Chapter 5:Young Love

183 7 0
                                    

I was never attention sweet center.

I still remember that boy.


They say that when you're young and you fall in love, it's the sweetest.

And Win was able to prove this. His 'yes' to Bright's answer kung gusto ba niyang maging sila ay pinandigan naman ng huli. He's been the sweetest in a week's time now. Sa loob ng mga panahong iyon, hatid sundo ni Bright si Win at halos hindi nilulubayan si Win kung saan man ito pumunta. Even in his part time jobs, nakabuntot ang nobyo. Napakarami din nitong ibinibigay kay Win. Nariyang may bouquet ng bulaklak, tsokolate, keychain na may pangalan nilang dalawa, tiket sa isang concert, at kung ano ano pa. Buti na nga lang at napigilan ito ni Win nang balak siya nitong bilhan ng telepono. Galante si Bright na boyfriend at wala itong preno sa paggasta. Palibhasa'y mayaman kaya ganun na lamang ang tingin nito sa paggastos ng pera.

Isang buong linggong nagpapa-impress si Bright kay Win at dalang dala naman si Win sa ka-sweetan ng boyfriend niya. Win would admit that he's never had such attention given to him. Ever since he was young, he was already aware of what is most important sa buhay niya at ng pamilya niya. He wanted to provide for his family, ibigay sa Mama at kapatid niya ang buhay na nararapat para sa mga ito.

Aaminin niyang natakot siya noong una na sumubok ng relasyon dahil wala naman siyang alam tungkol doon. The closest experience to a relationship na meron si Win is with Joss, his highschool sweetheart. Hindi naging sila, pero parang ganoon na rin naman ang naging trato nila sa isa't isa. They were separated dahil mas pinili ng pamilya ni Joss na mag-migrate sa ibang bansa. Nakahanap kasi ng trabaho doon ang tatay nito at kasama na ang buong pamilya ng umalis ng bansa.

Bright gave Win the courage that he lacked. Pinatapang siya nitong magtake ng risks. Lahat kasi ng mga naging desisyon ni Win in the past are safe. His whole world centered around having to live a better life. Pero narealize ni Win na maaari naman niyang pagsabayin ang dalawa. Nangako siya sa sariling hindi pababayaan ang pag-aaral at pagsuporta sa pamilya habang pumapasok siya sa relasyon nila ni Bright. He may be young and foolish but he knows exactly what he wants. Mabilis kung ituturing ng karamihan, pero sigurado siyang mahal niya si Bright at gusto niyang bumuo ng buhay kasama ito at ang pamilya niya.

Win decided to tell Chimon, his brother, everything. Gusto niyang i-share dito ang kaligayahan niya at ang lahat ng mga magagandang bagay na nangyayari sa buhay niya ngayon. He and his brother are very close, sanggang dikit ika nga ng iba. Kahit anong mangyari, Win knew that Chimon got his back, at ganun din siya sa kapatid.

"Ano ba kasi sasabihin mo? Mag-rereview pa ako e," kunwari'y naiinis na sabi ni Chimon sa kuya niya. Inaasar niya lang ito.

Lately kasi napapansin na rin ni Chimon na masaya ang kuya niya. Tila ba may kung anong sparkle sa mga nito tuwing aalis ng bahay, at kapag dadating nama'y di mapaknit ang ngiti sa mga labi nito. So, he knew that his Kuya was in love. Ayaw niya lang pangunahan ito.

Chimon thought na deserve naman ng Kuya Win niya ang magmahal at mahalin. Hindi naman kasi ito nagkukulang sa pagtulong sa kanila. Kahit na nahihirapan ito sa pagsasabay ng pag-aaral at pagtatrabaho, pinipilit pa rin nitong ibigay sa kanila ang mga bagay na kailangan nila. Hindi kasi sapat ang kita ng Mama nila sa pagtitinda. Kalimitan kapos sila sa maraming bagay, kaya halos pasukan na ng Kuya niya ang lahat ng trabaho mapunan lang lahat ng kulang.

Chimon looks up to his Kuya as his model. Bilib na bilib siya dito dahil bukod sa pagiging masipag, napakatalino din nito. Kaya nga nakapag-aaral ito ngayon sa magandang eskwelahan dahil sa scholarship nito. And he promised himself na susuportahan niya ang Kuya niya with everything that he will do, that's at the very least what he can give in return.

He Used to be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon