Chapter 45

815 17 1
                                    

[Someone's POV]

Mula sa kinauupuan kong booth sa pinakadulo at secluded corner ng coffee shop nayun, nakita kong pumasok ang dalawang babae at apat na lalaking naka black suit. Dalawa sa apat na lalaking yun ay kilala ko, kung hindi ako nagkakamali, nag-aaral sila sa Remmington University. Or bahagi lang din yun nang publicity nila.

Ang isang babae ay nakablue designer dress at furry shawl. Matangkad at maputi na may mahaba at maalon along buhok. Sa unahan nya ay isang pamilyar na babae. Nakasuot ito ng kulay pulang fitted dress na tinernuhan ng kulay pulang 4 inch stilletos na lalong nagpatangkad sa height nito. She's emitting an aura of confidence and sophistication na ikinaiinggit ng mga kababaihan sa lugar na yun.
Lahat ng tao sa loob ng coffee shop ay napapatigil upang titigan sila, even the staffs of the shop.

Natuon ang pansin nang babaeng nakapula sa booth na kinaroroonan ko. Agad akong tumayo pagkarating nila sa mesa at binigyan sila ng isang composed na ngiti.

"Kate Nagasaki?"tanong ko sa kanya. Binigyan nya naman ako ng ngiti bilang sagot.

Isa isa na silang nagsi-upo sa mga bakanteng upuan na nandun. Hindi ko maiwasang maintimidate sa kanila, lalo na kay Kate na nasa tapat ko.

"*Whistles* Diba kapatid ka ni-- ooohh.. Interesting.."sibad ni Jacob na hindi naituloy ang pagbanggit ng pangalan dahil sa masamang tingin na ibinigay ko sa kanya.

"Don't say bad words.."I spat at him.

"So, may alam ka na makakatulong samin para mahanap ang kapatid ko..."putol ni Kate sa usapan namin.

Nabaling ang atensyon ko sa kanya.
"Yes..."walang kaabug-abog kong sagot.

"Where is she?"she said enthusiastically. Flickers of hope sparked in her cold brown eyes. She really love her sister then..

"I'll give you the address. But in one condition.."seryosong saad ko sa kanya.

This caught the attention of the other people who escorted her. Siguro sinama nya sila in case of emergency, knowing na kaya namang pangalagaan ni Kate ang sarili nya without their help. Certain protocol maybe..

"What? You want money? Name your price..."sagot nya sakin.

Medyo nagulat ako sa sinabi nya. Gaano ba sila kayaman at confidence syang mababayaran nya kung sakaling manghingi man ako sa kanya ng pera? I guess, I have to find out...

I smirked at her eagerness and answered.
"2 million dollars. In cash..." Kumpyansa akong mayayanig ko ang composure nya, pero mali ata ako.

Ngumiti sya ng malapad at sumandal sa stool na kinauupuan nya.
"Deal. Leigh, where's my checkbook?"she replied with her usual composed demeanor.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglaglag ng panga ni Jacob at Xedrick sa tinuran ni Kate. Maski nga ako eh kung hindi ko lang napigilan, I'm sure nasa lapag na ang panga ko ngayon.

Bigla akong napatawa ng malakas na ikinagulat ng ilan sa kanila at ng mga karatig table.
So, the Nagasaki's are richer than the president. What an amazing news..

"Is she going nuts?"bulong nang nagngangalang Leigh sa mga katabi nito.

"Maybe she's just happy because she will receive 2 million dollars. Man, that was fvcking big!! You can buy a whole chain of hotels in that money.."namamanghang sagot ni Jacob.

"I wish I was in her position.."dagdag pa nung isang lalaking nakasalamin.

"You can earn more than that assholes. 2 million dollars is just a piece of dust. Sa klase ng trabaho natin, isa lang yang barya.."saad ni Xedrick.

Sinong TANGA? [COMPLETED]Where stories live. Discover now