CHAPTER 25

869 19 3
                                    

**

Pumasok  ang sinasakyan naming taxi sa isang exclusive subdivision sa Sagada. Itinuro ni Ella ang isa pa naming bahay na binili ni daddy last year, para daw pag magbakasyon kami dito, may sarili daw kaming bahay. Hindi ko pa nakikita ang bahay na binili ni daddy kasi hindi ko alam kung bakit.-w-

Basta sila kuya Keith,Ate Kate at mameh pa lang ang nakakapunta dun. Hindi ko nga alam kung bakit alam ni impakta ang address namin eh.

Baka binigay na sa kanya nila mameh...

"Kuya, dyan lang po sa tabi.."

Itinabi ni manong driver ang taxi sa tapat ng isang malaking bahay. Napanganga nga ako sa laki at ganda, kahit 3rd floor lang ang kita dahil sa laki ng gate. Gate pa lang malaki na, pano pa kaya ang loob? Siguro kasing lawak ng soccer field, hehe.

Binayaran muna ni impakta ang driver bago lumabas ng taxi. Ako naman, dumiretso sa bahay na may malaking gate. Magdodoorbell na sana ako ng magsalita si Ella sa likod ko.

"Oh, anong gagawin mo dyan?"

"Magdodoorbell?"

"Bakit ka magdodoorbell dyan?"

"Eh kasi may doorbell?"

Inirapan nya ako at hinila sa katabing bahay na kabaligtaran ng nauna. Kung gaano kalaki ang nasa kabila, ganun naman kaliit ang nasa tapat namin ngayon. Nahiya ata sa sobrang laki ng bahay na katabi nya kaya nagpaliit na lang. Pero katamtaman naman ang laki, parang simpleng bahay lang sya na may second floor. Hindi kasi kami ganun kayaman eh.-w-

"Dito ang bahay nyo, hindi jan assuming ka ha.."

Hindi na sya nagdoorbell at basta pumasok na lang sa loob ng gate. Grabe talaga tong babaeng to..

Kumatok kami sa pinto at pinagbuksan kami ni mameh. Sa likuran nya si Kuya Keith na sinisilip ang ulo sa kilikili ni madir.

"Waaahhh baby Kat!!!^O^"

Sabay yakap sakin ng mahigpit. Ngayon ko lang din naramdaman na sobrang lamig pala talaga sa Sagada.

"Mommy papasukin mo muna kaya si baby Kat bago mo sya patayin sa yakap.."

Hinila ako papasok sa loob ng bahay ni Kuya Keith kasunod sila mameh. Sa sala, nakaupo si ate Kate na ngayon ay ngumangatngat na naman ng mangga, this time..mang tomas naman ang sawsawan nya. Sa tabi nya ay si daddy na nakatingin kay ate na parang diring diri, pero kumakain din sya ng mangga. Sabagay, sinong di madidiri dun?-w-

"Daddyyyyyy!!!!!"

Tumakbo ako palapit kay daddy sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Namiss ko daddy ko!! T^T

"Anlaki laki mo na baby Kat, sino yang boyfriend mo ha?"

"Daddy naman eh, wala kaya akong boyfriend..>_____<"

"Sus..indenial ka pa bruha, sipa you want?"

"Masarap ba yun?>O<"

"Oo dali try ko sayo.."

"Oh tama na yan mahiya naman kayo sa ate nyong sarap na sarap sa kinakain nyang di masarap.."

Nagtinginan kaming lahat kay ate Kate na walang pakialam basta kumakain lang sya ng mangga. Napansin nya ata na lahat kami nakatitig sa kanya kaya napatigil sya sa pagkain at nakakunot noong napatingin samin.

"Problema nyo?"

sabay subo ng mangga.

"Wala, akalain mo yun kambal, ang pangit mo pala?"

Sinong TANGA? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon