CHAPTER 13

21 6 7
                                    

CHAPTER THIRTEEN

DESTO's POV

Nanghina ang aking tuhod. Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig. Hindi ko alam kung magandang desisyon ba talaga ang umakyat na agad at ipa-deliver na lang ang aking mga inorder. Hanggang ngayon ay nahihirapan akong i-process ang aking mga nalaman! Nagloloko na ang aking munting isipan! Argh!! Sa sobrang dami kong nalaman ay nagmamalfunction na ang aking utak! Desto Shin!! Kailangan mong magfocus ngayon!!

Laking pasasalamat ko na hindi ko naisara nang maigi ang aking pinto dahil hindi ito tutunog kahit na lumabas akong muli. Oo! Nakapasok na ako rito sa loob ng unit pero hindi ako umalis sa may malapit sa pinto! Parang may nagsasabi sa akin na makinig lamang ako sa usapan nila!

Nick, salamat at pinasahan mo ako ng pagka-tsismoso mo!!

Dahan-dahan akong tumalikod upang lumabas dahil kailangan kong huminga nang malupitan!

"Sir, ito na po ang order niyo—"

"Oh my goodness gracious great ball of astonishment!" pabulong ngunit gulat kong pahayag nang biglang sumulpot ang delivery man sa aking likuran!

Nagulat din siya sa naging reaksyon ko kaya't agad ko siyang nginitian, "Sorry, Kuya. Sadyang magugulatin lang ako!" Kinuha ko ang orders ko sa kanya, "Salamat ho rito!" sabi ko.

Humarap ako sa aking pinto at huminga ng malalim. "Desto, you need to act like you know nothing, okay?"

Mababalewala ang pagsali ko ng high school theater club kung hindi ko ito magagamit ngayon!

Dahan-dahan akong pumasok. Sinara ko na ang pinto at saka ito tumunog. Nang marinig kong huminto na sila sa kanilang pag-uusap ay saka ako sumulpot sa kanilang harapan.

At kahit na nanginginig ang aking tuhod dahil sa kaba, ay pinilit ko ang aking sarili na ngumiti. "Food is here! Kain na tayo guys!"

Tinignan ko silang lahat at parang wala lang sa kanila ang pagdating ko. Wow, veteran actors naman pala ang mga ito!

Nilapag ko na ang mga dala ko sa kanilang harapan. "Burger and fries, huh? Hindi talaga 'yan nawawala sa mga inoorder mo, anak," natatawang pahayag ni Chairman. Inangat ko ang paningin ko sa kanya upang tignan siya.

"Enough with Desto, what is your purpose of coming here personally, Angel of Death?" Naalala ko na naman 'yung kilabot ko kanina nang banggitin ni Chairman ang mga katagang 'yan. Pagpasok na pagpasok ko ng pinto ay ayan agad ang narinig ko mula kay Chairman! Kilala niya si Mister sa totoo nitong katauhan!

"What's wrong, anak?" iniling ko ang aking ulo at nagpatuloy sa mala-teatro kong pag-arte. "Wala, wala..." sabi ko at binaling ko ang aking atensyon sa mga pagkaing dala ko. "S'yempre naman! Baka favorite ko 'yan?! 'Tsaka, recommended talaga 'yan! Hahaha!" kung may paligsahan lang ng awkwardness dito ay nanalo na siguro ako! Desto! Ayos mukha, baka mahalata!

Pinagmasdan ko lamang silang lahat. Si Chairman ay busy sa pagtingin ng pangalan ng mga drinks at saka inaabot ito sa kanila, si Mr. Verum naman ay payapang iniinom ang kanyang americano, at sina Mister na nakatingin lamang sa mga pagkain sa lamesa.

Paano kaya nagkakilala sina Chairman at sina Mister? Baka katulad sila nung sa palabas na may human butler sila rito sa Earth?! Alam mo 'yun? 'Yung mga tao na kasa-kasama palagi ng mga kakaibang nilalang para sila 'yung maglalakad nung mga bagay na kailangan para hindi mabunyag ang totoong pagkakakilanlan nila sa karamihan?! Baka gano'n 'yon!!

Eh??? Si Chairman ay isang human butler?! Impossible! Napaka-busy niyang tao para maging butler, no! But it's also possible because Chairman Shin has a lot of connections... Darn! Oo nga, no?!

Stars of Regia: THE REMNANTS [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon