CHAPTER 22

12 4 0
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

DESTO's POV

Mr. Eros told me about everything. I even asked him why he was telling me all of that, and all he said was, "I feel like you should know, too, Desto. And please, stop calling me mister." That's all he said before he ended the call. What a nice way to end a conversation, isn't it?

Well, I will still call him Mr. Eros, though.

Pero, may isang bagay na sinabi sa akin si Mr. Eros na nakakapagpabagabag sa akin. "I don't know how Ms. Reita was able to talk to Ms. Reina, and I will find everything behind that mystery. Can you please look out for Ms. Reita for the meantime?"

At dahil doon, papunta ako ngayon sa hospital upang kumustahin ang lagay ni Professor Reita. I heard that she's awake, too. And if given a chance, I would like to ask about it. You know, I want to help Mr. Eros.

Mabuti na lang din at hindi naging critical ang lagay ni Professor Reita at hindi na niya kailangan pang mapunta ng ICU. Sa pagkakaalam ko'y nasa VIP room siya, kaya doon na ako dederetso.

Kumatok muna ako hanggang sa may narinig na akong nagsalita, "Come in."

"Good morning, Professor Reita," bati ko sa kanya at nilapag ko sa side table niya ang mga prutas na dala ko. Inabot ko sa kanya ang isang bouquet ng bulaklak, "I'm so glad that you're doing fine, Prof. Reita."

Ngumiti siya habang inaamoy ang bulaklak, "You're so thoughtful, Desto. Thank you for visiting me."

Nagkumustahan pa kaming dalawa at may ilang tanong din ako sa kanya na konektado sa school. Tinanong ko siya kung siya pa rin ba ang professor namin at sinagot niya ako habang nakangiti. "Of course, Desto. Our classes will resume next week," aniya.

"That'll be wonderful, Prof!" ayan na lamang ang nasagot ko dahil sa tingin ko'y wala naman akong karapatan na kwestyunin ang desisyon niya. I mean, she's older than me, and I need to respect that.

Nabalot pa kami ng katahimikan hanggang sa napagdesisyunan ko nang magtanong sa kanya. Huminga muna ako, bago humarap sa kanya. "Prof..." panimula ko.

Napukaw ko ang atensyon niya't humarap din siya sa akin. "Can I ask you a question?" tanong ko. Ngumiti naman siya, "Of course, Desto. Shoot it."

Should I really be asking this? Or am I even allowed to ask this?

Muli akong tumingin sa kanya at medyo nagtataka na siya, kaya't nagsalita na ako. "That day..."

Nakita ko ang pagbabago sa kanyang reaksyon pero tinuloy ko pa rin ang pagsasalita ko, "... Do you remember anything?"

"Oh..." she said while avoiding my gaze. I can feel that she's quite uncomfortable about this. "I'm sorry, Prof. Please disregard my question," nahihiya kong pahayag. D*ng. I should have been more considerate!

Natawa siya nang bahagya. "It's really fine, Desto. It's just that... aside from having a dream with Reina, I don't remember anything at all," aniya at parang hindi siya masaya patungkol dito.

Magsasalita na sana ako ngunit muli siyang nagsalita. At sa pagkakataong ito ay nakatingin na siya sa akin. "Actually, a man came to me before you arrived and asked me the same thing," aniya.

A man? Maybe, Mr. Eros?

"Do you perhaps know him?"

"I'm not sure, Prof. Reita," ayan na lamang ang nasagot ko dahil wala namang nabanggit sa akin si Mr. Eros na galing na siya rito kay Professor Reita. Baka pagkatapos niya akong kausapin ay pumunta na siya rito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stars of Regia: THE REMNANTS [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon