•Chapter 33

644 21 0
                                    

₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪

"Hoy..ano ngang english ng palo palo?"tanong samin ni Ella na nakaupo sa harapan namin.

Nandito kami ngayon sa canteen at naghihintay ng himala. De jowk lang,busy kasi ang lahat (pwera samin.sshh) sa papalapit na battle of the bands. Lukaret nga tong si impakta,sasali daw. Idadamay pa kami..

Katabi ko si Prince na nakatingin ngayon sa salamin habang nagfofoundation. Shet lang,bakla ba to?

Di namin kasama si Dane kasi busy naman sya sa praktis ng cheerleading para din bukas.

Oo bukas na yung battle of the bands dahil atat na si author na tapusin ang kwentong to.xD

Sabay kaming napatingin kay Ella nang nakataas ang kilay,pero wag ka,mas mataas yung kay Prince..

"At bakit mo naman tinatanong yan impakta?"tanong ko sa kanya.

Ano nga bang key non?-____- bat kasi pumayag payag pa akong maging guitarist eh,leshe..

"Eh kasi si Ash eh!!"sagot ni Ella habang nakapout pa. Madalas na nyang gawin yan kasi feeling nya cute daw sya.

Seriously..mukha syang pato..

"Ano meron dun?"sabi ni Prince na binulsa ang foundation.

Kinuha ni Ella ang lapis na hawak hawak ko at nilaro laro nya sa daliri nya. Nagdoodle pa sya sa mesa,nakuu makita yan ng student council nganga ka talaga..

"May pustahan kasi kami.. Pag nalaman ko daw ang english ng Palo-palo,ibibigay nya yung Ferrari nya,pag hindi naman.."sagot ni Ella na binitin pa ang pagsasalita.

Lumapit si Prince sa kanya at parang tutang nagaabang ng sagot.

"Luh..ano? Ano gagawin nya? Rerapin ka nya? Oh My Goooshh.."eksaheradong bulalas ni Prince with matching takip bibig sabay laki ng mata.

Napafacepalm naman si Ella sabay sapok sa noo ni Prince. Oh yan,tanga..hahahaha

Utak kasi nito kung ano ano nalalaman.

"Gag*! Kung ano ano iniisip mo.."pairap na sabi ni Ella sa kanya.

"Eh ano ba kasi? Pasuspense pa eh.."

Inagaw ko sa kanya ang lapis ko at itinuloy ang pag jojotdown ng guitar notes ng Siguro.

Tatlo kasi kakantahin ng bawat grupo, which is ang sa amin ay: You Belong With Me,Siguro at All About That Base.. Lahat ng yan ay si Ella ang kakanta. Back up lang kami.xD

Pinipilit nga ako ni Ella na kumanta slash vocalist kaso ayaw ko. Pang CR lang ang boses ko eh:D

"Kung hindi gagawin nya daw akong slave.. Heller!! Ni hindi nga alam ni Madir at pudra ang english nun,ako pa kaya?pshh"nakasimangot na sagot ni Ella.

Kaya naman pala eh.. Tsk,dumadamoves si Kuya Ash..

"Igoogle mo.."

"Ginawa ko nayan,zero results.."-Ella

Tinigil ko ang pagsusulat at nag isip. Oo nga no.. ano nga ba ang english ng palo palo?

"Ahhm..Falo falo?"

Nakapokerface na umiling si Ella.

"Feylo Feylo?"-Prince

Lalo namang umiling si Ella sabay sandal sa mesa habang ang isang kamay ay nasa baba nya.

"Slap slap?"

"Sampal sampal yun bruha gusto mo try ko sayo?"-Ella

"Hit Hit!"-Prince

Sinong TANGA? [COMPLETED]Where stories live. Discover now