Chapter 34

628 20 0
                                    

₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪

Namiss ko kasi kung  pano makipagaway si Ella eh.xD
But this time, syempre si Katrina naman ang titingnan natin kung pano sya makipagbakbakan.hahahaha

Mabilis na ang placing nang story guys pero nandun parin naman ang content:))
Feeling ko nga hindi nyo na nagugustuhan ang story ko -w- wala kasi kayong feedbacks eh, kahit vote man lang.xD
Geh,back to the story..

Enjoy;)
****************************

KATRINA'S POV

*The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try again later..*

*Toot.toot*

*Dials..*

*Rings*

*The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try again later..*

*Dials*

*Rings*

*The number you have dialled is either unat--*

Naiinis na ako ha!!

Pinatay ko ang cellphone ko at saka nakabusangot na umupo sa bench na inuupuan din nila Ella. Kanina ko pa kasi tinatawagan si Xedrick dahil paalis na ang bus na sasakyan namin papuntang MOA.

Film viewing kasi namin ngayon at kasama namin sila Xedrick sa bus at kagaya nga ng sinabi ko, hindi ko sya macontact..

"Oh ano na? Ano daw sabi?"tanong sakin ni Ella na kasalukuyang naglalagay ng eyeliner.

Lalong lumukot ang mukha ko.

Sino ba kasi yung malanding sumasagot ng phone nya? Paenglish english pa, sipain ko yun eh..

"Iba ang sumasagot ng phone nya.."sagot ko kay Ella.

Isang bwan narin naman ang nakalipas simula nung nagtransfer sila at nanalo kami sa battle of the bands. At isang bwan naring sumikat si Ella (ehem.KAMI).

Isang bwan narin ang lumipas simula nang hindi na ako pinapansin ni Aevahn sungit, ewan ko ba kung anong problema nun..

Isang bwan narin ang lumipas nang nagsimulang bwisitin ni Kazzelle at ni Darlene ang buhay ko. Seriously, hindi ko rin alam kung bakit laging ako ang pinag iinitan nya.

"Ha? Babae? Baka nanay nya.."sabi ni Prince na nagseselfie.

Minsan talaga may pagkabakla tong si Prince eh..

"Nanay? I don't think so.."sagot ko sa kanya.

Oo umienglish ako.xD

"Tsk. Antagal tagal naman ng huklubang yun! Gusto ko na magshopping!"sabi ni Ella na natapos ng magmake up.

Mukha talagang gangster to si Ella.

Ako rin pala..-______-

Si Ella kasi eh, sya ang namili ng susuutin ko ngayon. Pinagawayan pa namin which is ikinatalo ko dahil naubos na ang oras namin sa tug of war.

Pinagsuot nya ako ng long sleeved blouse na checkered black and gray na may white na tinernuhan ng black skinny jeans at wedge. pisti nga eh, nahirapan akong bumaba ng hagdan.

Nagulat pa ako nang may isinuot sakin si ate Kate na kwintas. Ang ganda nga eh kaso ang weird ng pendant.

Black rose sya na may nakapulupot na ahas.

Sinong TANGA? [COMPLETED]Where stories live. Discover now