CHAPTER 17

22 6 13
                                    


⚠️PLEASE READ AT YOUR OWN RISK⚠️


CHAPTER SEVENTEEN


Third-Person POV

Patuloy pa rin ang malakas at sunod-sunod na kulog at kidlat. Tila ay naging balisa ang dalawa—sina Eros at Desto—dahil pakiramdam nila ay may mangyayaring hindi maganda.

Base sa itim na usok na bumabalot sa hitman ay sigurado na si Eros na ito'y naging isa nang frustrated soul. Ngayon lamang siya nakahawak ng ganitong kaso dahil kadalasan ay agad itong napupunta sa kanilang Lead Head na si Verum.

Napasabunot siya sa kanyang buhok. "D*mn!" aniya.

Muli niyang inalala ang lahat ng impormasyon patungkol sa iba't ibang uri ng kaluluwa ng mga taong namayapa na. Napagtanto niyang masyado na yatang naging payapa at madali ang kanyang trabaho sa loob ng mahabang panahon dahil gano'n na lamang ang kaba na kanyang nararamdaman ngayon.

"I know that there are four types of soul," isip-isip niya. Muli na namang kumulog nang malakas at nawala siya sa kanyang focus. "D*mn! C'mon, Eros! Think!" gigil na sambit niya sa sarili. Hangga't maaari ay ayaw niyang magkaroon ng malaking pagkakamali kaya't gano'n na lamang siya ka-desperado na maagapan ang lahat. Ilang sandali pa ay naalala na niya ang mga dapat niyang maalala.

When humans die, their souls will be classified as:

1. Peaceful Soul – the one who has accepted their death without regrets, grudges, worries, and resentment, they died peacefully due to sickness or old age.

2. Regretful Soul – the one who has worries, regrets, and/or unexpressed will because of an unexpected death.

3. Frustrated Soul – the one who has unconsciously resentful feelings towards a human and mistook it for a beautiful and positive emotion.

4. Vengeful Soul – the one who has a higher desire to harm humans, will eventually have the power to execute it.


In special cases:

1. A Regretful Soul can turn into a Frustrated Soul, once the true emotions are realized;

2. The emotions of a frustrated soul are so strong that they linger around humans and will eventually have the desire to harm them.

3. If the frustrated soul is not controlled, it will turn into a vengeful soul that will eventually give them the power to harm humans.

Matapos niyang alalahanin ang lahat ay agad niyang nilapitan ang hitman at hinawakan ito sa balikat, "Human, I need you to calm down." Tinignan siya nito pabalik at ang kaninang malumanay na mata ay napalitan na ng poot. "Oh you're f*cking kidding me! Dark eyes?!"

Napasapo siya sa kanyang noo nang mapagtantong may isang impormasyon siyang nakaligtaan:

One thing to distinguish a frustrated soul from a vengeful soul: the latter one manifests dark eyes.

Ang kaninang frustrated soul ay naging vengeful soul na dahil napuno na ito ng galit, poot, at paghihiganti. Dahil sa naipon na ang lahat ng masasamang intensyon ay nagiging itim na ang mga mata ng kaluluwang nagdadala nito.

Stars of Regia: THE REMNANTS [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon