Chapter 10:What Happened Before?

155 6 0
                                    

To bring back the fire in his eyes...

"So ang plano is to temporarily stay kina Bright?" tanong ni Khao kay Win.

Minabuti na ni Win na kausapin na muna sina Khao at Sir Tay dahil affected ang trabaho niya sa Rado's. He will be resigning from his work. Nakapag-agree naman na sila ni Bright that he will provide for Nyle for the meantime. At dahil gusto naman niyang magtira ng kaunting pride sa sarili ay ni-request niya kay Bright kung maaari ba siyang makakuha ng trabaho sa company nito. Ayaw kasi ni Win na maging pabigat sa dating asawa. At kahit na pinagpipilitan ni Bright na hindi niya kailangang magtrabaho ay hindi siya talaga pumayag.

"Oo e. Hindi ko rin naman alam hanggang kailan. Until siguro humupa ang news about us?" paliwanag ni Win.

"Ang laking kawalan mo sa team," malungkot na sabi ni Sir Tay.

"Sorry, Sir. Hindi ko rin naman alam na magkakaganito," hingi ni Win ng paumanhin sa amo.

"No. Don't get me wrong, Win. Naiintindihan naman kita. It's okay, really," sabi nito kay Win.

"E, teka, paano yan? You live in the same house diba? Hindi ba delikado yan, Win?" tanong ni Khao. Marahil ay dahil nag-aalala para sa kaibigan.

Tiningnan ni Win si Sir Tay. Hindi kasi siya komportableng pag-usapan sana ang ganoon kapersonal dahil alam naman niya ang pakiramdam ni Sir Tay para sa kanya. Nag-aalangan siya na baka hindi rin ito komportable sa usapan.

"Uy, ano ka ba? Wag mo na isipin yan si Sir. May ibang lovelife na yan!" sabi ni Khao.

Bigla ang panlalaki ng mga mata ni Win sa sinabi ni Khao dahil nagulat siya. Tatahimik ito, iyon naman pala'y mas mauuna pa sa kanyang magkalovelife. "Teka, sino?"

Binatukan ni Sir Tay si Khao saka sinabing, "Nagpapaniwala ka diyan sa kaibigan mo? Wala iyon," pagdedeny nito pero bahagyang namula ang mga tainga.

"Eto si Sir, deny pa nga. Totoo naman ah," sabi ni Khao tila inaasar pa si Tay. "Nagpunta dito yung pinsan ng asawa mo. Nag-lunch. Pero ang totoo, hinahanap lang naman siya," nguso pa nito kay Tay.

"Sino?" tanong ni Win, nagtataka.

"Si Doc New, ano ka ba? Type yata si Sir Tay," sabi ni Khao sabay tawa ng malakas.

Tila naman nahihiya si Tay sa sinabi ni Khao kaya mabilis na tumayo sa sinabing, "O sige na, una na ako. Marami pa ako trabaho sa loob."

Mabilis na umalis si Tay para umiwas. Ang lakas naman ng tawa ni Khao. Natutuwa din si Win na makita na okay naman ang mga kaibigan niya sa desisyon.

"Psst," sitsit ni Khao kay Win, halatang may nais na klaruhin sa huli. "Magtapat ka sa akin. Anong meron?" tanong nito, pinaliit pa ang mga mata.

"Wala," sagot naman ni Win, hindi makatingin sa kaibigan.

"Magsasalita ka o tatanungin ko si Bright?" pagbabanta pa nito.

"Kaya mo?" paghahamon naman ni Win. Nagkatawanan sila matapos iyon dahil alam naman ni Win na di kayang gawin ni Khao ang sinasabi. Nagbibiro lamang ito.

"E bakit parang glowing ka?" tanong muli ni Khao. Tinitigan muli si Win saka nagsalita, "Ay puta!" biglang sigaw nito.

"Hoy, gago! Wag ka magmura! Ang lakas ng boses mo," saway ni Win dito. Paglingon nilang dalawa ay napansin nilang napatingin sa kanilang ang mag-asawang nakain sa restaurant sa kasalukuyan.

"Nagpatikim ka ulit?" tanong ni Khao, nanlalaki pa ang mga mata.

Hindi nagsalita si Win. Napayuko ito saka nahihiyang tiningnan ang kaibigan, indikasyon ng pag-amin.

He Used to be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon