CHAPTER 22

880 23 0
                                    

**

This chapter is dedicated to cycookie..Kawaii sayo!!^O^)/

KATRINA's POV

Bumaba ako ng kwarto para hanapin si mama..

"Mamehhhhh!!!!"

Nasan na ba yun si mameh?

"Mamehhhhh!!!"

"Hui ano ba baby Kat? Bakit ka ba sumisigaw?"

Tiningnan ko si Ate Kate na nakaupo sa kusina. May hawak syang ballpen at papel habang may nginangatngat na mangga.

Nangangasim ako pag nakikita sya..

"Ate Kate!! Si mameh?"

Lumapit ako sa kanya habang may sinusulat sya sa papel..

"Lumayas na.."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya..

Si mameh lumayas? Pero bakit???

"Waaaah ate!! Bat sya lumayas? Bakit nya tayo iniwan? Naging mabait naman ako ahh? May nagawa ba akong mali? Huhuhu.."

Napatingin sakin si ate na parang di makapaniwala..

"Bakit ate?? Hindi na ba nya tayo mahal?? Nalaman na ba nyang may kabit sa daddy???Huhuhu.."

*Pak!*

"Aray!! Bat ka nananapok? Hindi ka man lang ba nalulungkot?huhu, anong klaseng anak ka!!! Lapastangan!! Huhuhu..."

*Pak!*

"Aray ha!!! Nakakadalawa ka na!!>____<"

"Gaga!! Naniwala ka naman?Ang oa mo rin eh.. tsaka ano yung sinasabi mong may kabit si daddy!! Gusto mo itiwarik kita!!"

napapout ako..eh totoo namang may kabit si daddy eh..>3<

"Meron naman talaga!! Titser ko pa nga eh.."

Pinaningkitan ako ni ate ng mata..

"at sino naman aber?!!"

"Kilala mo si Mam Parado diba ate? Kasi naging adviser mo sya..dibaaa?"

Nagpatuloy sya sa pagsusulat ng kung ano mang sinusulat nya sa papel, sabay subo sa mangga..

"Oo bakit?"

"Sya yung kabit ni daddy!!!"

Biglang nabulunan si ate sa mangga..

Akala ko nga nung una nalunok nya yung buto..

Gahaman kasi..hehe

"Anong sinasabi mo?!!"

"Eh kasi sabi ni Mam Parado sakin kahapon, sya daw yung pangalawa kong nanay..>O<"

Sinapok nya ako ulit, nakaka tatlo na sya ha!! Pag ako nabobo..

"Tanga!! Aisht, hindi nya yun kabit!! Oh eto!"

Sabay abot sakin ng papel na sinulatan nya..

"Mag grocery ka na lang! Baka may maisip at magawa ka pang matino.."

Sabay tayo sa upuan at labas ng kusina.

Tiningnan ko naman ang papel..

Listahan pala ng bibilhin yun..

Maya maya bumalik si ate at nilapag sa harap ko ang isang libo..

"Dalian mo na! Isama mo yung boypren mo or yung isa mong kaibigang adik.."

Sinong TANGA? [COMPLETED]Where stories live. Discover now