Chapter 43

486 13 0
                                    

**Continuation**

Nakatulala kaming pareho ni Seven habang nakasiksik sa sulok ng kwarto. Ilang araw na ba kami dito? Siguro mag-iisang linggo na. Gaano pa kaya katagal bago kami patayin ni Kazzelle?

Napatingin ako sa katabi ko. Simula nang araw na winalanghiya sya ng mga tauhan ni Kazzelle, hindi na sya nagsasalita. Napapaiyak na lang ako kapag naaalala ko ang pangyayaring yun.

"Seven?..."mahinang usal ko sa kanya.
Hindi ko alam kung naririnig nya ba ako o hindi, hindi kasi sya kumikibo.

Hindi na nakagapos ang mga kamay namin, pero nakakadena naman kami sa pader. Malaya kaming nakakakilos pero limitado lang ang space na paggagalawan.

Tinry kong ikilos ang braso ko. A sharp pain volted from my back to my whole body. Napasinghap na lang ako sa sakit.
Sigurado, puro latay ang likod ko. I can still feel the bite of the rope like it was still there. Napatigil ako sa pagkilos nang makaamoy ako ng pagkain. My mouth watered at the smell of the food, ilang araw narin akong hindi nakakakain.

As if on cue, the metal door opened and Darlene appeared at the jamb, holding a tray of food. I guess, due to the smell.

Lumapit sya samin, wearing that big smile she used the entire time na nilalatigo nya ako. Napasiksik ako lalo sa sulok sa takot na baka ulitin nya ulit. That called the attention of Seven.

"Owww, scared little poor kitten, aren't you?"she mocked.

Lalapit sana si Darlene nang biglang gumalaw si Seven sa tabi ko. She hissed venomously while glowering at her na nagpaatras sa kanya.

"Touch her and I'll break your neck!"dugtong pa ni Seven.

Tumayo ng matuwid si Darlene na sinamahan nya pa ng taas noo.
"Whatever! You're still pathetic parin naman. Enjoy your food slaves!"saka nito hinagis sa harapan naming dalawa ang tray. Inirapan nya muna kami bago sya tuluyang umalis.

Gumapang ako palapit sa tray at sa nagkalat na pagkain. Kumakalam na talaga ang tyan ko at gutom na gutom na ako. Napatitig ako sa pagkaing nasa harapan ko. Puro tira tira lang na pinagsama sama ang nasa bowl, at isang pirasong monay. Pinilit kong wag umiyak, ngayon pa ba ako iiyak kung kailan hindi naman ako nilalatigo?

Inabot ko ang monay at saka hinati sa gitna, inabot ko ang kalahati kay Seven. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa nagpasya akong magsalita.

"A-ano ba talaga ang kasalanan ng pamilya ko?"tanong ko sa kanya.

Akala ko hindi na sya magsasalita, but I guess, its too soon to tell that.
"Hindi sila masama, sila ang dahilan kung bakit ako buhay. Utang ko sa kanila ang buhay ko, at hindi ko sila bibiguin. Handa akong magsakripisyo para sa kapakanan nang buong Nagasaki.."sagot nya sa mahinang boses.

"Ano ba talaga ang pamilya ko?"naguguluhang tanong ko sa kanya.
Bago sya makasagot, bumukas ulit ang pintuan, this time it was Kazzelle and base in the crease of her brows. She's mad, really mad..

Nasa likuran nya ang ilang tauhan nya na may bitbit na tray na may lamang gamit.

"Naiinip na ako Seven, at sawang sawa na ako sa katigasan ng ulo mo. Kailangan ko nang putulin ang pangil mo!"singhal nya.

Lumapit ang dalawang lalaki kay seven at kinaladkad sya palapit sa kanila.
"Bitawan nyo nga ako! Ano ba!! Bitawan nyo ako!!"pagpupumiglas nya.

"Tingnan lang natin kung magmamatigas ka pa.. Give me the scalpel!"she bellowed na agd sinunod ng isa sa tauhan nya. Inabot nito kay Kazzelle ang isang maliit na spatula.

"Anong gagawin nyo sa kanya??!"nanginginig na tanong ko.

Hindi nila ako pinansin bagkus ay hinawakan nila ang ulo at magkabilang braso ni Seven.

Sinong TANGA? [COMPLETED]Where stories live. Discover now