sabi naman nito sa tatay nito.

"Are you insane? Kahit bayaran natin lahat yan, hindi na sila titigil. You are in the headlines. It's not as if we can still nip it in the bud. Masyado na kayong naexpose to avoid further damage. Pwede lang tayong mag-file ng kaso for those pictures that they got without our permission. But that will also create further buzz amongst all of them," pagpapaliwanag nito.

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at bakit sinabi mo yun sa harap ng news channel reporter?" mataray na tanong ng mommy ni Bright. Tapos ay tumingin ito kay Win, pero hindi makuha ni Win kung ano ang ibig ipakahulugan ng tingin nito.

He Used to be Mineजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें