PROLOGUE

115 15 44
                                    


PROLOGUE


"Thou shall not declare

name of Death, beware—

when he walks the Earth,

there will be more threats.

Vigorous curse,

death is false."


Napatikhim si Desto nang maalala ang tula na kanyang nabasa sa isang libro. Ano kayang ibig sabihin no'n? isip-isip niya. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa kahiwagaan ng librong iyon. Hindi niya mapigilan ang sarili na mag-isip kung totoo nga ba ang mga nakasaad sa librong 'yon o ito'y mga haka-haka lamang.

Tiningala niya ang langit at tanging isang malalim na buntong hininga lamang ang kanyang nagawa. "Kung wala lang sanang light pollution o kahit 'yung ibang uri ng pollution ay mas marami pa sanang bituin ang makikita sa langit," panghihinayang niya.

He can't help but wonder what lies beyond the sky. The universe is still expanding and he cannot ignore the possibility that there are other creatures existing outside, somewhere in the universe. For him, it's impossible if there are only humans who exist in this vast universe.

He shook his head, trying to focus. Aminado naman siya sa kanyang sarili na masyado na siyang nilalamon ng pagkamangha sa kalawakan dahil sa mga nababasa niyang articles at mga libro. Muli na naman tuloy niyang naalala kung paano siya asarin ng mga kaklase niya nung high school dahil mas gugustuhin pa niyang magbasa ng libro kaysa makipaglaro sa computer shop sa kanila. "Tss, talo naman sa akin kapag naglalaro kami! Sarap kotongan sa lungs eh!" inis na bulong niya sa sarili.

"Hala! Malapit na magsimula 'yung meteor shower!! Tara na sa park!!" napalingon siya sa isang estudyante na nagsalita. Naglalakad siya ngayon sa tulay papunta sa apartment complex na tinitirahan niya, at malapit din sa park kung saan nagtatakbuhan ang mga tao upang abangan ang paparating na meteor shower.

Nakisabay siya sa iilang tao na papunta rin ng park. Napatakip pa siya ng kanyang bibig nang makita ang dami ng tao na naka-upo sa damuhan nito. 'Yung iba pa nga ay may mga nakahanda ng camera upang kuhaan ang meteor shower, at 'yung iba naman ay ineenjoy na ang pagmamasid sa mga bituin sa langit.

"Sayang! Hindi ko nadala ang camera ko!" panghihinayang niya. Sinubukan niyang ilabas ang kanyang phone at itinapat ito sa langit. "Baka magmukhang kwitis lang 'yung meteor shower kapag ito ginamit ko eh!" aniya at sinukuan na lamang ang pagvivideo sa langit. Mas gugustuhin niyang enjoyin na lamang ang pagdaan nito kaysa magfocus sa pagvideo gamit ang phone niya.

"Maraming tao ang nag-aabang sa kauna-unahang meteor shower na magiging visible sa ating bansa. Kaunting minuto na lamang at matutunghayan na ito ng karamihan!" napalingon siya sa hindi kalayuan. May iilang media outlet ang nandito para gumawa ng coverage ng meteor shower. P'wede kayang kumaway do'n?

Natawa si Desto sa kanyang naisip at hindi na niya natago ang excitement na kanyang nararamdaman. Nabasa niya rin kasi na kapag nagwish ka raw habang nagaganap ang meteor shower ay magkakatotoo ito. Hindi na siya makapaghintay na ito'y subukan.

"Ayan na!!" sigaw ng isang lalaki. Napatingala na silang lahat at unti-unti na ngang nakikita ang grupo ng meteor na padaan na sa kanilang harapan.

May iba na napasigaw pa sa tuwa, at may iba naman na napapatalon pa. Buong pusong pinanuod ni Desto ang grupo ng bulalakaw na nagniningning sa kalangitan. Sinubukan niyang videohan ito ngunit naging bigo siya dahil nagmukhang kwitis lang talaga ang mga bulalakaw sa kanyang phone. What a bummer!

Stars of Regia: THE REMNANTS [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon