CHAPTER 23

889 24 0
                                    

**

Anlakas ng ulan samin..senyu? Nabagyo ba?xD

KATRINA's POV

"Baby kat!!Gising na!! Andyan ang kaibigan mo.."

Hindi ko lang pinansin si Mameh na ngayon ay nagwawala na sa kama ko. Mas gusto ko pa ring matulog no..

Kadate ko pa naman si Patrick Star..-w-

"Baby Kat!! Hui..gising na baby, andyan si Ella.."

Di ko pa rin sya pinapansin, hinihila kasi ako ni Patrick Star sa dreamland..

"BRUHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!"

"WAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!"

Napabalikwas ako ng bangon sa gulat sa sigaw ni Ella.

Tangchicken naman oh!! Yung puso ko!Dumudugudug!!!!

Tiningnan ko si Ella na kasalukuyang nakatingin sakin ng masama. Ang kapal din ng kilay nitong impaktang to para magalit!! Eh ako yung halos mamatay sa sobrang gulat!!>______<

"Bakit mas malakas ang sigaw mo sakin ha???"

"Bakit ka ba nambubulabog? Keaga aga!! Wala pa ngang morning tuko eh.."

"Early bird catches worms bruha.."

Sabay lapit sa aparador ko at naglabas ng ilang damit.

Napakunot noo ako sa sinabi nya..

Early bird catches worms daw..

"So feeling mo ibon ka? At kaya ampayat mo kasi uod kinakain mo? Yuck impakta, food kaya yun ni bird..kelan ka pa naging aso??"

*PLAK*

"Aray ha bat ka namamato?"

Hinimas himas ko ang braso kong tinamaan ng suklay ko na kinuha nya sa table.

"Ako aso? Eh kung sinasapak kita? Tumayo ka na nga dyan,maya maya darating na yung boypren mo dito!!"

"Boypren ka dyan! Palibhasa kasi walang may gusto sayo kasi mataba ka!!"

Tumayo na ako sa higaan at hinablot ang towel bago pumasok sa cr.

"Pakyu!!"

Binelatan ko sya bago tuluyang isara ang pinto ng cr.

Pagkatapos ko maligo binalot ko muna ang sarili ko sa wardrobe saka lumabas ng banyo.

May nakahandang kulay asul na bestida sa kama..

Si Ella na naman may pakana neto..

Habang nagbibihis ako,narinig ko sila sa baba na parang may binabating bagong dating..

'Yow Aevahn!'

Nataranta naman agad ako ng marinig ko ang pangalan nya.

Nagmamadali akong nagbihis at nagsuklay ng buhok..

Anong hairstyle ba? Bagay ba sakin ang bestida kong blue? Magmemakeup ba ako?

Teka nga, bat ba ako natataranta? Si Aevahn lang yan!!! Tama tama si Ae sungit lang yan..hindi yan si Patrick star!!

Binitawan ko ang buhok ko. Balak ko sanang ibraid eh kaso nakakangalay kaya wag na lang..

Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok kong maalon alon at nilagyan nalang ng clip sa kanan..

Ayan pwede na yan!!

Bago ako lumabas ng kwarto tiningnan ko muna ang repleksyon ko sa salamin.

Aissshh..ampangit ko parin!!!

Sinong TANGA? [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant