Chapter 30

739 19 0
                                    

★☆★☆

AN: yoww guyss.. sorry for the lame updates. Hectic kasi sched ko ehh .pasenxa..

Heres the next chapter. Nagawa ko na to eh, tinopak yung go keyboard ko binura ba naman.. -_____- Anak ng peking duck na may fishball.. nangangalahati na ako biglang binura? Sarap itapon ehh..

okayy lets proceed.. Salamat sa nagcomments at nagvotes sa latter chaps ng ST.. •﹏• natouch ako sa support nyo.. thankiezzz..

Sa lahat ng nakamiss kay prince.. heres an update.. :D

♥♡

KATRINA'S POV

Asan na kaya si Ella? Hayyy ang loner ko talaga..

Nilibot ko ang buong paningin sa loob ng room. Nagiisa pa lang kasi ako dahil napaaga ang pasok ko. Hindi ko rin naman kasabay si Ella dahil kagabi pa sya hindi umuuwi. Ewan ko ba dun, kung san san nagliliwaliw.. -____-

Kakatapos lang din ng sembreak namin at talaga namang napakadaming nangyari sa buhay ko sa loob ng isang linggo. Nakakastressss... with quadrople S!

Nag inat inat muna ako bago ako nagdesisyong pumunta ng canteen. Dun na lang ako magpapalipas ng oras kesa naman makipagtitigan sa mga butiki at langgam na dumadaan. Isama mo na pati ang langaw na palipad lipad pa sa mukha ko..

Inayos ko muna ang bag ko bago ako lumabas ng room at tinunton ang daan papuntang canteen. Padami narin padami ang mga estudyanteng nagsisipasok. Karamihan ay mga varsities na magpapraktis ng kani kanilang athletic roles at isa na dun si kuya Ash.

Nakita nya ata akong nagiisa dahil kumaway pa sya sakin na may kasamang malawak na ngiti habang papalapit sakin. Kinawayan ko rin sya pabalik..

"Hi Baby Kat!!"

"Hello kuya Ash."

"Kamusta? Mukhang mag isa ka ah?"

Sabi nya sakin habang sinisipat ang likuran ko, parang may hinahanap..

"Oo eh.. Wala kasi si Ella, hindi pa umuuwi mula kagabi.."

"A-ah ganun ba?"

Binalik nya ulit ang tingin nya sa likuran ko.

Ano bang meron sa likuran ko at kanina pa sya tingin ng tingin?

Nacucurious na lumingon ako sa likuran ko. Sa di kalayuan ay may lalaking naka itim na long sleeve polo at slacks. May suot suot din syang aviator glasses sa ulo nya na agad nyang binaba sa mata nya at umiwas ng tingin. Fammiliar din sya..

Ang weird nya rin ehh..

Nakakunot noong binalik ko ang tingin kay kuya Ash na seryosong nakatitig sa lalaki.

"Kilala mo ba sya kuya Ash?"

Agad syang tumingin sakin at kinamot ang batok nya.

"Ah.. kasamahan ko sya sa swimming club, may praktis kasi kami ngayon sa swimming. Alam mo na, malapit na ang swimming competiton sa MADD.."

Napatango tango ako at nilingon ulit ang lalaki. Nagsign sya kay Ash na tinanguan naman nya..

"Sige na kuya Ash, baka inaantay ka na nya."

"Okay, mauna na ako. Ingat ka baby Kat.."

Saka sya tuluyang umalis kasama nung lalaki.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng makita ko si Ella'ng naglalakad palabas ng SC office. Napakunot noo ako ng mapansin ko ang suot nya. Nakaitim sya na t-shirt, itim na jeans at itim na sneakers.

Sinong TANGA? [COMPLETED]Where stories live. Discover now