Chapter 28

753 25 8
                                    

****

AN: Weehee.. Im sooo excited na sa book 2!! ^___^

Dedicated to SoGoodPretender.. Thanks for adding this story on ur RD..^___^

Here's the next chapter..enjoy! :))

**********

Paikot ikot lang kami ni Ella  sa buong boutique para maghanap ng damit na susuotin namin mamaya. Kanina pa nga ako naghihila at nagsusuggest ng mga dress sa kanya, hinahagis nya lang palayo..

"Eto impakta?" Sabay pakita sa kanya ng kulay maroon na halter dress. Sa kanya na lang kasi ayaw ko magsuot nyan.

"Kadiri.." Sabay tapon ng damit sa ibang dereksyon. Sakto namang may saleslady na nakatayo sa gawi na yun kaya natamaan ito sa mukha nang damit.

Nagtago tuloy ako sa likod ni Ella nung tumingin nang masama yung babae. Ang adik naman kasi ng impaktang to.

"Eh ano ba kasi hinahanap mo? Kanina pa tayo dito, nagugutom nakooo.."

Hindi nya lang ako pinansin at naghuhugot lang ng mga damit dun. Bigla naman syang ngumiti ng may makuha syang kulay itim na dress na hawak hawak nya. Humarap sya sakin at pinakita ito sa harap ko habang hawak hawak nya at nakataas ng bahagya.

"What do you think?" Ngiting ngiting tanong nya.

Napakunot noo naman ako habang nakatitig sa damit na kinuha nya. Maganda ang tela at oo, maganda talaga sya.

"Itim? Diba birthday pupuntahan natin Ella? Bakit itim?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Andami namang ibang kulay itim talaga. Ano bah yun, lamay?

"Sa tingin ko naman maganda to..Eto na lang sayo.." Sabay abot sakin ng isa pang kulay itim na dress. Off shoulder yun na hanggang ibabaw lang ng tuhod at pabaloon style. May design din na lace sa bandang bewang at isang maliit na ribbon na black din at may beads sa gilid.

"Eh? Black din?"

"Wag ka na maarte, tara na, diba nagugutom kana?" Naglakad sya papunta sa may cashier habang nakasunod ako sa kanya.

Hayaan na nga..nagugutom narin ako eh. Tsaka pagod na akong maghanap ng damit tapos itatapon nya lang naman.

Pagkatapos nya magbayad sa counter, dumiretso kami sa greenwhich para kumain. Umorder si Ella ng isang family size pizza, para namang mauubos namin yun..-____-

"Oie..ano regalo mo sa kapatid mo?"

Curious kasi ako sa regalong ibibigay nya eh. Nakabalot kasi sa itim na wrapper box na nakita ko kanina habang binabalot nya. Ang laki laki pa ng ngiti nya..

Tumigil sya sa pagkain ng pizza at sinamaan ako ng tingin..

Bakit? May sinabi ba akong masama?

"FYI bruha! Hindi ko sya kapatid!! Anak lang sya sa labas ni dad.."saka pinagpatuloy ang paglamon nya. Inirapan pa nga ako..

"Impakta..kapatid mo pa rin yun, anak parin sya ng daddy mo.."

Minsan talaga ang bobo nitong impakta nato eh.

"Aisshh..ewan ko sayo! Basta para sakin, wala akong kapatid!!"

Ansungit talaga..Hindi nya ba alam? Ansarap kaya magkaroon ng kapatid..

[AN:Hindi ako naniniwala..xD]

"Tsaka isa pa.. Sikreto na yung regalo ko no! Bakit ko naman sasabihin sayo? Ikaw ba may birthday?"

"Para nagtatanong lang eh.."

Sinubo ko na lang ang pizza na nasa kamay ko. Napatingin agad ako sa kanya nang bigla syang tumawa ng mahina. Naabnormal na naman.. Kelan kaya to titino?

Sinong TANGA? [COMPLETED]Where stories live. Discover now